Chapter 42

4K 109 6
                                    

Nagtataka akong tumingin kay Hunter. "The one... who completes me?" tanong ko sa kanya habang binabasa 'yong naka-engrave sa bracelet na ibinigay niya.


Tumango siya at inilagay 'yong bracelet sa wrist. "You're the one... that I didn't know I needed and wanted in my life but I really do."


Pinagdikit ko 'yong mga labi ko at pinanood ko lang siya habang nilalagay niya sa akin 'yong bracelet na ibinigay niya.


Hinalikan niya 'yong noo ko at niyakap ako nang mahigpit. "I love you, Zirconia."


"I—" Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at hindi ko maituloy 'yong sasabihin ko. Masyadong nang naging totoo sa akin lahat kaya bumilis 'yong tibok ng puso ko at bigla na lang akong natakot na sabihin 'yon.


"You still don't need to say it back, mi amor," marahan niyang sabi. "I know this is all new to you so don't force yourself to adjust based on how I express my feelings for you. Go through this at your pace, okay?"


"I'm sorry..." Nagpakawala ako nang malalim na hininga at niyakap ko na lang siya nang mahigpit. "Masasabi ko rin 'yon sa'yo..."


Tumawa siya nang mahina at hinimas 'yong likod. "It's okay, this is enough for me. Being with you is enough for me."


❀❀❀


Sabay kaming pumunta ni Blair sa isang milktea shop sa malapit sa venue kung saan maglalaro si Matt kalaban ang isang university.


Hinila ako ni Blair papunta kina Daph, Crys, Jas, at Ella na nakaupo na sa isang table. Bumeso kami ni Blair sa kanila bago kami umupo na rin sa table.


"Kayo na nga?" ngumisi sa akin si Daph bago siya uminom mula sa cup niya. "Nakita ko 'yong post ni Hunter."


"Marunong na siyang mag-post ngayon," sabi ko at tumawa nang marahan.


"Pero ang pa-showbiz noong picture. Silhouette lang." Ngumuso si Jas. "Sayang naman ang clout chasing opportunity."


"Eh 'di nahuli sila ng lolo ni Zia," sabi ni Crystal habang tumatawa.


Hinampas naman ni Daph si Jas. "Clout chasing daw, eh, ikaw nga mismo ayaw mo sa mga clout chaser."


"Where are Julian and Axel?" tanong ni Blair.


"Sinundo ni Axel si Julian." Tumawa nang marahan si Daph habang naiiling. "May kasama si Julian kahapon, mukhang luma-lovelife na ulit ang ating pinakamamahal na kaibigan."


"Dapat lang..." sabi ni Jas. "Ilang years na kaya siyang single. Since high school pa."


Bumaling sa akin bigla si Daphne. "Kayo na nga ni Hunter? Nililigaw niyo 'yong usapan, eh."


Dahan-dahan akong tumango at binigyan sila ng maliit na ngiti... Hindi ako sanay pero siguro naman masasanay din ako.

[Career Series #1]: The Unstable ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon