Chapter 55

903 24 3
                                    

Kumunot 'yong noo ko at inangat ko 'yong tingin ko sa kanya. "Ano?" nagtataka kong tanong. Hindi ko sigurado kung tama ba 'yong narinig ko guni-guni ko lang 'yon. Kaming dalawa 'yong aalis? Paano naman 'yong mga responsibilities niya rito?


Hinawakan niya 'yong pisngi ko at hinimas 'yon gamit 'yong thumb niya. "Let's run away together."


Ilang beses akong kumurap, sinusubukan iproseso 'yong sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko dahil mas marami pang tanong sa utak ko na hindi ko masabi sa kanya.


Saan kami magse-stay? Paano kung mahanap kaming dalawa? Paano kung magalit sa amin 'yong mga magulang namin? Paano 'yong pag-aaral niya?


"Is that okay with you?" tanong niya kaya nabalik ako sa reyalidad at tumingin ako sa mga mata niya na matiim na nakatingin sa akin.


"Paano 'yong pag-aaral mo?" Alam ko naman na hindi siya sobrang passionate sa law school pero alam ko rin na natutuwa na siya sa inaaral niya kaya ayaw kong masira 'yong pag-aaral niya dahil lang aalis kami.


"I filed for a leave of absence last week because I couldn't focus while you were away from me." Bumuntong-hininga siya at napailing. "We can run away without thinking about law school."


"Baka ma-delay ka... Paano kung kailangan mo na makabalik next sem?" nag-aalala kong tanong.


Nagkibit-balikat siya. "I'll try to return to law school next semester... I just have to make sure that no one takes you away from me again before the semester starts."


Bumaba 'yong tingin ko sa sahig. Kaya ba namin 'to? Kaya ko ba na hindi magsabi kina mommy at daddy?


Magsasalita pa dapat ako pero biglang umingay sa baba at may narinig akong umaakyat nang mabilis sa hagdan.


"Go home na! Si Daphne na lang magdadala kay Zia sa resort!" rinig kong sigaw ni Blair. "We have to stay in our homes in case lolo tries to visit us."


Nanlamig 'yong pakiramdam ko sa narinig ko at lalong bumilis 'yong tibok ng puso ko noong makita ko na pumasok si Blair sa kwarto ko na naghahabol ng hininga at nagpa-panic 'yong mukha.


"Zia, lolo is on his way with his bodyguards, you have to leave now!" May urgency sa boses niya habang nakatapat sa tenga niya 'yong phone niya. "Daphne will drive you to her resort—"


"I'll bring her with me," seryosong sabi ni Hunter.


Kumunot 'yong noo ni Blair at nagtatanong na tumingin sa akin. "You're coming with him?"


Napatingin din ako kay Hunter at nagmamakaawa na 'yong mata niya sa akin kaya napatango na lang ako.


We don't have any other choice... We're at a dead end.


The only way we can stay together is if I run away with him.


Pero hindi mawala sa akin ang pag-aalala... Ang pangamba na mas mabigat ang parusa kapag lalo akong lumaban sa lolo ko.

[Career Series #1]: The Unstable ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon