Chapter 18

3.5K 84 0
                                    

Kahit asiwa si Roxane ay pinilit niyang maging normal ang kanyng mga kilos, pero sa totoo ang gusto na niyang umalis doon.

Pero wala siyang magagawa dahil may kontrata siyang pinirmahan na hanggang matapos ang pasukan. Lalo pa at habang tumatagal ay lumalabas ang tunay na ugali ng Senyora.

"Roxane! Roxane! Nasaan ka na!?" ang tawag ng matanda.

"Nariyan na po..."

"Ano ba kanina pa kita tinatawag! Kaya nga ako nagbakasyon para makapag relaks pero ito ka nakatanga doon, at kaya ka namin isinama para may mag asikaso ng mga pangangailangan namin!"

"Pasensiya na po Senyora, inaatos ko lang po ang gamit ni ma'am Jovelyn."

"Sige, basta sa susunod h'wag kang tatanga tanga."

"Opo... Senyora." pinipigilan niyang h'wag umiyak sa harap ng matanda.

" Hoy! Ano ba ipagtimpla mo ako ng kape at pakigawa ng sandwich."

"Opo..."

Lalo pang nadagdagan ang kalbaryo niya ng dumating si Maricel kasama pa nito ang kanyang ina.

"Hello po mama..!

"Maricel hija...!"

"Kumusta po kayo mama?"

"Ito.. Ayos lang naman, mabuti, at nakahabol ka."

"Hinintay ko pa kasi ang mama galing States."

"Dumating na ba si Girlie?"

"Opo... Mama at andun siya sa hotel magpapahinga lang daw muna siya, at may jetlag pa raw siya."

"Okay, pakisabi na gusto ko siyang makilala."

"Sure mama.. At alam kong gusto niya rin kayong makilala."

"Maiba tayo hija, kelan kayo magpapakasal ni Daniel?"

"Iwan ko nga po sa kanya, kasi hindi pa siya nagyaya."

"Ganon ba, pero h'wag ang mag alala ako ang bahala."

"Salamat mama."

"Meryenda po muna kayo."

"Hi...! Kasama ka pala dito?"
ang tanong ni Maricel na halatang nang iinsulto.

"Yes hija, sinama ko na para may mag aasikaso sa iba naming pangangailangan."

"Pasalamat ka sa kanila atleast naranasan mo rin ang magbakasyon sa isang sikat na resort na kung susumahin ay kulang pa ang sweldo mo sa loob ng isang taon pambayad dito."

At nagkatawanan sila maging si Jovelyn na kakarating lang ay natatawa rin.

"Pwedi tigilan niyo na si Roxan? Isa pa ako naman amo niya kaya pwedi h'wag niyong gawing utosan siya?!"

"Sinabi mo e," ang sagot ni Maricel na halatang naasar sa pambabara ni Jovelyn.

"Roxane, halika ka dito tutal ako naman ang amo mo kaya, sumama ka sa akin."

At umalis na sila at natutuwa si Jovelyn sa nakitang inis kay Maricel.

"Mama... Hihintayin ka namin sa hotel mamayang 7pm maya saby tayong mag dinner para magkakilala na rin kayo ni mama."

"Sige... Hija at salamat, baka lumipat na kami sa hotel para magkapag bonding kami ng mama mo."

Nagpaalam na si Maricel at pinuntahan ang kasintahan sa beach at nag kwentuhan sila. Pero may napapansin ang dalaga parang pakiramdam niya ay nanlamig ang kasintahan sa kanya. Peri in intidi niya ito baka nagtampo lang kasi hindi siya sumabay dito.

Hanggang dumating ang oras ng kanilang paghahapunan at dahil sa kagustuhan ng donya na lilipat sa hotel ay sumang ayon nalang sina Daniel kahit ayaw sana nila lalo na si Jovelyn.

Kasi may mga plano pa siya na dapat isagawa pero dahil sa kagustuhan ang matanda ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod.

"Roxane, dito ka nalang sa kwarto ko para, may kausap naman ako."

"Sige po kung iyan ang gusto mo."

"At kung pwedi lang Jovelyn nalang ang itawag mo sa akin tutal magka idad naman tayo."

"Baka magalit ang lola mo?"

"Hindi iyon, wala naman iyong pakialam sa akin."

"H'wag kang mag isip ng ganyan kasi lola mo siya da ba? Masama kaya 'yon."

"Okay, siya magbihis kana at magdi dinner na tayo kasama ang mama ni Maricel."

"Hindi ba nakakahiya?"

"Hindi ah! Kaya bilisan mo may inihanda na akong damit para sa yo, kaya wag ka ng mahiya. Sige ka magtatampo ako sa yo."
Pero sa isip niya ay 'Ang daming arte naman nito, pero sa loob niya tuwang tuwa at makikita niya ang tito. Hemp!'

"Salamat Jovelyn." napayuko si Roxane kasi hindi siya sanay magsuot ng mga bulgar na damit. At nanibago siya sa kanyang sarili dahil ang laking pinagbago sa kanyang hitsura ng maayusan siya, lumutang ang tunay niyang ganda. At parang nagsisisi pa si Jivelyn sa gandang ginawa kasi pakiramdam niya ay natalbugan siya nito.

"Halika ka na sigurado hindi ka makikilala nila."

Pagdating sa restaurant ay nandun na ang tatlo samatalang wala pa din ang binata.

Hindi nakahuma si Girlie sa kanyang nakita, si Nikka ba ang kanyang nakita. Kumurap pa ito at nahimasamasan lang ito ng ipakilala sa kanya ang dalaga.

"Mama, siya si Jovelyn at si Roxan naman ang alalay niya."

"Kumusta po kayo? Ang tanong ni Jovelyn at tano lang ang ganti ni Girlie kasi mas nakapukos ito kay Roxan.

"Hija.. May tanong lang ako. Sino ang iyong ina?"

Nagulat sila sa tanong na iyon.

"Si nanay Fia Ruth Marco po."

"Nanlaki ang mga mata ni Girlie anak ka ni Ruthie?"

"Kilala niyo po ang nanay ko?"

"Oo, hija kasi di lang sa step sister siya ng kaibigan ko, bagkus dati siysng sikat na modelo sa Italy.."

"Talaga po, pero wala po akong alam na kamag anak namin, kasi po lumaki akong kami lang dalawa ni nanay."

"Ganun ba, sige baka ibang Ruthie iyon."

"Maricel bakit wala pa ang nobyo mo?"

"Parating na yon mama."

"Sorry guys, nahuli ako at hindi natuloy ng binata ang sasabihin sapagat bigla na lamang umiyak si Girlie habang nilalapitan ang binata.

"D-Daniel ikaw ba yan?"

"N-Ninang, ikaw po ba yan?"

Nagyakapan ang dalawa habang umiiyak at maging mg nakasaksi ay umiyak din, at ang kanilang kasamahan ay napatulala.

At ng mahimasmasan ang dalawa ay magkatabi silang naupo, at magkahawak kamay.

"M-Mama.... Siya po ba ang lagi niyong kinukwento sa akin noon, na inaanak niyo na iniwan ng kanyang ina kay ninang Nikka?"

"Siya nga anak.."

"Paano ka napunta sa kanila anak?"

At kinwento ni Senyora Josie ang lahat lahat kun paano na punta sa kanyang poder si Daniel. At dahil sa kwento nila ay lalong nagustuhan ng donya si Maricel para kay Daniel.

At madami pa silang napagkwentuhan tungkol sa nakaraan ng binata. At masaya nilang pinag saluhan ang hapunan at nag punta pa sila sa beach at nag bonfire at itinuloy ang kwentuhan.

ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon