Chapter 41

95 0 0
                                    

CHAPTER 41 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Ang dami naman nito Tyra, mga vitamins, prutas, biscuits at may hopia pa. Mahal mo talaga si Ely, aminin mo."

"Ano ka ba Joe, hindi 'yan para kay Ely, para kay Eya lahat ng 'yan."

"Na anak ni Ely."

Tss. "May sakit 'yong bata kaya binilhan ko. Umuwi ka na nga."

Tiningnan lang ako ni Joepette. "Wala manlang thank you?"

"Okay, thank you! Ako rin naman ang nagmaneho pabalik. Umuwi ka na at magpahinga, kalahati ng sahod ko bukas, sa 'yo na."

"Huwag gano'n, binibiro lang kita. Mabuti na lang talaga at natakot sa iyo 'yong tauhan ng Tito mo. May nagtatago palang dragon d'yan sa maamong mukha mo." Natatawa niyang sambit.

Kahit maamong tupa nagiging dragon din kapag kina-kailangan.

"Seryoso Joe, thank you. Para na kitang human diary ngayon, 'yon nga lang hindi lahat ay p'wede kong sabihin sa iyo ngayon pero thankful ako na may kaibigan na ako, at ikaw 'yon. Maraming salamat."

Ngumiti si Joepette at sumakay na sa motor niya. "Sabi sa 'yo sanggang-dikit mo ako e. Umuwi ka na rin para makapagpahinga ka, uuwi na rin ako para maibigay ko na 'to sa anak mo."

"Ano?" Napakunot noo ako.

"Anak niya, na magiging anak mo rin s'yempre kapag kayo na, kung magiging kayo at aamin ka. See you bukas Miss Tyra." Sabi niya at sumaludo pa.

Nakatingin lang ako sa papalayong si Joepette.

Si Eya, si Erra? Imposible..
Malabo, malayo ang Buenavista sa lugar na 'to.

"Sissy! Huy, Sissy! Ano'ng ginagawa mo dito sa labas ng convenience store?"

Gulat akong tumingin kay Gwy. "Aatakihin ako sa puso n'yang ginagawa mo e."

"Anong atake? Hello, ako ang may sakit sa puso 'no? Pauwi ka na ba? Sabay na tayo."

"O-Oo. Tara na para makapagluto na tayo ng hapunan. K-Kanina ka pa ba dito?"

"Hindi, ngayon lang. Kakalabas ko lang d'yan." Turo niya sa Salon, "Nagpa-kulay ako ng buhok, highlights lang, hindi halata 'di ba? Sa ilalim lang kasi 'tsaka nagpa-manicure at pedicure ako kaya ikaw ang magluluto ng dinner, masisira ang nails ko." Ngumiti pa siya at yumakap sa akin, kaysa magtalo pa kami, tumango na lang ako.

"Magandang hapon po." Bati ni Mang Jun sa amin at binuksan ang gate. Dere-deresto si Gwy at binuksan ang bahay.

"Mang Jun, alas quattro na po, nag-meryenda na po ba kayo?"

"Hindi pa iha, magme-meryenda pa lang ako, tinapos ko pa 'yon nasa tabi ng bakod, natapos ko na lahat. Bukas ay 'yong tree house naman ang sisimulan ko." Sabi ni Mang Jun at isinarado na ulit ang gate.

"Sigurado po akong matutuwa si Tito. Ahm, Mang Jun 'yong tungkol po sa kagabi, pasensya na po. Hayaan po ninyo at hindi ko na kayo tatanungin tungkol sa bagay na 'yon." Hindi sumagot si Mang Jun, "Halina po kayo sa loob at gagawa ako ng meryenda natin." Anyaya ko.

"Sige po. Magbibihis muna ako at amoy pawis ako, baka may masabi na naman ang kakambal mo."

Pagpasok ko ng bahay ay nakahilata si Gwy, feel na feel, sarap buhay.

"Gwy, magpalit ka, pawis na pawis ka." Sabi ko at nagpunta na sa kusina para ihanda ang meryenda ni Mang Jun.

Nagluto ako ng dalawang pancit canton at tatlong itlog, may tinapay pa naman at saka nagtimpla din ako ng orange juice.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon