Chapter 4

4.5K 126 0
                                    

Pagkatapos ng madaliang binyagan ay nagtuloy sila sa mall upang mag celebrate.
Namili na rin ng gamit ng baby at nag grocery na rin.

Habang kumakain sila ay napag usapan nila kung ano ang plano.

"Ruthie, ano ang plano mo ngayon?"

"Iyon nga din ang iniisip ko po ngayon?"

"Ano babalik ka ba sa pag mo modelo?"

"Ayaw ko na mamita, maghanap na lang ako ng ibang trabaho. May natapos din naman ako."

"Kung ganon Ruthie, sige magtulongan na tayo, ako ang ipagpatuloy ko ang pagtuturo ko at paaalagaan natin si Roxan sa anak ni aling Delia, iyong anak ng kapit-bahay."

"Sige, mamita tutal may ipon pa naman ako, habang maliit pa si baby."

Pagkatapos nilang kumain ay naglibot sila ng may ilang oras din bago umuwi.

Pagdating sa bahay nila ay nagulat sila dahil maraming tao sa daan at may mga trak ng bombero at ambulansya. Pinara nila ang taxi at agad na bumaba.

"Mabuti naman at dumating na kayo! ang bahay mo Lucio nasusunog!"

Sukat sa narinig ay nahimatay si Lucio at agad na dinala sa hospital, at sumama si Fia at ang baby. Pagdating ng hospital.

"Misis, hindi mo pweding ipasok sa loob ang baby, baka mahawa pa iyan ng mga sakit." ang babala ng attendant ng hospital.

"Pero kuya ang kaibigan ko, kailangan niya ako." hindi na niya pinansin ang pagtawag ng misis sa kanya.
"Sige, akin na muna ang baby tutal dito lang naman ako."

"Sige po, salamat." binigay niya si Roxan sa dalaga.

"Dok, kumusta po ang kaibigan ko."

"Pasensya na, ginawa na namin ang lahat pero, siya mismo ay sumuko na. Wala na ag kaibigan mo."

Nang marinig niya iyon ay nanlambot itong napaluhod sa sahig, mabuti nalang at nakahawak siya sa duktor.

"Miss, tumayo po kayo jan at nakaka abala kayo sa mga dumaraan."

Hindi niya ito pinansin bagkus ay sumalampak siya
lalo sa sahig at umiyak ng umiyak.

Magkatapos mahimasmasan ay, tumayo siya at pinuntahan ang kaibigan sa morge ng hospital. At inasikaso ito, tutal wala naman siyang alam na kamag-anak nito kaya pinalibing niya kaagad.

Pagkatapos mailibing ang kaibigan ay kinausap niya si aling Delia.

"Aling Delia pwedi po ba akong tumira diyan sa likod bahay niyo?"

"Walang problema Ruthie, tutal wala namang nakatira dyan sa kubo."

"Salamat po, at kapag may trabaho na ako ay magbabayad po ako."

"Huwag mo muna isipin ang mga bagay na iyan, basta sa ngayon ang isipin mo."

"Opo, aling Delia at maraming salamat ulit."

"Anak, pagpasensyahan mo na lang itong tinitirhan natin ha?" kinakausap ang bata na nakalapag ito sa sahig na nasapinan ng banig at karton sa ilalim.

Habang nahiga siya sa banig ay bumalik sa alaala niya ang panahon na nagtatrabaho, pa siya sa Italy, kung paano siya inalagaan ni mamita niya. Pero ngayon, ito siya nakahia sa banig, at hini alam kung paao harapin ang bukas, kasama ang anak.

At naalala din iya ang ama, hindi ba talaga siya naalala nito, siya na prinsesa mula pagkabata, ay ngayon nakatira sa isang kubo.

'Pero magsisikap ako, para sa amin ng anak ko, pasasan ba at maging maayos din kami.'

'Pero hindi talaga kita makakalimutan mamita."

May sakit pala sa puso ang mamita niya at malubha na ito at itinago sa kanya.

At ng malamang nasusunog ang bahay nito ay inatake at agad na namatay.

At natulog na siya para kinabukasan ay maghahanap ng trabaho.

ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon