CHAPTER 16 : TYRA's POINT OF VIEW ★
"Bakit ngayon ka lang Tyra? Mukhang pawis na pawis ka yata."
Napalunok ako sa tanong ni Tito Drammy.
"Sir Drammy, nakita ko oo siya kanina, nawalan ng preno ang motor niya kaya inayos pa namin, may mga galos nga po siya kaya may mga dugo sa braso." Sabi ni Joepette kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Parang nagdilim din po ang paningin ko Tito, mabuti na lang po at napadaan itong si Joepette, tinulungan niya ako."
"Mabuti naman at 'yan lang ang natamo mong sugat. Salamat Joepette."
"Walang anuman po Sir, balik na po ako sa trabaho."
"Sige iho, salamat. Magaling kasing mag-ayos ng mga sirang gamit iyang si Joepette, madalas ay siya ang inuutusan ko sa mga ganyang bagay. Magpahinga ka na muna, tatawagin na lang kita kapag maglalagay na ng mga solar."
"O-Opo Tito."
Dumeretso ako sa kubo para uminom ng tubig. 'Yong nangyari kanina, hindi ko 'yon inaasahan, sa mga pelikula ko lang nakikita yung mga gano'n e, creepy..
"Tyra.."
"Ay!" Nabitawan ko ang hawak kong baso.
"Pasensya ka na kung nagulat kita iha, aalukin lang sana kita ng meryenda, nagluto ako ng pancit bihon."
Pilit akong ngumiti. "Salamat po Aleng Adela, maya-maya po ako kakain, medyo pagod pa po. Si Eya po?"
"Ay nandoon sa isang kubo kasama ang Kuya niya."
"Puntahan ko na lang po siya mamaya, salamat po dito sa pa-pansit ninyo."
"Walang anuman, kung gusto mo pa ay mayro'n pa doon sa kubo."
"Okay na po ito, salamat po." Sabi ko, hanggang ngayon nanlalamig pa rin ako at pinagpapawisan, para akong nakainom ng suka sa sobrang putla.
"Hi."
Napalingon ako sa likuran ko. "H-Hi."
"Sabi ni Sir Drammy e samahan raw muna kita dito, sabayan raw kitang mag-meryenda."
"S-Salamat Joepette ha."
"Para sa'n?" Tanong niya sabay subo ng pansit.
"Ha? Ah.."
"Wala po 'yon Miss Tyra, kilala ko ang pamilya ninyo, hindi kayo masamang tao. Hindi mo naitatanong pero sobrang dami ng naitulong sa amin ng Tito Drammy mo, hindi pa mag-asawa ang mga magulang ko ay tinutulungan na niya."
"Talaga?" Curious kong tanong
"Oo, sundalo pa lang daw si Sir Drammy ay tinutulungan na niya ang magulang ko, palagi raw may dalang pagkain tuwing dadaan siya sa bahay namin. Ang Nanay at Tatay ko kasi ay walang sariling lupa na mapagtatayuan ng bahay kaya kung saan abutan ng gabi, doon na lang natutulog, biktima rin kasi sila ng mga terorista, mabuti na lang at nand'yan ang mga Tito mo para tulungan kami kaya hindi ako nagdalawang isip na tulungan ka."
Napangiti ako.
"Oh, ang seryoso yata masyado ng pinag-uusapan ni'yo."
"Tito/Sir Drammy!" Sabay naming sambit ni Joepette
"N-Nagpapasalamat lang po ako sa tulong niya kanina." Sabi ko
"At kinu-kwento ko lang po sa pamangkin ninyo na sobrang dami ninyong naitulong sa pamilya namin, Sir."
"Ay s’ya ipagpatuloy niyo na ang pagmemeryenda at pagkatapos Joepette, puntahan mo si Eleazar, tulungan mo siya sa pinapagawa ko."
"Opo."
BINABASA MO ANG
You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3
De Todo"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilala nila ang babaeng hindi nila akalaing nag-e-exist. Makikilala niyo si GEE TYRA, ang anak ni Gyte Arah at Clefford Gee, pero- paano nangyar...