Chapter 24

3.7K 91 2
                                    

Si Roxane ay may schedule na puntahan ang isang branch sa isang sikat na mall sa Pasay City, dahil araw ng inventory. Ngarag ngarag ni hindi na nga tumitingin sa dinaraanan kay may makabanggan siya.

" Ouch...! Pwedi ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo! ang sakot ah! "

" Pasensiya na miss ikaw nga din hindi nakatingin. "

Nagulat si Roxane sa pagka rinig niya sa boses, dahil parang pamilyar sa kanya.

Nagulat siya ng matitigan niya ang kaharap si Daniel pala. Maging ang binata ay nagulat din kasi hindi niya halos nakilala ang dalaga dahil malaking pinagbago nito, at lalong gumanda.

" R-Roxane..? Kumusta kana? " anyok yayakapin niya ang dalaga ngunit umiwas ito.

" Ako nga..! Bakit? Anong akala mo? "

" Akala ko anghel na bumaba sa lupa. " ang hindi maintindihan ng lalaki kung bakit iyon ang nasagot niya. Dahil sa sobrang ganda ng dalaga sa lumipas lang na isang taon ay isa na itong matured woman na handa ipaglaban ng sarili. Malayong malayo sa Roxane na iniwan niya noon.

Magsasalita na sana siya ulit ng mapansin niyang wala na pala ang dalaga. Hindi pa niya natanong ang adris nito, at para mabisita na rin.

Samantalang si Roxane ay hinihingal na dumating sa kanilang pwesto.

" Ano ag nangyari sayo Roxane? " ang tanong ng isang tindira na kaibigan din niya.

" Wala ito, Liziel may nakita lang akong multo na mula sa nakaraan. "

"Ganon ba, sana sinabuyan mo ng holy water para hindi na babalik. "

" Naku..! Kung ganon lang sana kadali ang lahat, pero napaghandaan ko na sila, kaya mag ingat ingat din sila sa akin. "

" Bakit Roxane? Paliliguan mo sila ng holy water? " ang birong tanong ni Liziel.

" Hindi lang paliliguan, lulunurin ko sila. "

"Sige, magtawag na ba ako ng bombero na ang laman ng trak nila ay holy water? "

"Hindi pa sa ngayon kasi may gagawin pa ako dito, baka bukas. " nagtawanan sila sa kanilang kalokohan.

" Nanibago si Roxane sa kanyang sarili kung bakit wala man lang siyang naramdamang kilig, hindi katulad noon na makita lang niya ang kahit anino lang ng binata ang nakikita niya ay kilig na kilig na siya, o baka ang pagmamahal ko sa kanya ay napalitan ng galit kaya kusa itong namatay.

'Bakit ganon nalang ang.pakiramdam ko ng makita ko siya, parang may mga paru paru sa tiyan ko, oh! God, hindi ito tama may asawa at anak na ako kaya mali ito. '

" Elda, pwedi bang pabalikdad mo iyong kama ko, parang may mga ipis na hindi ko malaman ang ingay kasi ng ilalim, hindi niyo nililinis ng mabuti yon? Sinuwelduhan ko kayo ng tama tapos hindi ninyo inaayos ang jga trabaho ninyo? Sino ba ang nakatoka sa kwarto ko? Ibigay na ang kanyang huling sweldo at ayaw ko ng tamad na kasam bahay! "

" Naku! Pasensiya na po, baka may mga nasiksik lang sige, palilinis ko nalang agad." ang sagot ng mayordoma.

Pagkatapos malinis ang buong kwarto ay wala man lang nawalis kahit anino ng ipis, kahit manipis na alikabok ay walang nakuha. May isang parang pouch na nakita ang mayordoma at iniwan nalang sa drawer ng matanda, baka nalaglag niya ito.Pagkapos malinis ang kwarto ng matanda ay pumasok na siya upang magpahinga, pero kagit nakahiga na ito ay ayaw dalawin ng antok e, dapat kapag tanghali ay nag papahinga ito.

Naalala niya ang kanyang apo, lalo pa at nakita niya si Chanda ay labis siyang nangulila kay Carla, sana kung hindi ito nawala dalagang dalaga na ito sa idad na 21, sana apo kung nasaan ka man ngayon sana maayos ang buhay mo.

Bubuksan na sana ng matanda ang drawer niya upang kunin ang kaisa isahang gamit ng apo na naiwan ang kaparis ng mittens nito. Pero may nakita siyang pouch na nakapatang sa drawer niya at alam niyang hindi kanya iyon. Bubuksan na sana niya ng may kumatok.

"Lola, gising pa po ba kayo?"

" Jovelyn apo, ikaw pala may kailangan ka? "

"Gusto ko lang po sanag magpaalam na aakyat kami ng mga kaibigan ko sa Baguio kasi doon po ang siminar namin. "

"Sige, basta mag iingat ka ha? "

" Opo, lola. " sabay halik sa pisngi ng matanda.

Pagkalabas ng dalaga ay ipinagpatuloy ng matand ang pagbukas ng pouch.

"Ano kaba Atty. Sanchez, hindi pa ba kayo nakuntento, nagpakasasa na kayo sa yaman ng mga Marco at katawan ko, pwedi bang tigilan mo na ako?"

"Susan.... Susan.... Susan, huwag na huwag mo akong diktahan sa gusto ko! Baka gusto mong makulong kayo ng ina mo dahil sa paglason kay Greg.? Sabihin mo lang at ipadadampot ko kayo sa pulis, lalo na ang iyong ina na alam mo naman matanda na ito at sakitin pa. Yan ba nag gusto mo ang makulong kayo at doon na mamatay sa kulongan ang mahal mong ina." tumawa pa ito na parang demonyo.

Hindi malaman ni Susan kung paano umalis sa mga pananakot ng kaluguyo niya, kung tutuusin ito ang pumatay sa matanda dahil ang abogado ang nagpainom ng lason at kaya na stroke pero nakaligtas at inulit niya niya ang panglalason at tuluyan ng bumigay ang puso. At silang mag ina ang iginigiit nitong may kagagawan at natatakot silang mag ina kaya kung ano ang sinasabi ng abogado ay siya nilang sinisunod, ang pagkamkam sa mana ni Ruthie, kahit anong tangka niyang lihim na pakikipag usap kay
Ruthie, ay nahahadlangang ni Atty. Sanchez, wala na siyang kailangan kundi anh anak na lamang niya at ngayon nakita na niya ito ay kailangang maitama na ang lahat ng pagkakamali, kesehodang patayin niya ang matandang abogado ay gagawin niya. Tutal matagal na silng nagtitiis na mag ina.

"Bakit ang tahimik mo? Bakit may pinaplano ka bang masama tungkol sa akin? Huwag mo ng ituloy mapapahamak lang kayo ng nanay mo kaya mag isip isip ka Susan.! " sabay hablot ng damit ng dalaga at napunit ito, at parang demonyo ang abogado habang sinibasib ng halik at kagat ang bawat parte ng katawan ni Susan at wala itong nagawa kundi ang tanggapin ang bawat pambababoy nito sa kanya at kung ito man ang kabayaran sa kanyang pag iwn sa anak at sa pang aapi kay Ruhtie ay tatanggapin niya huwag lang ang ina at matanda na ito.

Noong una ang kanyang ina ang karelason ng abogado at ipinasok na kunyari ay yaya s kaibigan nitong si Gregorio Marco upang akitin at kwartahan dahil matagal ng may inggit ang abogado sa kanyang kumpare.

At hindi naman siya nabigo at ngayon ay siya na ang may ari ng lahat.

ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon