Adrian's POV
HINDI ako mapakali. Pasado alas otso na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si Missy. Kanina pa ako panay tawag at chat sa kaniya pero wala akong natanggap ni isang reply man lang.
Dahil sa inis at frustration ko kanina ay mas pinili ko na lang ang umuwi imbes na komprontahin si Missy dahil sa ginawa niya. Baka may rason siya kung bakit nagawa niyang magsinungaling sa akin, bagay na hindi naman niya madalas ginagawa. Ang dami kong tanong na siya lang ang makakasagot pero heto ako ngayon, naghihintay lang sa kaniya at sa paliwanag niya.
Bakit magkasama sila nung lalakeng iyon? Bakit hawak niya ang bag ng Girlfriend ko? Bakit balisa at hindi siya mapakali noong tanungin ko kung pauwi na siya? Ano ang tinatago mo sa akin, Missy?
Napahinto ako kakalakad sa loob ng bahay nang marinig kong nagbukas ang pintuan. Nagmadali akong pumunta roon at nakita ko si Missy, tila wala sa sariling naglalakad papasok. Tulala lang siya at halata mong medyo namamaga ang kaniyang mga mata.
"Saan ka galing? Anong oras na, ah?" bungad ko sa kaniya. Isang katahimikan ang sumagot sa akin. "Sa pagkakaalam ko alas onse lang ng tanghali ang end of shift mo pero alas otso na nang gabi."
Tumingin siya sa mata ko pero wala pang isang segundo ay napaiwas siya ng tingin palayo.
"Kinakausap kita, Missy. Saan ka galing?"
"I told you earlier, I rendered an OT." Walang-ganang sagot niya. Napantig naman ang tainga ko sa narinig.
Huh! Paninindigan niya talaga ang kasinungalingan niya?
"OT? 11am to 8pm, OT?" singhal ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napagtaasan ko na siya ng boses.
"Please, hal, pagod ako. Bukas na lang, pwede?"
Napaawang ang bibig ko dahil sa inis at kagat-labing napatingala habang nakapamewang. Pambihira!
Hindi pa man ako nakakasagot ay dumaan na siya sa harapan ko at naglakad papuntang kwarto. Napasabunot ako sa sariling buhok sa inis at mayamaya lang ay sinundan ko siya.
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" makahulugang tanong ko sa kanya. Baka kasi may nakakalimutan siyang i-kwento sa akin. Kung ano'ng meron at magkasama silang dalawa kanina nung Harold na yun.
Inilapag niya ang dalang bag sa kama at kasunod 'nun ay ang paghiga niya. Nakita kong pumikit siya ng mga mata nang hindi man lang pinapansin ang tanong ko.
"Missy, kinakausap kita. Ano ba'ng nangyayari? Hindi ka naman ganito, ah?"
"Adrian, pwede ba?!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Missy. Napakurap ako ng ilang beses dahil sa pagkabigla.
"Sinabi ko na sa 'yo, pagod ako. Will you please stop even just for now? Gulong-gulo na ang utak ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. I'm not in a mood right now kaya 'wag mo akong simulan."
Natahimik ako. Ano'ng ibig niyang sabihin doon? Saan siya naguguluhan? Eh, ako nga ang naguguluhan sa nangyayari dahil sa nakita kanina.
Napabuntonghininga ako. Mayamaya lang ay napagdesisyunan kong umalis ng kwarto at tumambay na lamang sa sala. Walang mangyayari kung ganitong parehong mainit ang ulo naming dalawa. Kakausapin ko na lang siya tungkol sa nakita ko kanina kapag kalmado na siya at ang sarili ko.
Hindi ako basta-basta nagagalit sa kaniya. Pero iba ang kutob ko dahil sa nakita kanina. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano hanggat hindi ko mismo naririnig sa kaniya ang totoo.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Thread (GL)
Short Story"Mahal mo nga ba talaga ako? O mahal mo lang ako dahil alam mong mas convenient 'yon para sa 'yo?" [PUBLISHED UNDER MNV PUBLISHING]