Chapter 2

2.6K 45 2
                                    

Kumunot 'yong noo ko at nag-iwas ako ng tingin kay Mr. Montagne. Lumingon ako kay Axel at ngumisi siya sa akin na parang nanalo siya sa isang bet.


"Kakilala mo, Zia?" tanong sa akin ni Jas.


"Nakita ko lang sa party kahapon."


"Zia, bakit siya nakatingin sa'yo?" tanong naman ni Julian.


Napalingon silang lahat sa akin at puno ng suspicion 'yong mata ni Daphne at Jas habang nagtataka naman si Matt.


Ngumisi bigla si Jas. "Baka bet si Zia, hindi natin alam."


Umiling na lang ako. "I doubt that." I don't think he likes me at all.


Lumingon ako kay Blair na parang binabasa 'yong mukha ko kaya pinaningkitan ko siya ng mata. Tumingin siya kay Jas at tumawa nang marahan. "Hindi pwede. Enemies 'yong mga families namin, remember?"


"So enemy niyo siya?" tanong ni Daphne.


Umiling ako. "Wala naman akong enemies."


"I'm not involved in whatever fight they're having." Nagkibit-balikat si Blair. "I'm also acquainted with Hailey Montagne because we're from the same university and she's not really difficult to talk to."


Naglagay si Daphne ng isang bucket ng alak sa gitna namin at kukuha sana si Axel pero pinigilan siya ni Blair.


"After the season na," sabi ni Blair kay Axel.


Ngumuso si Axel at uminom na lang sa soda niya. "Gosh! I want to drink."


"Kumusta nga pala studies niyo?" tanong ni Blair.


"Don't ask." Napahawak si Ella sa temples niya at umiling. "7 years of this."


Ngumiti si Blair at hinawakan 'yong kamay ni Ella. "For the goal, 'di ba?"


Huminga nang malalim si Ella at tumango. "Yeah, for the goal."


Ngumiti si Blair at nagkibit-balikat bago uminom sa mango shake niya. "I don't know what else to talk about, we're all single."


Nag-usap lang kami tungkol sa mga updates sa kanya-kanya naming buhay lalo na pagdating sa acads dahil wala nga naman kaming love life lahat.


"Ay, natapos na," sabi ni Daphne at ngumuso habang nakatingin sa stage.


Napatingin din ako at pababa na nga 'yong banda nila Mr. Montagne galing sa stage. May mga babae na lumapit sa kanila. 'Yong vocalist nila todo entertain sa mga babae habang 'yong iba naman dumiretso na sa table nila.


"Men," bulong ni Ella at umirap.


"Men," Daphne purred. Tinaasan pa niya ng kilay si Ella. "Use them then discard them, Ella. Easier than hating them to the core."

[Career Series #1]: The Unstable ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon