Chapter 1

10.1K 170 0
                                    

Katatapos lang ng isang Fashion show na ginanap sa isang sikat na fashion house sa Italy. Maraming nagagandahang modelo na rumampa sa entablado subalit namumukod tangi si Ruthie Marco. Fia Ruth Marco ang tunay na pangalan.

Siya lamang ang tanging asyano sa event na iyon at magtatapos narin ang kanyang kontrata kaya ginalingan niya.

Ruthie Marco is every inch a lady.
Kayganda nito sa suot na bestidang simple lang ang yari. Pero dahil bagsak ang tela niyon ay humakab sa magandang hubog ng katawan ng dalaga na sa bawat hakbang nito sa runway.

At pagkatapo ng pagrampa niya ay pinalakpakan siya.

"Congratulation Ruthie! Ikaw ulit ang finale." ang puri ng kanyang manager na hindi magkandaugaga a mga dalang bulaklak mula sa mg tagahanga ng dalaga.

"It's all because of you." ang sagot ng dalaga.

"No... No... Dahil sa ating dalawa, at dahil hindi mo pinasasakit ang ulo ko kaya, always paganda ang kinalalabasan ng lahat."

"Kaya nga po you deserve a hug."

"Sige tama na iyan at maaga pa ang flight natin bukas, alam ko excited ka ng umuwi sa wakas mapapatunayan mo na kaya mong maabot ang pangarap mo kahit wala ang impluwensya ng iyong ama."

"Tama kayo mamita."

Masaya nilang nilisan ang bulwagang iyon.

Habang lulan sila ng eroplano pabalij ng Pilipinas ay naalala nila ang kanilang pinagdaanan bago nila narating ang estado ni Ruthie bilang sikat na modelo.

"Parang kailan lang, naglalakad tayo at pinapasok ang mga agency upang mag VTR pero laging sawi."

"Oo, nga Ruthie, naalala mo ba iyong time na halos pagmomodelo ng diyaryo pinasok natin? Grabe talaga iyon. Pero ngayon ikaw na ang hinahabol nila."

"Tama...! Kaya ang laki talaga ang pasasalamat ko kay Alejandro, dahil nagtiwala siya sa kakayahan ko."

"Speaking of Alejandro, tumawag siya kanina bago tayo umalis, na sa Pilipinas na daw tayo magkita-kita.

"Kung ganon mamita sinundan niya talaga iyong nobya niyang socialite."

"Akala ko ba nagkamabutihan na kayong dalawa?"

"Kapatid lang ang turing niya sa akin, maging ako man ay ganon din sa kany."

------------------------------

Pagdating sa NAIA ay pagod na binitbit nila ang kanilang bagahe at sabay na lumabas ng paliparan.

"Paano mamita, mauuna na ako sa iyo at malayo pa ang uuwian ko."

"Sa bahay ka nalang kaya matutulog ngayong gabi, at bukas kana umuwi sa inyo?"

"Salamat nalang mamita, pero kailangan kong makauwi kasi sabi na akong ipakita kay papa na nagtagumpay ako."

"Sige kung atat ka na talagang umuwi, hala! Lakd na."

Nagbeso-beso na ang magkaibigan na kanya ding manager. Yan din kasi ang nagustuhan niya kay Lucio kahit bading ito ay hindi malandi.

'Mabuting nalang at hindi masyadong matrapik.'

Kahit gabi na ay umuwi pa rin siya ng San Simon, para makita ang ama, malamang maraming kwento iyon tungkol sa kuya niya.

Umalis na kasi ang kuya niya sa kanila, dahil hindi rin makasundo ang ama.

'Talagang ganon talaga siguro si papa, masyadong mahigpit.

Gusto din niya na magka-ayos na silang mag-ama, dahil binigyanSiya ng dalawang taon ng ama na pwedi niyang aundin kung ano ang nais, at pagkatapos ng taning na iyon ay kailangang masunod na ang kanilang kasunduan. Nakatakdang siya ang hahalili sa ama na bilang taga pamahala sa kanilang mga negosyo.

Ngayon na natupad niya na ang kanyang mga pangarap ay masaya siyang uuwi sa kanilang tahanan.

Pagdating sa bus terminal ay nauna na siyang bumaba at nag abang ng trisikel, papasok sa kanilang asyenda, hindi siya nagpasabi na at walang nakakaalam kahit ang kuya niya na uuwi na siya.

Habang bumiyabyahe sila lulan ng trisikel ay nilanghap niya ang sariwang hangin, na dumadampi sa kanyang mukha.

Ito ang lugar na kinalakihan niya, subalit sinunod niya ang kagustuhan na maranasan ang mabuhay sa sarili niyang pagsisikap at maabot ang kanyang pangarap.

"Para kuya! Para po!"

"Bakit ineng andito na ba tayo?" ang nagulat na driver, naguluhan kung bakit dito pa sila huminto sa tapat ng tambakan ng basura ng mga taga San Simon.

"Wala po ba kayong naririnig na umiiyak na sanggol?"

"Wala naman ineng." ang sagot sa kanya na tila nayayamot pa. Pero bigla itong napatalon sa kanyang trisikel ng biglang umalingangaw ang ang iyak ng sanggol na mula sa tambakan ng basura.

"Di ba po iyak iyon ng baby?"

"Bata ineng at bagong silang ito, pero wala na ang kanyang pusod, saka malinis na ito."

"Akin na po at baka nilalamig na siya."

"Sino ba naman kasing walang pusong ina ang nagtapon ng sanggo niya. Dito pa sa basurahan, mabuti nalang at walang aso napadpad dito." ang mahabang litanya ng driver.

"Buti nalang po."

"Paano iyan, marami na akong pinapalamon sa amin, kung idagdag ko iyan ay malamang kahit asin wala akong pambili."

"Ako po ang mag-aalaga sa kaya at palalakihin ko siyang ako ang kanyang ina."

"May mga tao talaga sarili lang ang iniisip, pagkatapos magpasarap, ito ang anak itinatapon sa basurahan. Ang dapat sa mga magulang nito, sinisunog na buhay!" ang mahabang litanya ng driver.

Samantala si Ruthie ay kinakabahan kung paano harapin ang ama, dahil sa bata na napulot niya.

Pagdating sa bahay-asyenda.

"Fia! Ikaw na ba 'yan?"

"Opo yaya!"

Nagyakapan silang magyaya, nagulat sila ng biglang umiyak ang sanggol.

"May anak kana?"

"Hindi ko po ito anak yaya, napulot ko lang ito sa tambakan ng basura ng mga taga San Simon."

"At sino ang niloloko mo!?"

"Papa..."

ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon