CHAPTER 30 : ELY's POINT OF VIEW ★
Pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko agad ang babaeng nakaupo sa tabi ng hospital bed.
Tyra?
"Gising na siya, OMG! Gising na siya!" Sigaw niya pagkakita sa akin, napaiwas ako, hindi siya si Tyra.
"How are you Ely? May masakit pa ba sa 'yo?"
"Ayos lang ako. Nasaan sila T'yang?"
"Wait, tatawagin ko lang. Tumatawag pa ng nurse si Tito Drammy."
Lumabas ng kuwarto si Gwy.
"Anak! May masakit ba sa iyo? Salamat sa Diyos gising ka na." Hawak-hawak ni T'yang ang kamay ko.
Tiningnan ko isa-isa ang mga taong nasa loob ng kuwarto. "Sino'ng hinahanap mo?" Tanong ni Gwy kaya napatingin ako kay T'yang Adela.
"Si Eya po?"
"Huwag mo na alalahanin ang kapatid mo, nandoon siya kay Miss Tyra." Sagot ni T'yang
"Oo, si Sis na lang daw ang bahala sa batang 'yon. Ayaw kasi ni Tyra na sumama dito e kaya ako na lang ang sumama kay Tito. Makakauwi ka na rin daw mamayang hapon, babantayan kita Ely."
"Ahmm, gusto ko po ng tubig."
"Ako na lang, heto oh!" Inabot sa akin ni Gwy ang tubig sa bote pero hindi ko kinuha.
"Ah M-Miss Gwy, si T'yang na lang." Mahina kong sabi at padabog niyang iniabot kay T'yang Adela ang tubig.
"Ang sabi ng Doctor ay makakauwi makakauwi na siya. Nabayaran na namin lahat ng bills at kung magtatagal pa si Ely dito ay siguradong tataas ang bayarin. P'wede naman siyang magpagaling doon sa Farm, doon na muna kayo mamalagi para hindi kayo mapagod pabalik-balik." Sabi ni Sir Drammy, napatingin ako kay T'yong, tumango siya.
Naka-idlip pa ako ng ilang oras pagkatapos kumain at nagising na lang ako ay hapon na, pauwi na raw kami sa Farm ng mga Musico at malapit na ako ma-discharge.
"T'yang, si Aleng Adelyn po?" Tanong ko pagkasakay namin ng tricycle.
"Nasa presinto pa, inaasikaso 'yong kaso pero ang sabi niya ay pupunta na lang daw siya sa Farm kapag naayos na niya, pupuntahan ka raw niya." Nakangiting sambit ni T'yang, "Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mong bata ka pero salamat anak ha. Huwag ka na munang magtrabaho, kami na muna, magpagaling ka 'tsaka si Eya sobrang nag-alala sa iyo. Hindi nga raw makausap ang kapatid mo kanina sabi ng T'yong mo, mabuti na lang at nandoon si Miss Tyra."
Hindi ko maiwasang mapangiti ng marinig ko ang pangalang Tyra. Una ko pa lang talaga siyang nakita ay hindi ko na makalimutan ang mukha niya. Kung nagkaroon siguro ako ng amnesia dahil sa pagkabangga ko sa sementeryo e baka siya lang ang maalala ko, para kasi siyang anghel sa lupa.
"Narinig lang ang pangalan ni Tyra, ngumiti na."
Napatingin ako kay Gwy. "Masaya ako kasi safe ang kapatid ko dahil si Ate sleeping beauty niya ang kasama niya." Hirap kong sambit dahil kumikirot ang sugat ko.
"Nandito na tayo. Mauuna na akong bumaba para maalalayan kita." Sabi ni T'yang pero agad na bumaba si Gwy.
"Ako na lang po ang aalalay." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay.
"Careful." Sabi pa niya. Napatingin ako sa may Mangga, nakita ko si Tyra kasama si Joepette at ang kapatid ko.
"Bakit mo siya tinitingnan? Nandito naman ako ah, ka-mukha ko naman siya, gusto mo ba siya ha? Kayo na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Gwy
Tss. "Tara na sa kubo, gusto kong magpahinga." Sabi ko at kay T'yang na lang humawak.
"Anak, ayaw natin ng gulo." Sabi ni T'yang at tumango na lang ako, alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.
"T'yang, gusto ko po ng tubig."
"Sandali lang, ikukuha kita."
Paglabas ni T'yang sa munting kuwarto ay pumasok naman si T'yong kasama si Joepette.
"‘Tol, ano? Kumusta pakiramdam mo?" Tanong ni Joepette at nag fist bump kami gamit ang isa kong kamay.
"Medyo may kirot pa pero nawawala naman kapag umiinom ako ng gamot."
Tinulungan ako ni T'yong na hubarin ang damit ko para makapagpalit ako ng damit.
"Si Eya nga pala? Bakit hindi ako nilalapitan? Namimiss ko na agad 'yong kapatid ko, p'wede mo ba siyang papuntahin dito bago ako magpahinga ulit?"
"Tawagin mo muna Joepette." Utos ni T'yong
"Naku Mang Jerry mukhang malabong lumapit si Eya dito, hindi 'yon lalapit dito sa kubo hangga't nandito ang kakambal ni Miss Tyra. Lalapit nga sana sa inyo kanina pero nang makita si Miss Gwy, ayun umurong agad. Hahayaan na lang daw munang magpahinga itong Kuya niya."
Napatingin na lang ako kay T'yong dahil umiling siya. "Kapag wala na si ano, papapuntahin ko na lamang dito. Magpahinga ka na muna ulit at kakausapin ko lang si Sir Drammy. Adela, gisingin mo na lang itong si Ely kapag maghahapunan na tayo. Joepette, pakisabi sa Nanay mo na dalhan na lang kami ng konting ulam na niluto niya, kumuha na rin kayo ng ulam para sa hapunan ninyo."
"Opo Mang Jerry, salamat po."
Lumabas na si Joepette at iniabot naman ni T'yang sa akin ang maligamgam na tubig. "Kung nagugutom ka ay tawagin mo lang ako ha. Ingatan mo 'yang balikat mo."
"Opo T'yang, salamat po."
Umayos ako ng higa para hindi madaganan ang balikat ko.
"Mamaya na lang, huwag mo na munang gisingin ang Kuya mo."
"Okay lang po ba talaga si Dada? Tingnan mo nga Ate, baka hindi na 'yang humihinga."
Naalimpungatan ako ng marinig kong parang may nagbubulungan sa tabi ko.
"E-Eya?" Napabangon ako pero agad na kumirot ang sugat ko.
"Dada!"
"Huwag ka na munang bumangon. Gusto ka lang kumustahin ni Eya, hindi naman namin alam na nagpapahinga ka pala."
Para akong lalong nanlambot, namumula kasi ang mga mata ni Tyra, parang kakatapos niya lang umiyak.
"Mag-usap muna kayo ng kapatid mo, dito lang ako sa labas."
Lalabas na sana siya pero hinawakan ko siya sa kamay. "D-Dito ka lang." Hirap kong sambit at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
"Dada, Ate, pupunta lang po ako saglit kay T'yang, naiihi na po ako e, babalik po ako agad."
"Samahan na kita." Sabi ni Tyra at bumitaw na sa pagkakahawak ko.
"Hindi na po Ate, saglit lang po ako." Tumakbo na si Eya palabas, hindi na yata niya kayang pigilan.
Rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga ni Tyra.
"So, kumusta ang pakiramdam mo?" Umupo siya sa tabi ko pero hindi makatingin sa akin.
"Medyo okay na. Masakit pero natitiis naman."
"Mabuti naman, magpagaling ka. Sa susunod huwag mo na ipananggalang 'yang katawan mo, hindi 'yan shield. Si Eya ang isipin mo, paano kapag nawala ka? H-Hindi niya kakayanin. Kanina nga hindi ko siya makausap ng maayos e, mabuti na lang at nandito ako."
"Kaya nga kampante ako na naiwan dito si Eya kasi alam kong hindi mo pababayaan ang kapatid ko." Sabi ko at hinawakan ulit ang kamay niya pero agad niya 'yong binawi.
"Dadalhan ka na lang daw ni Aleng Adela ng pagkain. Tutulungan ko na muna sila doon sa labas."
Bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako? "Ty-Tyra.."
"Magpahinga ka na muna Ely, marami pang oras para mag-usap, huwag ngayon." Sabi niya at binuksan ang pinto pero nilingon niya muna ako bago tuluyang lumabas.
Ito ang unang beses na naramdaman ko 'to. Dati ayokong magkaroon ng kasintahan dahil sa kapatid ko, alam kong mapapabayaan ko siya gaya noong kami pa ni Olivia. Natanggap ko na'ng mag-isa na akong tatanda para maalagaan ng maayos si Eya pero nang makita ko si Tyra, nagbago lahat.
Mahal ko na 'yata si Tyra Musico Calves.
* End of Chapter 30 *
Keep rockin' and stay guurjess!
— gytearah 🎸
BINABASA MO ANG
You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3
Losowe"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilala nila ang babaeng hindi nila akalaing nag-e-exist. Makikilala niyo si GEE TYRA, ang anak ni Gyte Arah at Clefford Gee, pero- paano nangyar...