Nabulahaw ang pagpapahinga ni Roxane, dahil sa sigaw ni Lyn sa labasa ng kanilang bahay.
" Ano kaba Ivanalyn! Ang ingay-ingay mo! "
" Paano ba naman, kanina pa ako katok ng katok ayaw mo akong pagbuksan! " ang natatawa nitong pangangatwiran.
"Tumuloy ka na at baka tapunan pa kita ng ihi."
"Sige, gawin mo anong akala mo ikaw lang ang marunong umihi?"
"Pasok ka n nga!"
"Alam mo ba, may bagong baker kayo?" ang bungad niya kaagad.
"Tapos? Ano ang koneksyon dun sa pagwawala mo sa labas? "
"Wala naman.." sabaya tawa ng nakakaasar.
"Ikaw talaga kahit kailan___"
"Anong kahit kailan? Ituloy mo."
"Kahit kailan andiyan ka upang pagaanin ang loob ko. Kaya mahal na mahal kita."
"Sus.. Nambola ka pa.." abay yakap sa kaibigan habang lumuluha. At nagkaiyakan pa talaga.
Lahat ng naipon na sama ng loob ni Roxane ang kanyang pagkabigo sa pag ibig ay iniyak niya lahat sa balikat ng kaibigan, wala ng usapan umiyak lang siya ng umiyak at maging si Lyn ay itinuloy rin ang pag iyaka at iwan kung ano ang nasa isip nila at gumulong gulong sila habang umiiyak, meron din patalon talon, pasayaw sayaw, lahat ng hinanakit ay inilabas nila at umabot sila ng halos tatlong oras. Pag katapos ng mga pinag gagawa nila ay parang nabunutan sila ng tinik sa dibdib ang mga mabigat na dalahin ay gumaan at nangako si Lyn na tutulongan niya ang kaibigan na makalimot sa pait na naranasan nito mula sa taong unang pinagkatiwalaan ng kanyang puso at sa mga taong nang hamak at nang api sa kanya at gagawin nila itong tuntungan upang mag sikap at lamaban sa buhay. "Malay natin sis, biglang bumaliktad ang ikot ng mundo." ang pabirong sabi ni Lyn.
" Tama at kapag dumating ang araw na iyon ako naman ang tatawa."
"Kaya, sa ngayon maghanda na muna tayo ng hapunan at baka pauwi na iyong mga mababait nating nanay."
Tulong -tulong silang naghanda ng hapunan at marami silang inihanda upang ipagdiwang ang simula ng pagbangon ni Roxane.
--------
Lumipas ang isang taon ay naging maayos ang hanap-buhay nila Roxane at sa igsi ng panahon ay na iyon ay malaki ang pinagbago ng personalidad niya naging kilala siyang baker, at naging talk of the town ang "THE CAKE HOUSE "At si Lyn at Roxane ay magkatuwang sa pagpapalago ng cake house.
Samanatalang sa mansion ng mga Rossi ay naging abala ang lahat dahil sa pagbabalik ni Daniel kasama ang asawa na si Maricel at ang 2months old baby girl.
"Welcome back anak.. Wow! ang apo ko ang cute naman."
"Hello..! Tito, ate Maricel. Ito na ba si Chanda... Ang cute naman. Pwedi ko ba siyang kargahin? "
"Sige... Pero ingatan mo ha?"
"Opo, naman tito." pero ng hawak na ang bata ay gusto na niya itong sakalin.
"Mama, kumusta naman po kayo?"
"Mabuti naman anak, pero may sasabihin sayo."
"Ano po iyon ma?"
"Noong nakaraan buwan may pumunta ditong babae at siya daw ang iyong ina."
"Po? Si mama Susan pumunta rito?"
"Oo, anak at ngkausap na kami at sinabi niya lahat lahat sa akin kung anong nangyari at hindi at naniwala ako sa kanya. Pero anak sana h'wag mo akong iiwan ha, kayo nalang ni Jovelyn ang pamilya ko."
"Mama, alam niyo naman, matagal kong hinintay ang pagkakataong ito na makita ang aking ina, at ngayong may pamilya na ako, lalo ko siyang gustong makilala para maging buo na ang aking pagkatao. Kaya sana h'wag niyo po akong pigilan na makasama siya."
"Hindi kita pipigilan anak basta pakiusap ko lang saiyo h'wag mo kong iwanan." at umiyak na ang matanda.
"Hon, andito na sila mama."
"Hindi alam ni Daniel kung paano harapin ang ina na nag abandona sa kanya. Pero ng makita niya ito, agad na tumulo ang kanyang luha at niyapos ang ina at hinalikan siya sa buong mukha at lahat ng nakasaksi ay naiyak maliban kina Jovelyn at Dony Josie na halata ang panibugho.
"Anak... Patawarin mo ako, binalikan ko kayo pero hindi ko na kayo naabutan, at ang ninang Girlie mo ay nasa America na rin kaya, nagtanong tanong ao pero walang may alam. Kumuha na ako ng private investigator pero wala silang nakuhang balita saiyo."
"Mabuti nalang at bumalik ako sa tirahan ng ninang mo at nagkita kami at nalaman kong inampon ka ni Mrs. Josie Rossi at nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi ka niya pinapabayaan at binigyan ka niya ng pangalan at lalo na kay Nikka, kasi hindi ka niya pinabayaan at pinalaki ka niya."
"Mama Susan, hindi na po kita tatanungin ang mahalaga ay nakilala na kita."
Nagkausap sila at napagkasunduan na dapat ibaon na sa limot ang lahat at magsimula ng panibago.
Sa mansion parin tumira sila Daniel at pinagpatuloy niya ang pamamahala sa mga negosyo ng matanda.
Isang araw habang naglalakad si Daniel sa mall ay may makabanggaan siyang babae.
BINABASA MO ANG
ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)
Lãng mạnSiya si Roxan Marco, lumaki siya na ang nakamulatan ay ang pagsisikap ng ina, upang maitaguyod siya sa araw-araw. Pero dumating ang araw na ang inakala nilang maayos na sila ay saka naman dumating ang sang pagsubok. Pero pipilitin nilang bumangon na...