CHAPTER 31 : TYRA's POINT OF VIEW ★
"Maaga na lang akong babalik bukas na umaga, hindi naman kayo pababayaan dito." Sabi ni Tito habang sumasakay sa motor niya, "Mayro'n din akong biniling nga pagkain, nandoon sa isang kubo."
"Wala bang multo dito Tito?"
"Wala, wala pa namang nagpapakita sa amin o nagpaparamdam manlang."
"Eh saan kami matutulog dito Tito? May malambot ba silang kutson dito? Bagong palit ba ang punda ng unan nila?"
"Ang arte mo naman Gwy, e kung sumama ka na lang kaya kay Tito pauwi, babalik din naman siya bukas e."
Umiling siya agad. "Ayoko. Babantayan ko pa si Ely my love."
"Hou Gwy, tumigil ka nga." Napatungo si Gwy ng pagsabihan siya ni Tito, "Ka babae mong tao e 'tsaka may masakit 'yong tao oh. Paano makakapagpahinga ng maayos 'yon kung palagi ka na lang nakabuntot ha? Kung gusto mong matulog sa kutson, doon ka makitulog kila Aleng Letty at ikaw naman Tyra–"
"Dito na lang po ako sa duyan Tito, sasamahan ko pa po si Mang Nato na maglibot mamaya sa buong farm at saka maaga pa kaming magtatanim nang mga beans na hindi namin natapos kanina."
"Eh kung biglang umulan."
Napatingala ako at nakita ko sila Mama at Papa. "Mukhang marami namang pong lilitaw na bituin mamaya e saka may bantay po ako." Sabi ko habang nakatingin sa mga bituing naka-form na gitara at g-clef, palagi silang nand'yan tuwing tumitingin ako sa itaas, hindi talaga sila nang-iiwan.
"Ano'ng plano mo Gwy? Sasama ka ba kay Tito pauwi?"
Tiningnan niya lang ako. "No, I'll stay here." Sabi niya at tumingin sa kubong kinaroroonan ni Ely.
"Ingat po kayo Tito." Sabi ko at binuksan ang gate.
"Tawagan mo ako mamaya Tyra."
"Opo Tito."
"Ikaw na muna ang bahala d'yan." Tumango ako at isinarado and gate, paglingon ko kay Gwy ay malayo na siya sa akin, naglalakad na siya palapit kay Aleng Adela na nagpapakain ng mga manok at bibe.
"Miss Tyra, pinapasabi po ni Nanay na sa bahay na lang daw kayo maghapunan, handa na rin po ang tutulugan ninyo."
"Si Gwy lang ang tutulog doon." Sabi ko kay Joepette
"Eh ikaw? Wala ka bang balak matulog? O baka naman may babantayan ka kaya hindi ka matutulog. Tama ako o tama?"
"Tatamaam ka sa akin! Hoy, itong farm ang babantayan ko at saka sa duyan ako matutulog. Kung ano man 'yang iniisip mo, mali 'yan." Sabi ko at naglakad na papunta sa Rancho.
"Mali pa sa ngayon kasi hindi mo pa maamin sa sarili mo." Sinundan niya pa ako hanggang sa kuwadra para asarin.
"Paano kung maging sila Miss Tyra?"
Nilingon ko siya at tiningnan ng deretso sa mata. "Paano kung maging sila, para ka?" Balik na tanong ko sa kanya.
Napakamot siya sa ulo. "Eh 'di magiging masaya na lang ako para sa kakambal mo."
"That's the point Joe, magiging masaya para sa kanila, that's it." Sabi ko at inilabas si Pega
"Ibig sabihin gusto mo tala–"
"Wala akong sinabing gano'n, may narinig ka ba? Wala 'di ba? Wala!"
Inilabas niya rin si Liwanag at sumunod sa akin. "Alam mo Tyra– Miss Tyra, p'wede mo naman ako pagsabihan ng mga sekreto mo eh, may sekreto nga tayong dalawa hindi ba? Ganito lang ako, makulit pero mapagkakatiwalaan naman ako. Kung wala kang ibang masabihan, free po ako anytime."
BINABASA MO ANG
You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3
Random"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilala nila ang babaeng hindi nila akalaing nag-e-exist. Makikilala niyo si GEE TYRA, ang anak ni Gyte Arah at Clefford Gee, pero- paano nangyar...