Chapter 9

1.6K 29 2
                                    

Kumunot 'yong noo ni Julian at nagtatakang tumingin sa akin. "Ikaw ba 'yon?" bulong niya sa akin.


"Alin?" tanong ko pabalik sa kanya.


"'Yong 'girl' na sinasabi nila?"


"Syempre, hindi." Umiling ako at tumawa nang marahan. "Bakit naman magiging ako?"


Nagkibit-balikat si Julian at sumubo ng isang spoonfull ng rice kasama ng tapa na ginawa niyang rice topping. "Feeling ko talaga sasablay ako this sem. Baka ma-delay ako."


"Bakit naman?" nag-aalala kong tanong sa kanya.


Lumungkot 'yong mukha niya. "Bumagsak ako sa dalawa kong quiz sa Physics 131. Hindi ko alam kung ida-drop ko na ba para hindi ako magkaroon ng singko."


"Ilang quizzes pa ba?"


"Marami pa naman... Short quizzes lang pero nakakatakot pa rin." Napuntong-hininga siya at pinatong niya 'yong baba niya sa kamay niya. "Ayaw ko ma-delay."


"Kaya mo 'yan... Marami pa naman palang quizzes na pwede ka bumawi," pagpapalakas ko ng loob niya. "Kung hindi man, ano naman kung ma-delay ka? Marami namang nade-delay at hindi lang naman 'yon ang basehan if you're smart or not. GWA lang 'yan, mas importante 'yong mga natutunan mo rito sa university academic man or hindi. Galing man sa books na ma-a-apply mo sa field mo or 'yong other learnings na ma-a-apply mo sa buhay at para sa atin, dapat mas importante 'yong non-academic."


Pilit akong ngumiti dahil parang hypocritical din para sa akin na 'yon ang sinasabi ko pero importante rin naman sa akin ang academics dahil lagot ako sa lolo ko kahit may 1.25 ako.


"Ikaw, hindi ka made-delay. 1.002 pa GWA mo." Ngumuso siya. "Akala ko dati matalino ako, pero dahil dito sa school natin at sa degree program ko, parang sobrang bobo ko talaga."


"Matalino ka, Julian." Ngumiti ako sa kanya. "At kung feeling mo ulit hindi ka matalino, kausapin mo si Ali para i-explain niya ulit sa'yo ang Theory of Multiple Intelligences."


Tumingin si Julian sa tapa niya at mukhang namomroblema pa rin.


Tinapik ko 'yong balikat niya. "Don't be too hard on yourself. Gawin mo na lang ulit 'yong best mo sa susunod na quizzes, mahirap maging student at 'wag mo lalong pahirapan 'yong sarili mo sa pagdagdag ng pressure." Ngumiti ako noong tumingin siya sa akin. "Kung bumagsak ka ngayon, move on kasi nangyari na. Hindi mo na mababalik ang singkong naibigay na pero magagawa mo pang uno ang mga susunod na quizzes mo."


Napabuntong-hininga ulit si Julian at bagsak pa rin 'yong balikat. "Kaya ko naman siguro bawiin pa."


"That's the spirit, Jules! I'm sure kaya mo pa bawiin 'yan, ikaw pa," pagche-cheer ko sa kanya. "Don't doubt yourself."


Nag-angat na 'yong dalawang side ng labi niya pero may doubt pa rin sa mga mata niya. "Thanks, Zi."

[Career Series #1]: The Unstable ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon