"Kumusta naman ang first few weeks sa class?" tanong sa amin ni Blair.
Friday night ngayon at halos lahat sila ay pagod na agad sa classes nila kaya nagkayayaan mag-BGC.
"Tired as fuck," sagot ni Axel habang pinaglalaruan 'yong baso niya. "Training is more intense recently. It's so fucking tiring and wala pang cuddle."
Tumango lang si Matt bilang pagsang-ayon kay Axel. Football players naman ngayon ang mga may laro every weekend kaya busy lalo si Matt.
"Buti pa si Zia, graduating na," sabi ni Julian at pinatong 'yong baba niya sa kamay niya. "Gusto ko na rin matapos."
Ngumiti na lang ako, wala nga naman na akong masyadong ginagawa ngayon kundi mag-maintain lang ng grade ko pero alam kong kaya naman nila ang third year.
"Kumusta kayo ni Hunter?" tanong ni Daph sa akin noong matapos sila mag-rant sa mga inaaral nila.
Nagkibit-balikat ako. "Okay naman... ganoon pa rin." Wala namang bago sa amin, araw-araw kaming magkasama tapos nag-aaral lang naman kami.
"Hindi pa rin kayo?" tanong ni Daph habang nakakunot 'yong noo niya na parang naguguluhan siya sa label namin ni Hunter.
"Nag-message na ba siya sa groupchat natin na sila na?" sarkastikong sabi ni Jas kay Daph.
Hindi siya pinansin ni Daph at sa akin lang ibinigay lahat ng atensyon niya. "Bakit hindi pa?"
Nagkibit-balikat ako at nahihiyang ngumiti sa kanya. "Hindi ko lang naiisip..."
Napaawang 'yong labi nilang lahat sa sagot ko.
"Pero gusto mo rin siya maging boyfriend, 'di ba?" tanong ni Crystal.
Tumango ako. "Noong first sem kasi hindi ko siya sinagot kasi nga sobrang busy ko pa, hindi ko pa kaya maging girlfriend. Ngayon naman, nawala lang sa isip ko..."
"Posible ba 'yon?" hindi rin makapaniwalang tanong ni Julian. "Nakalimutan mo lang..."
"Well, they act like they're already together so... I guess... It's possible?" sabi naman ni Blair at tumawa nang marahan bago lumingon sa akin. "You should put a label though."
"Sasagutin ko na kapag nagtanong ulit..." Nakakahiya kung sasabihin ko na lang basta-basta. Ayaw ko ng pilit.
It will come naturally...
❀❀❀
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko kay Hunter dahil bigla na lang niya akong inaya lumabas kahit ang plano talaga namin ngayon ay mag-aaral kami.
"Cavite." Umangat 'yong gilid ng labi niya. "I already asked your parents so we don't have to worry about anything."
BINABASA MO ANG
[Career Series #1]: The Unstable Elements
Romance[Career Series #1] Zia always follows the rules and standards that were set for her. One of them is taking chemical engineering in college without actually considering what she wants. Being an heiress of one of the richest families in the Philippine...