Pakanta-kanta pa si Roxan habang inaayos ang gamit ni Jovelyn. Naalala niya ang kanyang panaginip, kung paano sila naghinalikan at paano din siya lumaban dito.
"Hoy! May pakanta-kanta ka pang nalalaman diyan ah! " ang biro ni Lyn.
"Wala naman, masaya lang ako at lagi kang nandiyan para sa akin. "
"Binubola pa ako. Siya! Bilisan mo na riyan at tapos ng kumain ang bruhilda."
Nagkatawanan pa ang magkaibigan. Naging masaya ang araw ng dalaga kahit, sinisimangutan siya ni Jovelyn. Mabuti na lang at kinakausap siya ni KJ, kasi lagi itong sumasabay sa alaga niya.
-------
"Ate Delia, may kilala ka bang marunong gumaw ng tinapay at cake? "
"Bakit Ruthie, magpapatayo ka ba ng bakery?"
"Sana ate, para naman hindi tayo maiinip."
"Sige tatawagan ko bukas iyong pamangkin ng asawa ko, marunong iyon, galing abroad iyon."
"Sige po at ako na ang bahala sa pwesto at puhunan."
Hindi nga lumipas ang isang buwang paghahanda sa bakeshop ay nag opening din at sa mismong araw na iyon ay dinagsa sila ng order, at tuwang-tuwa si Roxan at binigyan ng day off kaya magkatuwang sila ng ina at maging si Lyn ay andun din.
Pagkatapos magligpit at maayos ang lahat na dapat tapusin ay umowi silang masaya at sinabay na rin ang despidida ni Silincer, kasi naayos na din ang kanyang papeles, magtatrabaho ito bilang nurse sa UAE.
"Kumusta na kayong dalawa sa trabaho niyo?"
"Mabuti naman nay, kahit maldita iyong alaga ko."
"Kung ganon, umalis na lang kayo dun na dalawa at tulongan niyo nalang kami sa bakeshop."
"Tama si Ate Ruthie, pagtulongan niyo nalang na palaguin ang bakeshop." ang sabat ni Silincer.
"Sige, nay sa bakasyon po tutal ilang buwan nalang break na sa school. At pagkatapos aalis na din kami doon at para magkasama na rin tayo." at niyakap ang ina.
Pagkatapos ng pag uusap at ng hapunan, ay umuwi n rin sila Lyn.
"Nay, hindi pa po kayo matutulog?"
"Matutulog na, pero bago yan, may ibibigay ako sa'yo."
"Ano po iyan nay? "
"Tumalikod ka para maisuot ko sa'yo."
"Wow...! Nanay ang ganda naman nito."
"Nakita ko yan sa katawan mo, at itong isang pares na damit mo ng matagpuan kita sa basurahan."
"Talaga nay, pero kahit makita ko na sila, hindi ako sasama sa kanila, pagkatapos nila akong itapon! Tapos basta na lang nila ako babawiin, manigas sila."
"Anak, huwag kang ganyan hindi pa natin alam ang totoong nangyari at sana pakinggan mo muna sila."
"Pero nanay, basta nalang nila ako itinapo sa basurahan at mabuti nalang at kayo ang naktagpo sa akin, kung nagkataon na iba ang nakapulot sa akin malamang napariwara na ako. Kaya nanay, maraming-maraming salamat sa iyo at mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita anak, siya matulog na tayo. I love you 'nak."
"I love you too nanay,good night po."
Masayang, magkatabing natutulog ang mag-ina. Kinaumagahan ay maaga din umalis ang magkaibigan para pumasok sa trabaho at ang kanilang mga ina ay pumunta sa bakeshop. Hindi na rin nagpahatid sa airport si Silincer.
Pagdating sa mansion ay agad silang sinalubong ng mayordoma.
"Mabuti naman at dumating na kayo, kasi kanina pa nagwawala si Senyorita dahil aalis daw kayo papuntang Palawan."
"Sige po, pupunta na ako sa kanya. Lyn, ikaw na muna bahala sa gamit ko ha.?"
"Sige, ako na bahala dito, hala! Sige, bilisan mo na at alam mo naman iyon kapag nagagalit."
"Senyorita, aalis napo ba tayo?"
"Mabuti naman at dumating kana, namuti na mga mata ko sa kahihintay sa yo!"
"Pasensiya na po."
"Bitbitin mo na yang mga gamit ko, at baka maiwan tayo. Teka, nakita mo ba si tito Daniel?"
"Hindi po senyorita."
"Ganon ba, sige bilisan mo na riyan."
"Tito, bilisan niyo na po at baka mahuli na tayo."
"Kanina pa ako dito sa baba, pati si mama. Ikaw na lang an hinihintay namin."
'Good Lord, kasama si Daniel.' ang bulong ni Roxan na halatang kinikilig.
"Bilisan mo naman Roxan! Pati ako, napapagalitan sa yo."
"Pasensiya na po." sabay yuko ng dalaga dahil nahiya siya sa binata.
Habang lulan sila ng eroplano sa papuntang palawan ay magkatabi pa sila sa upoan ni Daniel at kilig na kilig si Roxan, lalo pa at amoy na amoy niya ang bago ng binata. Kitang kita niya na pasulyap sulyap si Jovelyn, sa kanya parang gusto nitong makipagpalit ng upoan subalit, bawal iyon. Kaya lalong nakabusangot ang dalagang amo. Pero wala siyang pakialam basta siya masaya at nag iisip na siya ng plano kung paano siya makasandal sa matitipunong dibdib ng binata.
BINABASA MO ANG
ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)
RomansaSiya si Roxan Marco, lumaki siya na ang nakamulatan ay ang pagsisikap ng ina, upang maitaguyod siya sa araw-araw. Pero dumating ang araw na ang inakala nilang maayos na sila ay saka naman dumating ang sang pagsubok. Pero pipilitin nilang bumangon na...