Chapter 23

115 1 0
                                    

CHAPTER 23 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Kain lang ng kain Mang Jun, gusto po ba ninyo ng kape? Tyra, timplahan mo muna saglit si Mang Jun ng kape bago ka kumain." Utos ni Tito Drammy sa akin, inulit pa ni Tita Alpa ang sinabi ni Tito dahil hindi ko gaanong naintindihan, nakatingin lang kasi ako kay Mang Jun na mukhang enjoy na enjoy sa sinangag at tuyo.

"Opo Tito, saglit lang po."

Nagtitimpla na ako pero nakatingin pa rin ako kay Mang Jun. Paano siya nakarating dito? Paano siya nakilala ni Tito? Paano?

"Tyra, lalamig na 'yan sa kakahalo mo, ilagay mo na 'yan dito at maupo ka na dito sa tabi ko para makapag-almusal ka na rin." Sabi ni Tita Alpa

Parte ba 'to ng plano ni Mang Jun?

Tutulungan niya kaya ako o baka naman mayroon siyang ibang plano?

"Si Mang Jun ang gagawa ng garden natin, nakilala ko siya kahapon, naghahanap siya ng trabaho, mag-isa na lang siya sa buhay simula nung namatay ang mag-ina niya dahil sa mga taong gubat." Kwento ni Tito Drammy habang kumakain kami, totoong kwento ba ni Mang Jun 'yon o gawa gawa niya lang para makapasok siya sa buhay namin?

"Sa totoo lang parang pamilyar ka sa akin Mang Jun, parang nakita na kita hindi ko lang matandaan kung saan, sa dami ba naman ng mga taong nakasalamuha ko eh. Pagkatapos nga po pala nating mag-agahan ay ipapakita ko sa inyo ang gagawin ninyo d'yan sa garden."

"Maraming salamat po sa pagbibigay sa akin ng trabaho Sir, sobrang laking tulong po nito para sa akin, Salamat Sir, Ma'am."

Hayy.. bakit ko ba iniisip kung paano napunta si Mang Jun dito? 'Di ba dapat matuwa pa ako kasi hindi na ako magtatago at magsisinungaling kila Tito para lang puntahan si Mang Jun at makausap, mas okay na nandito siya sa bahay, mas marami akong maitatanong at malalaman.

"Parang kanina mo pa tinitingnan si Mang Jun, Tyra, kilala mo ba siya?"

Muntik na akong mabulunan. "H-Hindi po, medyo pamilyar nga din po siya sa akin katulad ni Tito pero baka ka-mukha lang po nung taong kilala ko. N-Nice to meet you po, Mang Jun."

Nginitian lang ako ni Mang Jun. Mukhang bumabawi siya ng kain dahil sa ilang araw na hindi siya nakakain ng tama. 

"Tata Gigi."

"Yes Clarry, ano'ng gusto mo?"

"Milk." Sagot ng bata.

"Ulit? Hmm, gusto mo pa?" Tumango siya, "Ask  mommy."

"Mommy.." Sambit ni Clarry with paawa effect, daig pa artista na nagmamakaawa.

"Sige sige, timplahan mo ulit Tyra."

Sumunod sa akin si Clarry, mukhang balak niyang magpapak ng gatas habang nagtitimpla ako.

"Salamat po, sobrang busog ko po, medyo matagal na rin po akong hindi nakakain ng masarap." Narinig kong sabi ni Mang Jun

"Hayaan niyo Mang Jun, simula ngayon ay makaka-kain ka na ng masarap palagi dahil kung ano ang kinakain namin ay gano'n din po ang sa 'yo. Inumin na po ninyo ang kape habang mainit-init pa."

"Gigi." Kalabit sa akin ni Clarry, "Done?" Tanong niya.

"H-Ha? O-Opo, done na." Sabi ko kahit hindi pa naman talaga ako nagtitimpla, naka-focus kasi ako sa pakikinig sa usapan nila Mang Jun at Tito Drammy.

"Tito, sasabay na po ako sa iyo papunta sa Farm, maliligo lang po ako saglit." Sabi ko, hindi ko na tinapos ang pag-aalmusal ki, magbabaon na lang ako ng biscuits.

"Sige. Mayroon lang akong mga ipapaliwanag kay Mang Jun para makapag-umpisa na siya. Pagkatapos mong maligo ay mag-abang ka ng tricycle, wala tayong sasakyan papunta sa farm."

Oo nga pala, nasa farm nga pala 'yong motor at wala pang gasolina.

Sa dami ng iniisip ko, hindi ko namalayan na ilang minuto na pala ako sa banyo, nakatitig lang sa tubig.

