CHAPTER 22 : TYRA's POINT OF VIEW ★
Maghahating gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, iniisip ko kung naka-inom na ba ng gamot si Gwy, at ang hirap talagang makatulog kapag maraming iniisip.
Bumangon ako para kumuha ng tubig, I'm sure hindi rin lang ako makakatulog kaya ikakain ko na lang 'to ng chitchirya.
Sinusubukan kong kontakin si Kaley habang pababa ako ng hagdan, baka sakaling gising pa siya, baka sakaling makausap ko si Gwy kahit saglit pero walang sumasagot.
“Kumusta si Gwy?” Text ko bago nagtungo sa kusina, kumuha lang ako ng tubig at ilang pirasong kendi.
"Ely?"
Napansin kong may nakaupo sa sofa, si Ely lang naman ang tao sa sala.
"Ely! P'wede namang humiga sa sofa, bakit ka nakaupo d'yan? Hindi ka ba inaantok?" Mahina kong tanong dahil baka magising sila Tito.
"Antok na antok na nga ako pero natatakot akong matulog, ayokong pumikit." Bulong niya, mukha nga'ng pinipigilan niyang matulog pero 'yong mga mata niya'y mukhang pabagsak na.
"Bakit? Hindi ka ba komportable dito sa sala?"
"Hindi naman sa gano'n. Ito, ito ang problema." Sabi niya habang paulit-ulit na tinuturo ang sintido niya. "May naririnig akong boses, binubulungan niya ako at tuwing pipikit ako ay nakikita ko ang duguang mukha ni Olivia. Ayokong matulog dahil baka mangyari na naman sa akin 'yong nangyari sa Farm kanina."
Inabot ko sa kanya ang kinuha kong tubig. "‘Di ba sabi ko sa 'yo ay magdasal ka. Doon ka matulog sa kwarto ko, ako na dito sa sala, madalas naman akong matulog dito lalo na kapag may topak ang kapatid ko."
"Hindi na po, nakakahiya naman 'yon." Tanggi niya sabay haplos sa mukha niya.
"Sige na, doon ka na matulog, safe doon, poprotektahan ka ng Mama Gyte Arah ko." Nakangiti kong sambit para makumbinse siya.
"S-Sige po."
Tumayo siya dala dala ang unan at kumot na binigay ko sa kanya.
"Kukunin ko lang 'tong kumot ko, humiga ka na d'yan sa kabilang gilid tapos kung gusto mo e hindi ko na papatayin 'tong ilaw."
"Pakipatay na lang, hindi rin ako makakatulog kapag maliwanag." Sabi niya, umupo siya sa kama, pinagdikit ang mga palad niya at pumikit.
"Good night." Sambit ko bago isinarado ang pinto.
Pagbaba ko ng hagdan ay dumeretso ako sa sala at nahiga agad sa sofa, mas nakakatulog ako dito lalo na kapag picture ni Mama ang nakikita ko bago pumikit ang mga mata ko.
“You're still awake? Gwy is fine, Tyra. Natutulog na siya, kanina pa, uminom kasi sila ni Daddy, grabi! Ang lakas niya pala uminom, mas nauna pa nga'ng nalasing si Daddy kaysa sa kanya e. Text na lang kita ulit bukas, matulog ka na ha. Good night, Cous!” Reply ni Kaley sa akin.
"Thank you, good night Kaley." Reply ko. Tama nga ako, bumabalik na naman si Gwy sa mga bisyo niya, bumabalik na naman 'yong Gwy Tara na pasaway, mukhang mahihirapan na naman akong ituwid siya– pero parang this time may kilala akong makakatulong sa akin para itama ang maling landas na tinatahak ni Gwy.
Napasulyap ako sa pintuan ng kwarto namin.
I'll help you but I'll make sure na tutulungan mo rin ako, ngayon lang 'to, ngayon lang ako tutulungan na may hihingi'ng kapalit.
"Tyra? Bakit nand'yan ka? Hindi ka ba makatulog, nasaan si Ely?"
Napabangon ako bigla, patulog na sana ako e bigla namang nagsalita 'tong si Tita Alpa.
BINABASA MO ANG
You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3
De Todo"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilala nila ang babaeng hindi nila akalaing nag-e-exist. Makikilala niyo si GEE TYRA, ang anak ni Gyte Arah at Clefford Gee, pero- paano nangyar...