Chapter 40

102 1 0
                                    

CHAPTER 39 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Isama mo na lang kasi ako Sissy, ayokong maiwan dito sa bahay kasama 'yong Mang Jun na 'yon 'no!"

Sinuot ko ang sumbrero ko at kinuha ang bag na nakalagay sa kama. "Hindi p'wede, check up ang pupuntahan ko, ayaw mo naman magpa-check up, mabo-bored ka lang doon. Ibibili na lang ulit kita ng gamot." Inilagay ko sa bulsa ko ang wallet at cellphone ko. "Papayagan kitang mamasyal, pero ngayong araw lang ha, gawin mo lahat ng gusto mo pero huwag na huwag kang pupunta sa Farm."

"Why?" Tanong niya at kinuha agad ang towel para maligo.

"Rest day ng mga tao doon ngayon, pahinga, manggugulo ka lang doon. At kailangan din ng Ely . . . mo, na magpahinga. Text mo ako kung saan na pupunta, update mo ako palagi ha, huwag kang gagawa ng gulo. Gwy, are you listening?"

"Of course Sissy. I'll bring my umbrella na rin, and lotion also in case na umulan. Pupunta lang ako sa Mall, nood sine. Thank you ha." Niyakap niya pa ako bago pumasok sa banyo.

“Nagawan mo na ba ng paraan?” Text ko kay Joepette pero hindi siya nagre-reply.

"Gwy." Katok ko sa pinto ng banyo, "Aalis na ako."

"Okay, take care. I will lock the door na lang nitong house, baka mamaya magnakaw pa si–"

"Hindi gano'n si Mang Jun."

"Para namang siguradong-sigurado ka e kakakilala pa lang natin dun sa tao. Wala akong tiwala sa pagmumukha nun."

"Magbabago din 'yang isip mo pagdating ng araw."

Kunot-noo siyang tumingin sa akin. "What did you say? What do you mean?"

"Nothing. Magbihis ka na para marami lang time sa labas. Aalis na rin ako at baka traffic papunta sa clinic. Update mo ako ha, huwag pasaway."

"Paulit-ulit? Oo na nga Sissy." Sinarado niya na ulit ang pinto ng banyo.

Napailing na lang ako. Ewan ko na lang talaga kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang Tatay ni Ely si Mang Jun.

Pagkababa ko ng tricycle ay dumeretso na ako agad sa clinic.

"Pakihintay na lang po saglit si Doc." Sabi sa akin ng babae at pinasulat ang pangalan ko sa isang papel.

Naghintay pa ako ng ilang minuto.

"Good morning Miss Gee Tyra Calves. I'm very sorry kung naghintay ka ng matagal, the traffic is so!" Umiling na sabi ng Doctor.

"It's okay, hindi naman po ako nagmamadali e."

Medyo kinakabahan ako habang chini-check up. Lately kasi feeling ko mabilis akong mapagod at palagi rin akong nahihilo.

"So Miss Calves, wala naman akong nakitang kahit ako, to be honest normal lahat. Siguro'y masyado ka lang napagod. Huwag mong sagarin sa pagod ang katawan mo, huwag ka ring magpuyat at mag-isip masyado. At tungkol naman sa sinasabi mong balat mo, it's natural kasi, hindi rin namin alam kung bakit it's turning red everytime na tinatanggal mo ang kwintas mo, para bang konekted na 'yan sa buhay mo so dapat ingatan mo." Sabi sa akin ng Doctor

"Maraming salamat po Doc. Babalik na lang po ako ulit kapag may kakaiba akong naramdaman. Magpapaalam na rin po ako dahil may pupuntahan pa ako. Thank you po."

"Thank you din Miss Calves."

Paglabas ko ng clinic ay bumili lang ako ng mga gamot ni Gwy bago pumunta sa Salon.

"Trim lang po, medyo manipis na kasi 'yong dulo." Sabi ko sa manggugupit.

“Hindi ko nagawan ng paraan Tyra, hindi siya pinayagan ni Aleng Adela kasi kailangan daw magpahinga para makapagtrabaho na bukas.” Reply ni Joepette sa text ko kanina.

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon