Chapter 15

115 2 0
                                    

CHAPTER 15 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Gwy, nandito ka pala, kumain ka na ba? ‘lika dito sabayan mo na kaming mananghali." Yaya ko sa kapatid ko.

"Kumain na ako, kakabalik niyo lang? Tanghali na ah." Sabi niya at naupo sa tapat ko.

"Traffic." Sabi ko sabay subo ng gulay.

"Yung batang galing dito, sino ba 'yon? Bakit may bata dito sa farm? Hindi ba yun p'wedeng alagaan at bantayan sa bahay nila? Sobrang kulet niya, ang daldal, nakakairita!" Napatingin ako kay Ely, nakatungo lang siya kaya tumingin ako ulit kay Gwy para senyasan siya na h'wag na magsalita.

"Bakit kasi mag-aanak tapos hindi naman kayang alagaan?"

Kanina pa ako umiiling at pinandidilatan siya ng mata pero hindi niya ako pinapansin. Wala na, talo na siya agad, paano pa siya magugustuhan ni Ely kung ugali pa lang palpak na, walang preno rin kasi ang bibig nitong kakambal ko e, hindi muna nag-iisip bago magsalita.

"Hi Ely." Bati ni Gwy at nagpa-cute pa kay Ely, napalitan ng ngiti ang inis niya, pilit namang ngumiti si Ely pero hindi nito sumagot.

"Tapos na ako kumain, puntahan ko muna si Dahlia." Sabi ni Ely at tumayo na.

"Wait Ely, saan ka pupunta? And who's Dahlia?" Tanong niya, at dahil hindi siya nilingon ni Ely, sa akin siya bumaling ng tingin.

"Gwy, maupo ka nga muna ulit."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit mo ako pinipigilan? 'Di ba sabi ko sa 'yo e akin lang siya, Tyra naman, makakalimutin ka na ba?"

"P'wede bang maupo ka muna at kumalma bago mo ako sigawan?" Medyo naiinis na rin ako, pagod na nga sa byahe tapos may pasaway pang ganito.

"Magkasama kami dahil sa trabaho, walang ibang meaning yun, ano ka ba? At hindi kita pinipigilan, sa tingin mo ba makikipag-talo ako sa iyo dahil lang sa isang lalake? Umayos ka nga!"

Masama pa rin ang tingin niya sa akin. "Bakit siya umalis? Bakit hindi manlang niya ako pinansin? May sinabi ka ba sa kanya para ma-turn off siya sa akin?"

Pinilit ko munang pakalmahin ang sarili ko bago sumagot.

"Gwy, nandito kami para magtrabaho, ano'ng ginagawa mo dito? Ang sabi mo sa akin ay masama ang pakiramdam mo kaya ang sabi ko ay magpahinga ka at ako na lang ang gagawa ng mga trabaho mo. Iniinom mo ba ang mga gamot mo?" Tanong ko, magsasalita sana siya pero pinigilan ko siya. "Ganyan ka na ngayon? Ikaw na mismo ang lumalapit sa lalake, ayaw mo ng gano'n 'di ba? Gusto mo sila ang naghahabol sa iyo, ano bang nangyayari sa iyo? At ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala akong pakealam sa mga lalake mo! Alam mo ba kung bakit siya umalis? Pagod siya sa trabaho, malayo ang byahe namin, malayo ang pinanggalingan at saka siguro nahiya sa iyo, sinigaw-sigawan mo ba naman yung kapatid niya, isinasama nila dito yung bata kasi walang magbabantay sa bahay nila, wala na rin kasi silang magulang . . . tulad natin." Sabi ko at iniligpit na ang pinagkainan namin ni Ely.

"K-Kapatid niya yung bata?"

"Oo, kaya nga kita sinisenyasan e pero hindi mo ako pinapansin, patuloy ka lang kakadada, hay Gwy." Mapapailing ka na lang talaga. "Bumabalik ka na naman sa ugali mong ganyan, hinahayaan naman kitang gawin mo lahat ng gusto mo hindi ba? Hay Gwy."

Iniwan ko siya sa kubo para puntahan si Tito at magpaalam. "Tito, ihahatid ko na po muna si Gwy sa bahay, babalik na lang po ako mamayang hapon."

"Hindi ba kayo pupunta sa Lola ni'yo?"

"Sa weekend na lang po siguro, tutulungan ko na lang po kayo mamaya na maglagay ng solar lights sa buong Farm at sa Rancho."

"Oh sige, nasa bag ko ang susi, kunin mo na lang."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon