CHAPTER 33 : ELY's POINT OF VIEW ★
Nagtalukbong ako ng kumot nang tumama sa mata ko ang sinag ng araw kahit na nakapikit pa ako, hirao na hirap pa akong imulat ang mga mata ko.
Araw? May araw na!
Bigla akong napabangon, late na ako sa trabaho.
"Aray!" Daing ko.
"Anak, dahan-dahan. Bakit ka ba nagmamadaling bumangon d'yan? Hindi ka pa puwedeng magtrabaho." Sabi ni Tiya Adela at inalalayan akong tumayo. "Ako na ang magliligpit nitong higaan mo, lumabas ka na at magkape. May tinimpla na ako doon, kaya mo bang maglakad?"
"Ako na po ang aalalay."
Halos matumba ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.
"Hi, good morning."
"Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Para ako agad ang makita mo paggising mo sa umaga, hihi. Halika na, your kape is ready." Pilit na hinawakan ni Gwy ang kamay ko, wala na akong nagawa dahil baka matumba kami pareho kapag nawalan ako ng balanse.
"Hindi na pala 'to masyadong mainit, papalita–"
"Hindi na, okay na 'to, ayoko naman ng masyadong mainit." Sabi ko at ininom na agad ang kape.
"Anak, mag-aalmusal ka na ba? Mag-aalas otso na."
"Maya-maya na po."
"Hindi pa kumakain itong si Gwy, hihintayin ka raw kaya hindi sumabay sa amin."
Napatingin ako kay Gwy, may hawak din siyang mug na katulad sa ng mug ko. "Kumain ka na, hindi pa ako kakain." Sabi ko pero umiling siya.
"Hintayin na lang kita. Boring kaya kumain mag-isa." Sabi niya at lumipat siya ng upuan sa harap ko.
"T'yang, nasaan nga po pala si Eya?"
"Pupuntahan niya raw ang Ate sleeping beauty niya." Sagot ni T'yang at tumingin kay Gwy.
"Kanina pa wala si Tyra, hindi nga namin alam kung nasaan siya e hindi pa nga yata 'yon na nagkakape o kumakain manlang, late din kasi kami nagising." Sabi ni Gwy kaya bigla na lang akong nag-alala.
"Baka nasa ilog na po 'yon T'yang. Hahanapin ko po si Eya." Sabi ko at nagpumilit na tumayo pero napaupo din agad, nanghihina pa rin talaga ako.
"Ako na lang ang maghahanap sa kapatid mo." Sabi ni Gwy at tumayo na, "Baka nandoon siya sa bahay nila Aleng Letty. I'll check her."
Nang malayo na si Gwy sa amin ay tinawag ko si T'yang. "Hindi po nagpapakita si Eya sa kanya. Nagpaalam po ba sa inyo si Eya? Baka kung saan na naman po nagpunta ang batang 'yon, nag-aalala na po ako." Sinubukan ko ulit na tumayo, humawak ako sa mesa.
"‘Tol, aga namang kunot-noo 'yan, masakit pa?" Tanong ni Joepette at inalalayan akong maglakad papunta sa tambayan namin.
"Si Eya, nakita mo ba?"
"Oo, kanina. Kasama ni Aleng Adelyn sa may poultry pero ang alam ko'y nakita niya si Miss Tyra, sumama."
"Saan?"
"Inilabas ulit si Pega, utos daw ni Sir Drammy 'yon, baka naglalakad-lakad lang sa labas ng Farm ng mga Musico."
"Hacienda ng mga Musico." Pagtatama ko sa kanya.
"Oh e bakit parang nalungkot ka?"
"Ha? Kumirot." Sagot ko
"Asus, palusot. Alin ang kumirot, sugat mo o puso mo? Umamin ka nga sa akin 'tol, gusto mo ba si Miss Tyra?"
BINABASA MO ANG
You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3
Random"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilala nila ang babaeng hindi nila akalaing nag-e-exist. Makikilala niyo si GEE TYRA, ang anak ni Gyte Arah at Clefford Gee, pero- paano nangyar...