Lumapit ako nang kaunti sa presidente ng org namin na nasa harap namin dahil nahihirapan ako marinig kung anong sinasabi niya dahil sa ingay ng mga tao sa paligid namin at sa ingay ng ulan sa labas ng AS.
Nagdi-discuss siya tungkol sa budget cut na nagaganap sa university namin pati na rin sa ibang State Universities sa Pilipinas.
"Anak ng—budget cut na naman!" reklamo ni Ali na nasa tabi ko sa right. "Kulang na lang sabihin nila na hindi na talaga sila magbibigay ng budget sa edukasyon at ibubulsa na lang nila lahat."
Tumawa nang marahan at napapailing si Julian na nasa left ko naman. "Lagot na naman units ko nito. Magbabawas na naman ng classes panigurado dahil mababawasan ng prof."
"Bakit nga ba ulit tayo nandito?" tanong ni Ali at napabuntong-hininga.
"Kasi base sa matatanda, number 1 university ito," sagot ko sa kanya. Halos lahat ng mga lolo at lola ko pati mga tito at tita ay dito naka-graduate kaya dito rin ako pumasok.
Lumingon 'yong isa naming ka-org na lalaki na freshie yata dahil parang hindi ko pa nakakasalamuha, matalim 'yong tingin niya sa akin. "Kasi libre 'yong tuition dito."
Is he mad at me? What did I do?
"Bakit galit ka?" tanong ni Ali kaya napalingon ako sa kanya may mapaglarong ngiti sa labi niya na parang mang-aasar at nakatingin siya sa hawak na Starbucks cup ng ka-org namin.
Umiling lang 'yong ka-org namin at tinalikuran kami na wala man lang sinabi. Bakit kaya siya nagalit?
Noong matapos 'yong meeting, sabay kaming tatlo nina Ali at Julian lumabas ng AS, medyo madilim na ang paligid dahil na-late 'yong tapos ng meeting namin. Nagbukas kaagad si Julian ng payong at tinapat 'yon sa ulo naming dalawa habang si Ali naman nagbukas din ng sarili niyang payong.
"Ingat kayo, guys," sabi ni Ali at ngumiti sa amin. Tinapik niya 'yong braso ko at tumingin kay Julian. "Alagaan mo 'tong prinsesa."
Sumimangot ako sa kanya dahil in-emphasize niya pa 'yong word na "prinsesa" pero hindi niya pinansin 'yong pagsimangot ko at tinawanan pa ako.
"Ewan ko sa'yo, Ali," sabi naman ni Julian pero tinawanan din naman ako.
Nagpaalam na sa amin si Ali at sinalubong na 'yong malakas na ulan habang nakasilong sa payong niya na cyan ang kulay.
"Halika na, Zi," pag-aaya sa akin ni Julian. "Baka hinahanap ka na rin ni Blair."
Naghintay kami ng jeep sa terminal pero halos lahat puno na at lagi kaming nauunahan ng ibang students sumakay.
"Ayan, Zia," sabi niya at hinawakan 'yong wrist ko. "Bilisan mo bago tayo maunahan ulit."
Pinauna niya akong sumampa sa jeep at nasa likod ko lang siya. May tinuro siyang bakanteng area kaya dumiretso ako roon.
BINABASA MO ANG
[Career Series #1]: The Unstable Elements
Romance[Career Series #1] Zia always follows the rules and standards that were set for her. One of them is taking chemical engineering in college without actually considering what she wants. Being an heiress of one of the richest families in the Philippine...