Naging masaya ang araw nila Roxane sa Asyenda Marco at nakalinutan saglit ang mga alalahanin ng bawat isa.
Samantalang si Daniel ay pabalik balik sa Cakes House upang kausapin si Roxane subalit lagi siyang umuuwing bigo. Isang araw habang nasa hospital sila ay dumating sina Susan at Girlie.
"Kumusta ho kayo." ang tanong ng dalawa.
"Ito, medyo okay na rin pero malungkot kasi hindi ko pa nakakasama ang tunay kong apo." at anyong iiyak n naman ang matanda.
" Bakit hindi mo puntahan Daniel kung saan man siya ngayon." ang suhesyon ni Girlie.
"Ninang araw araw na aong pabalik balik sa Cakes House pero wala pa rin daw siya doon."
"Cakes House ba kamo?" at nagkatinginan ang dalawang babae.
"Opo, si Roxane iyong may ari doon."
"Napa nganga ang dalawa, sinasabi ko na nga ba, noong una kong makita ang babaing yon sa Palawan, kahawig siya ni Nikka dahil sa expressive eyes niya." ang namanghang si Girlie.
"Pero, mare si Ruthie ang ina ni Roxane at alam ko kung nasaan silang mag ina ngayon."
"Nasaan sila ma?" ang tanong agad ni Daniel na hindi man lang naitago ang excitement.
"Sa San Simon, dahil may Asyenda sila Ruthie doon." ang boses ni Susan na pipoyok na sana dahil ang batang itinataboy niya ay anak ng taong nag aruga at nagmahal sa anak niya. Napakalaki laki ng kasalanan niya.
Samantalang si Jovelyn ay papasok pa lamang, ng marinig niya ang kugar kung saan sila Roxane ay nagmadali itong tinawagan sina KJ upang maunahan si Daniel.
Hindi na lang siya pumasok sa kwarto ng matanda umuwi nalang siya at doon nalang niy hihintayin ang balita.
Samantalang ng araw ding iyon ay pauwi na sana sila ngunit nahumaling talaga sila sa ganda ng lugar kaya ipinagpaliban na muna nila ang pag uwi sa Maynila.
Habang namamasyal silang dalawa ni Lyn dahil nag paiwan na ang kanilang mga ina at masakit na daw ang tuhod sa kakagala, puntahan nalang daw nila ang mga nanay upang maturuan ng ibang pang livelihood.
Habang nagpapahinga sila sa ilalim ng punong mangga may dumating na binatilyo.
"Ate Roxane...! Ate Lyn...!" ang sigaw ng paparating.
"Ano yon John?" ang ng dalawang babae.
"Pinababalik na kayo sa bahay at may nahuling kga lalaki na gutong pumasok sa asyenda, hayon hinuli ng mga tauhan ninyo at ang sabi nila nanay Delia pauwiin daw kayo kaagad."
Agad silang sumampa sa kanilang mga kabayoat pinatakbo kaagad.
Pagdating s bahay ay nabutan nila nang maraming trabahor at may mga hawak na sibak, gulok, bolo, karet at iba pang gamit sa bukid. Pagkababa nila sa kabayo ay niyapos sila ng kanilang mga ina.
Nagulat pa si Roxane ng makilala ang isa sa mga lalaking andun si KJ at nagulat siya hindi pala ito bakla. At napag alaman niya na pinsan pala ito ni Jovelyn at magkasabwat ang dalawa at utos din ni Jovelyn na kidnapin siya. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit iyon gagawin lang dalaga dahil ba utos din ng matanda? Para lalong lumaki ang galit niya sa maglola.
Marami siyang katanungan na kailangang masagot kung bakit siya ipinadukot ni Jovelyn. Maya maya lang ay dumating na ang mgapulis pero nagtataka sila bakit may nakasunod na kotse at nagulat sila ni Lyn. Pero higit na nagulat si Ruthie kasi paano nakarating ang anak ni Susan.?
