Chapter 17

3.5K 89 0
                                    

Masaya silang nagtampisaw sa dagat, hapon non nag aya ang matanda na mag swimming sila. Nahuli si Roxane kasi ayaw niyang mag two piece. Pero dahil nakakahiya naman sa matanda kaya sinuot na rin niya.

"Hijo, pwedi bang sunduinmo si Roxane ang tagal kasi wala akong makakasama dito, par naman mag enjoy kayo, na hindi ako inaalala."

"Sige po ma." ang sagot ng binata.

"Ang bagal kasi at ang arte! Kailangan pang sunduin!" ang hirit ni Jovelyn.

Habang si Daniel ay papuntang cottage ay si Roxane naman ay palabas na na rin, nakatapis ang tuwalya, kasi na asiwa siya na may makakita sa kanyang katawan kahit sabihin nating, halos lahat ng tao doon ay kulang nalang ay nakahubad, private beach resort din naman 'yon.

Palabas na si Roxane ng 'di niya napansin si Daniel kaya ngkauntugan sila at nalaglag ang tapis niyang tuwalya.

Nanlaki ang mga mata ng binata ng makita niya ang katawan ng dalaga, na parang hinubog na gitara. Perpekto ang pagkagawa ang dibdib na hindi naman ganoon ka laki pero, napakaganda nitong tinggnan, ang impis na tiyan, ang balakang. Napatulala silang dalawa dahil naka trunks lang din ang binata, at para din itong gods na umahon sa tubig upang sunduin ang kanyang diyosa.

Pareho na silang na heptonismo, at parang may nag udyok sa kanila upang titigan at kabisaduhin ang bawat parte ng kanilang katawan, parang iglap ay naglapat ang kanilang mga labi, at parang mga uhaw sa isa't isa, kanya kanyang haplos sa bawat katawan.

Hindi nakapag isip pa si Roxane kahit bago sa kanyang pakiramdam ang mga sensasyong ibinibigay at ipinadama sa knya ng binata ay wala siyang kahit kunting pagtutol kahit ng buhatin siya ng binata sa papasok sa kwarto nito.

Ipagpatuloy na sana nila ang kanilang nasimulang ritwal ng pag ibig, subalit bigla nilang narinig ang sigaw ni Jovelyn sa labas ng cottage na ikina gulantang ni Roxane dahil bumalik na sa wesyo ang kanyang isip, agad niyang itinulak ang binata at lumabas habang inaayos ang buhok na gusot at ang tapis.

"Ang tagal niyo naman kanina naghihintay si lola!"

"Pasensya na Senyorita inaayos ko pa kasi ang ibang gamit mo, kaya medyo natagalan ako." ang paliwanag niya habang nakayuko.

"Jovelyn bakit mo iniwan si lola?"

"Pinasusundo na po kayo!" halata ang inis sa boses ng dalaga lalo pa't may naaamoy ito na milagro.

Si Roxane ay hindi malaman ang gagawin, at nahalata ito ng binata kaya ito na ang nagsalita.

"Kung ganon, hala! Tayo na baka maiinip si mama."

Habang patungo sila ng beach ay wala silang kibuan.

Samantalang si Jovelyn ay natutuwa sapagkat mukhang hindi na siya mahihirapang idispatsa si Maricel, dahil kay Roxane at kailangang malinis ang mga plano niya. Kaya pagdating sa dagat ay sinimulan na niya ang kanyang mga plano.

Hindi na siya lumayao sa kanyang lola upang magkaroon ng space sila Daniel at Roxane, unti-unting lumalayo sila sa dalawa at hindi naman ito napansin ng dalawa dahil abala ang mga isip nila sa mga naganap. Na muntikan ng may mangyari.

"Patawarin mo ako Roxan kung naging pangahas ako, hindi ko kasi napigilan ang aking sarili ng makita ko ang iyong angking kagandahan." habang sinasabi iyon ng binata ay hindi naman makatingin ng direcho ang dalaga dito.

Dahil siyang baka ipagkanulo ulit siya ng kanyang damdamin.

"O-Okay lang yon, pareho lang tayong nabigla." ang nanginginig na boses ng dalaga hindi malaman kung dahil sa ginaw o dahil halos magkadikit na naman sila ng binata.

Nauna pa sila Roxan na umahon kaysa matanda at naghanda sila ng pagkain.

Habang inaayos nila ang kanilang hapunan ay hindi nagulat si Roxane ng abutan siya ni Daniel ng bulaklak at kahit nahihiya siya ay tinanggap niya ito.

Si Jovelyn bagaman nasasaktan ay tuwang tuwa dahil malapit na siyang magtagumpay.

Pagkatapos nilang kumain ay, pumasok na sila at nagsipaghanda na para sa pagtulog. Si Jovelyn ay masayang humiga sa kama habang tumatakbo sa isip niya ang mga dapat niyang gawing hakbang. Si Daniel ay hindi mawala wala sa isio niya ang kagandahan ni Roxane at na gi guilty siya kasi dahil sa halik ni Roxan
inosente at alam niyang siya ang unang halik ng dalaga at hindi niya maintindihan ang sarili bakit iba ang epikto nito sa kanya.

Pakiramdam niya para siyang sinisilaban kapag naalala niyang siya ang first kiss ng dalaga. Hanggag sa makatulog na lang siya na kahit isang segundo ay hindi sumagi sa isip niya ang kasintahan at nakapagtataka yon.

Samantalang si Roxane din ay hindi lubos maisip ang nangyaring halikan nila kanina na muntikan ng maiwala ang kanyng pagkababae at nagtataka siya bakit parang hinahanap niya ang init ng katawan ng binata ang mga haplos nito. Iyon lang ang nasa isip ng dalaga parang sine itong nagpi-play sa utak niya.

Pero hindi tama dahil may kasintahan na ito na mayaman pa, samantalang siya ay napulot lang sa basurahan kaya ano ang laban niya sa kasintahan ng binata at magugustuhan ba naman siya ng senyora, e, sa halos limang buwan niyang panilbihan sa mga Rossi ay masasabi niyang mata-pobre din ang matanda.

At ayaw niyang masaktan kaya iiwasan nalang niya ang binata.
Tutal kulang kulang apat na buwan nalang at bakasyon na kaya titiisin niya na lang.

ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon