Chapter 42

89 3 1
                                    

CHAPTER 42 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Hindi ka na naman ba natulog ng maayos ha Tyra?" Tanong ni Tito sa akin habang naglalagay ng gamit sa kotse, halata kasing wala akong tulog dahil sa eyebags ko.

"May insomnia po kasi ako Tito. Kailangan ko pang uminom ng gamot na binigay sa akin ng Doctor para makatulog ako pero hindi po kasi ako uminom kagabi, baka kasi hindi ako magising ng maaga ngayon. Pero okay lang po ako." Sagot ko, wala naman talaga akong insomnia, napuyat lang talaga ako kaka-search ng mga pangalan nang kaibigan nila Mama para mapuntahan ko agad sila kapag wala akong trabaho.

"At huwag ka na rin munang magkape. Teka, nagdala ka ba ng mga pamalit mo? Doon tayo matutulog sa Farm para pagliwanag pa lang bukas ay magsisimula na agad, para hindi masyadong mainit."

"Opo Tito, palagi naman po akong may extrang damit. Kukunin ko lang po saglit 'yong power bank ko atsaka 'yong jacket ko."

"Bilisan mo, mag-aalas singko na, dapat dumating tayo doon bago mag-alas sais."

Kinuha ko ang power bank ko pa rin ang dalawang jacket ko.

"Sissy?"

"Oh? Bakit? Aalis na kami ni Tito, huwag kang pasaway kay Tita ha, gamot mo huwag kalimutan. Bumangon ka na rin ang mag-exercise ka."

"Exercise? Mapapagod lang ako, bawal ako mapagod remember? I-hi mo na lang ako kay Ely my love ko ha."

Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Gwy sa akin kahapon, paano nangyari 'yon?

Gusto niya raw ako pero girlfriend naman ang kakambal ko, tss.

"Tyra, halika na. Bakit ba nakatulala ka pa d'yan?"

"Po? Nand'yan na po. Iniisip ko lang po kung may nakalimutan ba ako." Inilagay ko lang sa bag ko ang power bank at ang jacket ko bago pumasok sa kotse.

"Mami SB!"

Nasa labas pa lang ako ng gate pero rinig na rinig ko na ang sigaw ni Eya, kumakaway pa habang tumatakbo, para bang walang sakit.

"Yang batang 'yan, mukhang gustong-gusto ka, malayo pa pero gusto ka na agad yakapin." Sabi ni Tito Drammy

"Sobrang lambing nga po ng batang 'yan, kulang na lang ay sumama sa akin pauwi." Sabi ko at bumaba na ng kotse.

"Isama mo minsan sa bahay para naman may kalaro si Clarry pero ipagpaalam mo muna sa Kuya niya at kila Aleng Adela."

"Opo Tito. Dadalhin ko lang po itong mga gamit natin sa kubo tapos susunod na lang po ako sa iyo sa manggahan."

"Sige, mag-jacket ka at may sumbrero."

Nakahawak si Eya sa damit ko habang naglalakad kami papunta sa kubo, hindi siya makahawak sa kamay ko dahil may dala ako.

"Kumusta ang pakiramdam mo Eya?" Tanong ko habang inilalapag lahat ng gamit na dala ko.

"Okay na po ako Mami SB. Salamat po pala sa mga prutas at vitamins na pinadala mo Kay Kuya Joepette." Yumakap siya sa akin ay paulit-ulit akong hinalikan sa pisnge.

"Huwag ka na ulit magpapainit sa araw ha, mahirap kapag may sakit na."

"Opo Mami, maniniwala na po ako. Nag-alala po ba kayo sa akin?"

"Oo naman, pupuntahan nga sana kita kasoay pinuntahan akong importante."

"Okay na po ako. Pupunta na po ba kayo sa manggahan? Hindi po ako puwedeng sumama e, hihintayin na lang po kita dito ha." Para ayaw na niyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon