Chapter 54

3.3K 92 6
                                    

Nanlaki 'yong mata ko noong lapitan na naman siya ng mga bodyguard kaya nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko pero nasa harapan pa rin ng pinto 'yong dalawang bantay na ayaw magpalabas sa akin.


Natigilan ako noong mayroong isa sa kanila ang nag-attempt na humawak sa akin pero nakabawi ako kaagad at mabilis nakaiwas sa kanila kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo.


Mabilis 'yong pagtibok ng puso ko pero hindi ko muna 'yon masyadong pinansin at tinuloy ko lang 'yong pagtakbo ko hanggang sa makarating ako sa front door at nadatnan ko si Hunter na hawak na naman ng mga bodyguards ni lolo.


Nagtama 'yong mata namin ni Hunter at sumikip 'yong dibdib ko noong makita ko 'yong mga pasa at galos sa mukha niya.


Binigyan niya ako ng maliit na ngiti at umiling na para bang sinasabi niya sa akin na 'wag akong mag-alala sa kanya.


Paano namang hindi ako mag-aalala? Ang dami niyang pasa at galos! Kaya naman pala ganoon ang reaksyon ni Hailey.


Lumingon sa akin si lolo at malamig na tumingin sa akin. "Matigas na talaga ang ulo mo, Zirconia. Ganyan ba ang naging impluwensya sa'yo ng lalaking 'to?"


Hindi ako sumagot sa kanya... Wala namang tamang sagot... Walang sagot na magpapawala ng galit niya sa akin at kay Hunter.


Inutusan na naman ni lolo 'yong mga tauhan niya na ilayo sa akin si Hunter at alam ko na kung ano ang mangyayari at pupunta na dapat ako sa harapan ni lolo pero hinarangan nina Trevor 'yong mga bodyguard ni lolo. Nasa labas lang pala sila ng gate namin...


"We cannot let that happen again, Mr. Fiorentino," seryosong sabi ni Trevor kay Lolo. "Our friend came here to talk to you in a civilized way."


Kumunot 'yong noo ni lolo at lalong nagalit 'yong mga mata niya. "Gusto niyo bang madamay?"


Tumawa nang marahan si Apollo na parang nang-iinis. "I don't think that's a good idea, Sir, you'll answer to our parents if something happens to us."


Umawang 'yong labi ko dahil sa pang-aasar ni Apollo at pumunta kaagad ako sa harapan ni lolo. "L...Lolo, I'll make them leave," sabi ko kaagad. "Don't... Don't hurt th...them."


Nagpakawala ng malalim na hininga si lolo at napailing habang wala pa ring emosyon 'yong mukha niya. "Sige... Kapag hindi pa sila umalis kaagad alam niyo na kung ano ang mangyayari sa kanya."


Nagbaba ako ng tingin at tumango, mabilis akong lumapit kay Hunter at tinitigan ko 'yong mukha niya.


"Bantayan niyo 'yan," utos ni lolo sa mga tauhan niya bago siya tumalikod sa amin at pumasok sa loob.


Hinawakan niya kaagad 'yong mukha ko at tinitigan ako. Lumiwanag 'yong mukha niya at niyakap niya ako nang mahigpit, hinalikan pa niya 'yong sentido ko. "Damn... You're here."


Napahinga ako nang maluwag at niyakap ko siya pabalik. Wala akong pakialam kung mayroong mga tao sa paligid namin, basta nayakap ko na ulit si Hunter.

[Career Series #1]: The Unstable ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon