CHAPTER 11 : TYRA's POINT OF VIEW ★
Pumikit ako, nagkunwaring tulog pero naramdaman kong may humihila sa buhok ko.
"No, natutulog siya Dahlia (Rondalla), ano ba kasing ginagawa mo dito? Nagta-trabaho ako."
"Isinama ako ni Tiya Adela, may dala siyang meryenda, halika doon Dada."
Ang cute ng boses niya, hindi niya tinitigilan ang buhok ko, hinihila-hila niya tapos hinahawakan niya ang pisnge ko."
"Dahlia, tigilan mo na 'yan, tara na lang kay Tiya."
"Sino ba siya Dada? Bakit makinis ang pisnge niya? Bakit ang haba ng pilik mata niya? Maganda siya pero bakit dito siya natutulog? Si Sleeping beauty ba siya?"
"Ang bata-bata mo pa e ang dami mo ng tanong."
"Bawal ba magtanong Dada?"
"Hindi naman pero masyado ka pang bata para maintindihan ang mga bagay bagay. ‘Lika na dito, tulungan mo akong tumayo, masakit ang mga braso ko."
"Hilot, gusto mo? Mamaya na lang kapag matutulog na. Mag-iingat ka kasi sa susunod Dada, kung hindi lang kita love e nagalit na ako sa 'yo, hindi na maaayos ang motor mo, hayy Dada."
Narinig kony natawa na lanh si Ely, ang kulet nung bata, siguro'y mga tatlong taon pa lang siya pero ang dami ng alam.
"Bye Ateng sleeping beauty." Bulong pa ng bata sa akin.
Nagmulat ano ng mata, mag-isa na lang ako sa ilalim ng punong mangga pero nakikita ko ang mga tao sa Rancho at sa kubo, nagtatawanan sila.
Pumikit ako ulit, ang tagal ni Tito Drammy, alas tres na e.
"Hi."
Napabangon ako sa gulat at nagkauntugan kami.
"Aray."
"Sorry, sorry. Medyo malapit pala ako, pasensya na nagulat pa kita."
"Eh kasi naman nakita kita doon sa kubo kanina tapos biglang nandito ka na, akala ko tuloy nagsalita yung kabayo dito."
"Sorry, dinalhan kita ng banana cue at tubig, wala pa si Sir Drammy, nakasalubong raw ni Tiyang eh, nagmamadali."
Bakit kaya? May nangyari kaya kila Tita Alpa?
"Bakit daw nagmamadali?"
"Ewan ko lang, pupunta yata sa police station, baka nanakawan kayo."
Police station? Siguro may alam na yung kaibigang pulis ni Tito tungkol sa pagtakas ni Rumel. Hihintayin ko na lang si Tito dito, ang layo ng bahay dito sa farm, wala ako sasakyan pauwi.
"Salamat dito ha." Nakakamiss ang babana cue, lalo na 'yong turon.
"Pasensya ka na dun sa bata kanina, mabuti na lang at nagtulog-tulugan ka dahil kung hindi ay hindi ka nun titigilan ng kakatanong.
"Anak mo?" Tanong ko at natatawa siyang umiling.
"Kapatid ko, three years old, namatay si Mama sa panganganak sa kanya. Dada lang talaga ang tawag niya sa akin."
"Dadaaaa!"
"Ay, nand'yan na naman siya."
Hindi na ako nagtulog-tulugan dahil ang sarap ng babana cue, baka pagmulat ko e stick na lang ang hawak ko.
"Bakit? Akala ko ba'y doon ka na lang muna kay Tiyang."
"Nakakainip po doom Dada at saka nagtatrabaho na sila ulit e." Sabi ng bata at tumingin sa akin, "Hi." Sabi niya at ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3
De Todo"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilala nila ang babaeng hindi nila akalaing nag-e-exist. Makikilala niyo si GEE TYRA, ang anak ni Gyte Arah at Clefford Gee, pero- paano nangyar...