Samantalang si Roxane ay hindi malaman ang gagawin niya, natataranta ito na iwan. Siniko siya ni Lyn ng malakas bago bumalik sa tamang wesyo.
"Kumusta kana Roxane?" ang tanong ng binata.
"Kita mo na ngang may gulo rito! Nagtatanong ka pa!" tinatarayan niya ito upang takpan ang galak sa puso niya subalit hindi nakaligtas sa mapanuring mata ni Lyn.
"Plano ba ninyo ni Jovelyn na kidnapin ako? Ano ba ang kasalanan ko sa inyo para gulohin pa ako? Nanahimik na ako ni hinsi ko nga kayo nagawang sumbatan sa pang aapi niyo sa akin, tapos ngayon ito naman.?"
"Makinig ka Carla, wala akong intensyong masama saiyo at iyong atraso ko sayo makakapaghintay iyon pero ang lola mo hindi kaya kailangang sumama ka sa akin."
"Anong tawag mo sa akin Carla? At hinihintay kamo ako ng lola ko? Imposible!"
"Tama ang dinig mo ikaw si Carla Rossi anak ang anak nina Danika at Alejandro Rossi na matagal na nawala dahil kinidnap ka noong sanggol ka pa lamang. At kaw ang nag iisang taga pag mana ng mga Rossi."
"Hindi ko kailangan ang yaman nila! Kaya pwedi ba umalis kana hindi ko kilala ang sinasabi mong lola ko na naghahanap sa akin.!"
"Carl please..., nagmamakaawa ako sayo, kahit man lang sa huling pagkakataon, puntahan mo ang lola mo. Sabik na sabik na siyang mayakap ka, kaya pagbigyan mo na siya.. Kung kinakailangang lumuhod ako sa harapan mo gagawin ko, puntahan mo lang siya sa hospital."
Samantalang si Ruthie na nakikinig pala ay sumabat.
"Daniel, iyong Alejandro na sinasabi mo eh, iyong may ari ng Rossi's Modeling Agency?"
"Opo, siya po."
Napangang si Ruthie pagkat iyong taong tumolong sa kanya ay siyang ama ni Roxane.
"Roxane, anak kailangang lumiwas tayo ng Maynila upang punatahan ang lola mo."
"Pero nay, ang sama nila kung alam niyo lang po kung paano ako inapi at paanonila inapaakan ang pagkatao ko."
"Ganyan ba kita pinalaki anak, ang magtanim ng galit sa kapwa at gawin mo ito, para sa ama mo, napakabuti niyang tao, siya ang tumulong sa akin noong nanganagilangan ako, kaya isantabi mo muna ang galit sa dibdib mo okay?" at niyakap ang anak na walang tigil sa pag iyak.
At ng araw na iyon ay bumalik sila ng Maynila pagkatapos masampahan ng kaso sina KJ, kasama si Jovelyn dahil sa tangkang pagkidnap sa dalaga.
Habang lulan sila ng kotse ay hindi lubos maisip nila na si Roxane pala ay isang Rossi sikat na business tycoon sa bansa at maging sa Italy.
Wala silang kibuan, hanggang sa dumting sila ng Maynila at dumiretso na ng hospital.
Pagdating ng doon ay pumasok sila sa kwarto at naabutan nila si Jovelyn na tinatakpan ng unan ang mukha ng matanda mabuti nalang at napigikan nila ito at agad na dinala sa pulisya.
Tulog ang matanda dahil sa ginawa ni Jovelyn at hinihintay nila itong magising.
BINABASA MO ANG
ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)
RomanceSiya si Roxan Marco, lumaki siya na ang nakamulatan ay ang pagsisikap ng ina, upang maitaguyod siya sa araw-araw. Pero dumating ang araw na ang inakala nilang maayos na sila ay saka naman dumating ang sang pagsubok. Pero pipilitin nilang bumangon na...