"Tyra, tapos ka na ba?" Narinig kong tanong ni Tita Alpa habang kumakatok.

"Malapit na po."  Sagot ko kahit ang totoo ay hindi pa ako nagsisimula.

"P'wede ba akong pumasok?"

"Sige lang po, malapit na po akong matapos." Sabi ko at agad na nagbuhos, nagsabon lang ako ng buong katawan, hindi na ako nag-shampoo dahil naglalagas ang buhok ko.

"Tita, bakit po? Tumawag po ba si Gwy sa iyo? Hindi po nagre-reply sa akin e." Tanong ko paglabas ng banyo, umiling lang si Tita at tiningnan ang picture ni Mama sa ibabaw ng mesa ko.

"Tyra, saan ka ba talaga nagpunta kagabi?"

Napahinto ako sa pagtutuyo ng buhok. 

"Sa Farm po."  Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Nakita kong suot mo 'yong kwintas kaya nagulat ako nung sabihin mo sa Tito mo na nawawala 'yon. Nakikipagkita ka ba kay Eli? Gusto mo ba siya?"

Hindi ko napigilang matawa. "Tita, hindi po! Hindi ko gusto si Eli at hindi ako nakikipagkita sa kanya, nagkataon lang na nandoon siya sa Farm at si Tito ang nag-utos sa kanya na ihatid ako. At sorry kung nagsinungaling ako tungkol sa kwintas."

"Hindi mo pa rin ba ako pinagkakatiwalaan?" Malungkot ang tono ng boses niya.

"Pinagkakatiwalaan Tita, sinabi ko nga po sa inyo 'yong tungkol kay Gwy hindi ba?" Tumingin ako sa picture ni Mama.

‘Ma, gabayan po ninyo ako.

"Pinuntahan ko po si Mang Jun." Sambit ko, hindi naman siya gaanong nagulat.

"Sabi ko na nga ba at kilala mo siya."

"Iniligtas ko siya doon sa mga armadong lalake, sinubukan siyang patayin at basta na lang iniwan sa damuhan, tinulungan ko dahil hindi kaya ng konsensya ko na hindi tulungan, pero mabait naman po siyang tao, hindi po siya masama, safe po tayo. I'm sorry po Tita, hindi lang naman po ko ang may tinatago sa pamilyang ito." Sagot ko

"Magbihis ka na at mag-aabanag ka pa ng tricycle sa labasan, matatapos na silang mag-usap, ako na ang bahala kay Mang Jun." Sabi ni Tita at tinapik ako sa balikat.

Kailangan ko na makausap si Mang Jun, ang hirap paniwalaan na nagkataon lang na nakita siya ni Tito, I'm sure plano niya 'to. 

"Tyra, mag-abang ka na, maliligo lang ako saglit, marami tayong gagawin ngayon sa farm kaya magdala ka ng extra damit para may pamalit ka, magdala ka rin ng gasolina para sa motor." Sabi ni Tito at inabutan ako ng pera.

Paglabas ko ng bahay ay nadatnan ko si Mang Jun sa garden, nagbubunot ng damo.

"Good morning po Mang Jun." Malakas kong sambit

"Good morning po."

"Masaya po akong makita na malakas na kayo." Bulong ko

"Salamat sa iyo at sa kaibigan mo, nagpunta talaga ako dito para tulungan ka."

Napangiti ako. Si Mang Jun ang sagot sa problema, legit.

"Salamat po. Mang Jun, si Papa Clefford.." 

Ngumiti lang siya.

Akala ko ba tutulungan niya ako? Scam agad.

"Iha, matagal pa tayong magkakasama dito, marami pang oras." 

"Gusto ko lang pong malaman para medyo kumalma ang isip ko." Sabi ko at napabuntong hininga.

"Namatay o pinatay?" Seryoso kong tanong.

"Pinatay." Mabilis niyang sagot, napanganga ako, nabigla ako.

"K-Kilala mo po ba ang pumatay sa kanya?"

Hindi siya sumagot agad pero tumingin siya sa bahay. "Walang gaanong nakaka-alam na pinatay ang Papa mo. Mag-ingat ka Tyra, hindi lahat p'wede mong pagkatiwalaan, lahat ng tao kayang mag-traydor, baka magulat ka, kakilala mo pala ang pumatay sa Papa mo." Sabi pa ni Mang Jun bago nagpatuloy sa ginagawa niya.

* End of Chapter 23 *

A/N : Chubbabies 💜 don't forget to vote and comment, thank you so much everyone, God bless. Keep rockin' 🤘

@gytearah 

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon