Napaawang 'yong labi ko noong makarating kami sa rooftop ng condo building namin at naglakad kami sa tapat ng isang helicopter na nakalagay sa ibabaw ng helipad.
Dahan-dahan akong lumingon kay Hunter at nagtataka ko siyang tinignan. "Saan tayo pupunta? Nagsabi ka ba sa parents ko kung saan mo ako dadalhin?"
Tumango siya at tumawa nang marahan. "Of course, I did, and your dad was okay with it as long as I send him pictures every 10 minutes."
Inalalayan niya ako paakyat sa helicopter at pinaupo niya ako sa tabi ng upuan ng piloto bago siya umupo sa mismong upuan ng piloto. May lisensya nga pala siya...
Isinuot niya sa akin 'yong headset bago siya nagsuot ng kanya. "Are you comfortable?" tanong niya.
Kinuha niya 'yong cellphone niya mula sa bulsa niya at kumuha ng picture sa loob ng helicopter at kinuhanan din niya ako ng picture para i-send sa daddy ko.
Tumango ako at ngumiti sa kanya kaya nag-umpisa na siyang i-navigate 'yong helicopter at umangat na 'yon mula sa helipad.
Pinanood ko siya habang seryoso siyang nagna-navigate noong helicopter. Sumandal ako sa backrest noong upuan at pinanood lang 'yong langit na medyo kakulay ng mata ni Hunter. Buti na lang din hindi sobrang kakulay ng mata ni Hunter dahil makulimlim na langit ang ibig sabihin noon.
"Lahat kaya mong gawin, 'no?" sabi ko sa kanya.
"We'll see if I can make you fall for me," seryosong sagot niya habang naka-focus pa rin sa pag-navigate noong helicopter.
Napaawang 'yong labi ko at uminit 'yong mukha ko sa sinabi niya. Parang tumigil yata 'yong utak ko sa pag-function dahil hindi ko alam isasagot ko sa kanya. Tumikhim ako at tumingin na lang ulit sa harap.
Tinapik ko 'yong area kung nasaan 'yong puso ko at napailing na lang ako.
"When will your friends be available?" tanong niya. "I'll talk to them, too."
"May game si Axel sa Sunday kaya manonood kaming lahat." Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko lang sigurado kung papayag sila na sumama ka."
Tumango siya. "Can you ask them for me? Because I really don't want them to think that I'm planning to hurt you or anything."
"Sabihan ko sila pero 'wag ka masyadong umasa." Tumawa ako nang marahan. "Kung nadalian ka sa parents ko, medyo mahirap kapag sa mga kaibigan ko."
"It's fine... I just really want to lessen the complications. I don't want to add more problems when it comes to whatever we have between us."
Lumapag 'yong helicopter sa tuktok ng isang mababang building matapos ang isang oras at pinatay na niya 'yong makina. Tinanggal niya 'yong headset na suot ko bago niya tinanggal 'yong kanya at inalalayan niya akong bumaba.
"Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya.
"Subic," sagot niya at ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
[Career Series #1]: The Unstable Elements
Romance[Career Series #1] Zia always follows the rules and standards that were set for her. One of them is taking chemical engineering in college without actually considering what she wants. Being an heiress of one of the richest families in the Philippine...