Chapter 22

3.4K 95 0
                                    

Lahat ng gamit ng mga kasama sa mansion ay hinalungkat ang pinakahuling gamit ay ang kaya Roxane, at hinalungkat ito ng matanda at nagulat sila ng makita ng hikaw sa mismong mga gamit nito.

" Ano ito ha? Hindi ka lang pala malandi, magnanakaw pa!" sabay sampal.

"Hindi ko po kinuha yan, kahit po mahirap kami hindi ako magnanakaw."

"Mangangatwiran ka pa kita na nga ang ebidinsya magkakaila ka pa!? Itinuring kitang kapatid, kahit ayaw ni lola ay pinaglaban kita! Iyon pala nanakawan mo pa ako!" sabay sampal sa kay Roxane.

Si Lyn, ay walang magagawa, pati kasi siya ay pinagalitan din ito at dinuro pa ng matanda.

"Tumawag kayo ng pulis, para maikulong itong dalawang magnanakaw!"

"Senyora, wala akong kasalanan, kami ni ate Lyn hindi ko po kinuha ang hikaw na iyan. Nagmamakaawa po ako wala po akong kasalanan."

"Kilala ko po si Roxane, hindi po siya magnanakaw." ang pagtatanggol ni Lyn sa kaibigan.

"Ganyang talaga ang mga magnanakaw ang galing magpaawa."

"Tama kayo lola, kaya kung pwedi palayasin nalang sila dito at may pinagsamahan naman kami kaya, patatawarin ko nalang sila pero, kailangang umalis na sila."

"Sige, hija ikaw ang bahala pero sila umalis kailangang makita ko una ang mga gamit nila. Tao ko kayong tinanggap sa pamamahay ko, kaya dapat mahiya naman kayong gumawa ng masama."

"Tama na po iyan lola tutal nakita ko naman iong hikaw ko kaya ayos na po."

"Hala, sige ayusin niyo na ang mga gamit niyo at punta kayo sa kwarto ko at ako ang hahalungkat niyan."

Habang sinasamsam nila Lyn at Roxane ang gamit nila ay walang ibang ginawa ang dalawa kundi ang umiyak at si Lyn ay humihingi ng sorry sa kaibigan kung hindi niya dinala dun ay hindi ito mapagbintangan.

"Okay lang ako ate Lyn. Pero alam ng Diyos wala akong kinuha na hindi sa akin. Kaya taas noo ako nalalabas sa lugar na ito, at humanda silang lahat na nanakit sa akin, lalo na ang Daniel na iyon, isinusumpa ko magbabayad siya ng mahal at ang pagkakatagpo ng hikaw sa gamit ko alam kong sadyang

"Hoy! Kanina pa kayo, hinahanap ng donya!"

Lumababs sila habang bitbit ang kanilang gamit at tumuloy sila sa kwarto ng matanda at doon ay hinalungkat nila ang kanilang gamit at wala man lang nakita na ninakaw.

"Sige, pwedi na kayong umalis at ayaw ko ng makita ang mga pagmumukha niyo, at kung magkasulubong tayo ay iiwas kayo."

Hindi na sila nagsalita pero ang galit sa loob ni Roxane ay lalong lumaki at sumumpa ito na hinding hindi niya mapapatawad ang mga ito.

Taas noo silang lumabas ng village pero bago sila tuloyang lumabas ay, pinagsalitaan niya si Jovelyn.

"Ano? Masaya ka na ngayon kasi, nagtagumpay ka na? Pero ito ang tandaan mo, makakarma ka rin sampo ng pamilya mo at kapag dumating ang araw na iyon, ikaw naman ang palalayasin ko.!"

Hindi man lang nakahuma si Jovelyn ng marinig niya angmga sinabi ni Roxane.

Tumuloy sina Lyn, sa bahay nila at napagkasunduan nila na h'wag ng ipaalam sa ina ang tunay na nangyari.

"Nanay, nandito na po ako!"

"Anak... Salamat naman at ayos ka lang, tatawagan na sana kita, kasi kahapon pa ako kinakabahan at ikaw ang naiisip ko."

"Mabuti naman ako nanay at h'wag mo na akong alalahanin at andito na ako, dahil tapos na ang kontrata namin. Na mis po kita nanay." at niyakap ang ina.

"Sus.. Ang batang ito, ano anak sasama ka ba sa shop?"

"Bukas nalang po ako pupunta nay, magpapahinga lang muna ako." ang matamlay nitong sagot sa ina.

Naiwan si Roxane sa bahay at nagpapahinga pero sadyang hindi mawala sa isip niya ang mga masasamang nangyari sa kanya sa tahanan ng mga Rossi.

Naalaala niya ang mga masaaya, pero sumusuot parin sa isip niya ang mga natanggap niyang pang aalipusta mula sa matanda at ang pang iiwan sa knya ni Daniel.

Gagawin niya ang lahat upang makalimot siya pero hinding hindi niya sila mapapatawad.

ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon