Chapter 45

122 0 0
                                    

CHAPTER 45 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Nasaan na? Saan mo dinala 'yong lalake?" Tanong ko kay Joepette, tanghali na at kakatapos lang naming kumain.

"Sa burol, sa pinagdalhan natin kay Mang Jun. Sino ba 'yon Tyra?"  Tanong ni Joepette at napatingin kami pareho kay Ely na papalapit sa amin kasama si Eya.

"Sabi ni Eya may nakita raw kayong ahas." Sabi ni Ely

"Oo nga po Dada. Kaya po hindi kami naligo ni Mami SB sa ilog, 'di ba po Mami?"

"O-Oo. Ah, Eya, punta ka muna doon sa duyan, pupuntahan kita maya-maya." Sabi ko, sumunod naman ang bata.

Tumingin ako kay Ely. "Hindi ahas 'yong nakita ko, yung lalakeng sinasabi mo sa akin na palagi mong nakikita kung nasaan man ako."

"At sinuntok ko siya." Sabi ni Joepette, "Yayakapin si Tyra eh, miss na miss na daw."

"Akala niya ako si Mama, tinawag niya akong Arah." Sabi ko

"Sino kaya 'yon? At paano ka naman napunta sa may ilog 'tol? Nasa manggahan tayo ah."

"Inutusan ako ni Nanay na kumuha ng jacket na pamalit ni Tatay tapos nakita ako ni Aleng Adela, nakiusap siya na dalhin ko saglit 'yong toothbrush ni Eya sa ilog dahil nga nandoon raw itong dalawa, alam mo namang ayaw nung hindi nagsisipilyo ang ana– ang kapatid mo. Hindi niya raw kasi maiwan-iwan yung niluluto niya." Kuwento ni Joepette

"Eh nasaan na 'yong lalake?" Tanong ni Ely, napatingin ako kay Joepette.

"Nas–"

"Umalis na, ewan kung saan na nagpunta. Siguro naman hindi na 'yon babalik. Sasabihin ko kay Tito Drammy na maglagay ng mga guwardiya dito para walang ibang taong makapasok." Sabi ko

"May sasabihin ka ba 'tol?" Tanong ni Ely, tumingin sa akin si Joepette.

"Wala. Ang sasabihin ko lang sana ay . . . na-nasa duyan na si Eya, baka hinihintay na niya si Tyra. Mamaya na lang kayo ulit mag-usap, may tatapusin pa tayo 'di ba? Tyra, trabaho muna kami."

"Si-Sige.."

Natapos ang buong maghapon na kasama ko si Eya. Hindi na ako pinatulong ni Tito dahil kaya na daw nila 'yon.

Hindi na rin kami matutulog sa Farm ngayong gabi. It's 5:30 pm already, inilagay ko na lahat ng gamit sa kotse. Nakatingin lang si Eya sa akin, naaawa ako, gusto ko pa siyang makasama ng matagal pero mahirap ang sitwasyon.

"Magpaalam ka na dun sa bata, baka hindi 'yon makatulog mamayang gabi." Sabi ni Tito bago pumasok sa loob ng kotse niya.

Nilapitan ko saglit si Eya. "Babalik ako bukas ha." Niyakap ko siya at hinalikan sa noo, ibinigay ko rin ang jacket na sinuot ko kagabi.

"Hihintayin po kita Mami." Yumakap din siya sa akin.

"Tawagan mo ako mamaya kapag matutulog na si Eya ha." Sabi ko kay Ely, tumango naman siya.

Babawi ako anak, lahat gagawin mo para magkasama na tayo.

"Magaling ka naman palang magmaneho, kapag malapit na tayo sa kanto malapit sa bahay ay ako na ang magmamaneho at baka makita ka pa ng Tita mo."

"Opo Tito." Patawid na kami sa tulay, "Si Clarry nga po pala, kumusta?"

"Okay na siya anak, namimiss lang ang Daddy, alam mo namang maki-Daddy ang pinsan mo." Kakaiba talaga ang ngiti ni Tito kapag si Clarry ang pinag-uusapan.

"Siguro po kung nakilala ko lang si Papa, baka maki-Papa din ako kahit na si Mama ang ka-mukha ko."

"O-Oo, medyo similar kayo ng ugali ng Papa mo kahit na hindi kami nakapag-bonding masyado. Mabait ang Papa mo, mahal na mahal niya si bunso, nakakalungkot lang na–"

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon