Hindi ko alam isasagot ko sa kanya kaya tinanggal ko na lang 'yong pagkakahawak niya sa baba ko dahil biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin.
Hindi naman uncomfortable pero parang nakakakaba na ewan. Ano naman kaya 'to?
Tumitig din ako sa mata niya habang tinatanggal ko 'yong kamay niya. Maganda pala talaga 'yong mata niya. Marami na akong nakita na blue na mata pero kakaiba 'yong kanya dahil may pagka-gray ang mga ito.
"Zia."
Napakurap ako at ngumiti sa kanya. "Maganda pala 'yong mga mata mo, 'no?"
Napaawang 'yong labi niya pero walang lumabas na salita mula roon. Inilayo niya 'yong mukha niya sa mukha ko. Tumikhim siya at lalong sumeryoso 'yong mukha niya. "Let's go."
Nauna siyang maglakad sa akin papunta sa elevator habang dala-dala pa rin 'yong school bag ko kaya sumunod na ako sa kanya.
Tumabi ako sa kanya sa tapat ng elevator at sinilip ko 'yong mukha niya. Napakunot 'yong noo ko dahil namumula 'yong mukha niya. Hindi naman mainit dito sa floor namin.
"Are you okay?" nag-aalangan kong tanong sa kanya dahil nakatingin lang siya sa tapat niya. "Namumula 'yong mukha mo."
Napapikit siya at huminga nang malalim bago lumingon sa akin at ngumiti. "I'm okay."
Nag-tilt 'yong head ko sa side. "Are you sure?"
Nagbukas na 'yong elevator at ipinauna niya akong sumakay doon. "I'm really okay."
Noong makarating kami sa student lounge, pumwesto kami sa usual na pinupwestuhan namin. Buti na lang nasa dulo 'tong area na 'to kaya wala masyadong umuupo.
Tahimik lang kaming dalawa ni Hunter pero 'yong cellphone niya vibrate nang vibrate habang nag-aaral kaming dalawa.
Kumunot 'yong noo ni Hunter at sumilip doon. Napailing siya at sumama 'yong mukha niya at tinaob 'yong phone niya.
"Sabi sa'yo hinahanap ka nina Apollo, eh," sabi ko sa kanya. "Lagi ka kasing tumatanggi sa kanila."
"We're busy," seryosong sabi niya at ibinalik 'yong tingin niya sa libro niya.
Napailing na lang ako at ibinalik na rin 'yong atensyon ko sa inaaral ko. Lumipas ang ilang oras at nawala lang 'yong focus ko sa inaaral ko noong biglang tumayo si Hunter.
"I'll just go to the washroom," sabi niya at inabot sa akin 'yong cellphone niya. "Just ignore Apollo's messages. If Hailey calls or texts, you can answer it."
Tumango na lang ako at ibinaba sa tabi ko 'yong phone niya. Lagi naman niyang iniiwan phone niya sa akin.
Ibinalik ko 'yong atensyon ko sa readings ko pero biglang nag-vibrate 'yong phone ni Hunter. Ang busy naman ng cellphone niya.
BINABASA MO ANG
[Career Series #1]: The Unstable Elements
Romance[Career Series #1] Zia always follows the rules and standards that were set for her. One of them is taking chemical engineering in college without actually considering what she wants. Being an heiress of one of the richest families in the Philippine...