CHAPTER 18 : TYRA's POINT OF VIEW ★
"Saan po ba p'wedeng maligo dito Tito?"
"Ginagamit pa 'yong tubig sa kuwadra e. Alam ko na, may ilog dito, doon din naglalaba at naliligo sila Aleng Letty mo, marunong ka bang lumangoy?"
Ilog? Na-excite ako bigla. Opo Tito, saan po ba ang daan?"
"Nakikita mo ba yung gate na kawayan sa dulo ng rancho? May daan doon pababa."
"Sige po Tito, pupunta na po ako."
"Bumalik ka agad, hindi ka pa raw nag-aalmusal."
Sino ba naman ang makaka-kain pagkatapos ng mabigat sa dibdib na pag-uusap namin ni Aleng Adela? Parang nawalan kami ng gana pareho.
Naglakad ako patungo sa tinurong daan ni Tito, malinis naman ang daan, mukhang araw araw ay may dumadaan dito.
"Tyra?"
"Ely! Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko, nakasalubong ko siya sa daan, mukhang naligo din yata sa ilog.
"Naligo, sa ilog ba ang punta mo?"
"Oo."
"Ahh, mabuti na lang at hindi mo ako naabutan doon." Kumakamot sa ulo niyang sambit.
"Bakit?" Baka iniisip nito sinusundan ko siya, aba! Wala akong balak bosohan siya 'no! "Itinuro kasi ni Tito 'yang ilog."
"Naligo kasi ako na walang– ah, wala naman pong ibang taong nagpupunta d'yan." Sabi niya at naglakad na pabalik sa farm.
Naglakad pa ako ng ilang minuto bago ko narating ang ilog at namangha ako, grabi! Ang linis linis ng tubig, kitang-kita ang mga bato sa ilalim, kung may maliligo siguro ditong walang saplot, naku! May makikita..
Hindi na ako nagdalawang isip na lumusong sa tubig, sobrang lamig ng tubig pero masarap sa balat.
"Napakamalas ng araw na 'to!"
Narinig kong sambit ng isang lalake buhat sa kabilang gilid ng ilog, agad akong nagkubli sa isang malaking bato.
"Umalis na tayo dito, wala tayong mapapala."
Sinilip ko ang mga taong nagsasalita, pamilyar, parang sila 'yong bumaril kay Mang Jun.
"Bakit ba kasi pinapahanap ni Boss 'yong kwintas na 'yon, na susi raw ng kayamanan at isang libro na wala namang sulat, sino'ng maniniwala nun? May gano'n pa ba sa panahon ngayon? Ano'ng taon na? Minsan tuloy iniisip ko kung nasa tamang pag-iisip pa ba ang Boss natin."
Sila nga 'yon.
"Kalokohan na 'to! Umalis na tayo sa lugar na 'to, wala tayong mapapala dito."
"May ilog, maligo muna tayo."
Bigla akong kinabahan.
"Hinihintay na tayo ng helicopter sa North, kapag hindi tayo nakarating agad, maiiwan tayo. Gusto mo bang maligo sa sarili mong dugo?"
"Ito na nga't lalakad na. Init agad ng ulo!"
Nakahinga ako ng maluwag nang wala na akong naririnig na boses. Lumabas ako sa pinagtataguan ko, umahon sa tubig at nagmamadaling bumalik sa farm.
"Tyra, bakit bumalik ka agad? Hindi mo ba nagustuhang maligo sa ilog?"
"Po? Ah, Aleng Adela kasi po ano eh, ah... nakalimutan ko pong magdala ng shampoo, maliligo na lang po ako kasabay ng mga kabayo." Palusot ko, sana naman lumusot.
"Malapit na matapos sila Mang Jerry mo sa pagpapaligo kay Pega at sa iba pang kabayo, p'wede mo na magamit ang tubig. O s'ya maiwan na muna kita at may niluluto pa ako."
BINABASA MO ANG
You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3
Acak"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilala nila ang babaeng hindi nila akalaing nag-e-exist. Makikilala niyo si GEE TYRA, ang anak ni Gyte Arah at Clefford Gee, pero- paano nangyar...