Chapter 3

9.2K 195 15
                                    

Noong makapasok ako sa unit namin ni Blair, sinalubong ako ni Einstein at kagat-kagat niya 'yong leash niya.


Lumuhod ako at hinimas 'yong ulo niya habang nakangiti sa kanya. "Magwo-walk tayo mamaya. Magbibihis lang si mommy."


Kagat-kagat pa rin niya 'yong leash niya habang nakatingin sa akin at nagwa-wag 'yong tail. Tumahol pa siya kaya nalaglag 'yong kagat niya.


Lumabas si Blair mula sa kusina at nakasuot siya ng pink na apron. "I'm still cooking dinner so why don't you change first."


"Akala ko may org meeting ka?" tanong ko sa kanya.


"Dito na lang 'yong meeting naman ng mga kasama ko sa commitee," sagot naman ni Blair at ngumiti sa akin bago tumalikod at naglakad ulit papasok sa kusina. "Change your clothes na para makapag-dinner na tayo before dumating 'yong mga orgmates ko."


Umakyat na ako papunta sa kwarto ko habang buhat-buhat ko si Einstein. Noong makapasok ako, ibinaba ko si Einstein sa kama ko at pumasok na ako sa bathroom. Nag-quick bath ako at nagsuot ng sweatpants at hoodie.


Pagbaba ko, sumabay ako kay Blair kumain ng dinner namin na Afritada. Nag-usap din kami tungkol sa mga ginawa namin buong araw. Mostly puro academics naman ginagawa namin o kaya orgs kaya wala masyadong exciting sa mga kwento namin sa isa't isa pero kahit ganoon hindi naman boring 'yong pag-uusap namin.


Noong matapos kami kumain, naghugas ako ng plates namin at nilagyan ko na ng leash si Einstein. Nagpaalam ako kay Blair bago kami lumabas ni Einstein ng unit at dumiretso sa garden.


Tumama agad sa mukha ko 'yong malamig na simoy ng hangin na sinasabayan naman nong paggalaw noong mga puno na nakatanim sa paligid noong garden.


"Bagong place, 'no?" sabi ko kay Einstein at huminga ako nang malalim para damhin 'yong sariwang hangin na galing sa mga puno.


Tumingin naman siya sa akin at parang nakikinig talaga sa sinasabi ko.


"Miss mo na ba si mommy at daddy?" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na hindi siya sasagot. "Doon kaya tayo mag-stay sa weekend para makasama natin sila?"


Tinuloy lang namin 'yong paglalakad namin, may mga nakasalubong kami na ibang residente na iginagala 'yong mga aso nila. Well-behaved naman si Einstein at hindi nakikipag-away sa ibang aso kaya naging peaceful naman 'yong paglalakad namin.


May nakasalubong kami na matangkad na babae na naka-messy bun at nakasuot ng jacket na may logo ng school nila Blair kaya alam ko na agad na estudyante siya, baka nga kakilala pa siya ni Blair dahil sobrang daming kakilala ni Blair.


May hawak siyang tali ng aso na nakakabit sa isang St. Bernard Puppy. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik. Doon ko napansin 'yong grey niyang mga mata.


Noong matapos kami ni Einstein mag-walk, bumalik na ako sa unit namin. Pagpasok ko, ang una kong nadatnan ay 'yong mga orgmates ni Blair na mukhang nagpaplano sila ng project nila.

[Career Series #1]: The Unstable ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon