Chapter 25

99 0 0
                                    

CHAPTER 25 : TYRA's POINT OF VIEW ★

Nagmamadali akong kumuha ng sumbrero at wallet, lumabas ako ng kwarto suot suot ang jacket ko.

"Saan ka pupunta Tyra? Gai na iha."

Napahinto ako sa may pinto. "Tita, si Gwy po, kailangan ko po siyang puntahan."

"Pero gabi na at wala kang masasakyan, wala pa ang Tito Drammy mo. H'wag ka na mag-alala sa kapatid mo, hindi naman 'yon pababayaan ng Tito Vash mo." Sabi ni Tita Alpa

"Hindi nga po nila pababayaan pero si Gwy po ang problema, parang . . . parang inaatake po siya."

Napakunot noo si Tita Alpa. "Sigurado ka? Baka naman pinagti-tripan ka lang niya, bakit aatakihin 'yon e may gamot naman s'ya, pinadalhan natin 'di ba?"

"Iba po ang kutob ko Tita e, inaatake man siya o hindi, pupuntahan ko oo siya, magta-taxi na lang po ako."  

Lumabas pa rin ako ng bahay kahit pinipigilan ako ni Tita Alpa, hindi ko p'wedeng pabayaan ang kapatid ko.

"Mukhang hindi talaga kita mapipigilan, mag-iingat ka, ako na ang bahalang magpaliwanag sa Tito mo." Agad akong tumango at pinara ang dumadaang sasakyan. Napasulyap ako sa may garden bago sumakay ng taxi, nakita ko si Mang Jun na nakatayo, nakatingin sa akin at nakahalukipkip.

Safe naman siguro sila Tita Alpa sa kanya.

"Manong, dito po.". Sabi ko sa driver at iniabot ang isang pirasong papel na may nakasulat na address ng bahay nila Tito Vash.

"Medyo malayo ito." Reklamo ng driver.

"Magbabayad po ako kahit magkano basta dalhin po ninyo ako d'yan." Tumango ang driver at binilisan ang pagmamaneho.

"Kuya, alam ni'yo po ba ang daan? Kanina pa tayo pabalik-balik dito." Napansin ko kasi na parang hindi na mapakali si Manong driver, drive siya ng drive pero pabalik-balik din naman kami sa iisang lugar.

"Pasensya na, ngayon lang kasi ako nakabalik dito, ilang taon na ang lumipas nang mapadpad ako sa lugar na 'to kay hindi ko na alam ang pasikot-sikot." Sabi niya at huminto saglit.

Sumilip ako sa bintana at may napansin akong pamilyar na sasakyan.

"Let's go!"

Si Kaley 'yon ah.

"Kuya, Kuya! Sundan po natin ang sasakyan na 'yon." Turo ko sa kotse nila Tito Vash

"Bakit? Bakit natin susundan? Naku Miss h'wag mo akong idadamay, baka mapagkamalan tayong masasamang tao."

"Nagmamadali po ako Kuya, p'wede po bang sumunod na lang kayo? Hindi ni'yo nga po alam kung saan 'tong lugar na sinasabi ko, magbabayad naman po ako at saka kilala ko po ang sakay ng sasakyan na 'yon, kailangan ko lang talagang puntahan ang kapatid ko." Inis kong sambit, gusto pa yata e lumuhod ako sa harapan niya, halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko.

Habang sinusundan namin ang sasakyan nila Tito Vash ay paulit-ulit ko ring kino-kontak si Gwy pero out of coverage ang cellphone niya, malamang pinatay na naman 'yon.

Huminto ang sasakyan nila Tito Vash kaya huminto rin ang taxi na sinasakyan ko. "Dito lang ako sa kanto Miss, hindi na ako lalapit sa bahay."

Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng dalawang daan. "Bayad ko po, kulang pa po ba 'yan?" Tanong ko pero nakatingin lang sa akin ang driver, bigla tuloy akong kinabahan. Ilang saglit pa ay kinuha niya ang wallet niya tapos biglang nanlaki ang mga mata.

"Sa 'yo na 'yan!" Ibinalik niya sa akin ang pera, "Bumaba ka na, multo!" Sigaw niya at pagbaba ko ay pinaharurot niya ang sasakyan palayo.

Multo, ako?

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon