Chapter 20

3.5K 91 0
                                    

Pagkatapos nilang magligpit ay inaya naman siya ng lalaki sa garden at magpahangin daw muna sila at magpatunaw ng kanilang kinain.

"Kumusta ka na, parang napansin ko mula ng umuwi tayo galing Palawan pakiramdam ko iniiwasan mo ako?"

"Hindi naman sa ganon busy lang sa pag aaral ni Jovelyn, alam mo naman kung gaano siya kahirap sabayan sa kanyang mga mood swing."

"Kunsabagay... , teka, h'wag na nga natin siyang pag usapan, ikaw wala ka bang planong mag aral ulit?"

"Gusto seyempre, pero sa ngayon mag-ipon muna ako para may pambayad sa school."

"Mabuti naman, may tanong ako."

'Oh! My God baka ligawan niya ako.' ang nasa isip ng dalaga at kinabahan siya.

"May boyfriend ka na ba? Pasensya na ha hindi ko talaga kasi mapigilan ang sarili ko."

"Wala po sir Daniel pero may nanligaw naman kahit papaano." sabay tawa.

"Sa ganda mong 'yan?" pero sa loob loob ng binata ay 'napakaswerte ko naman tama talaga ang hula ko nung halikan ko siya ay hindi siya marunong.'

"Sir, pwedi na po bang pumasok, ina-antok na po kasi ako." pero sa totoo lang hindi naman siya ina antok pa, naaasiwa lang sa pagkidit ng kanilang balat at gusto niya iyon, pero habang nakapagpigil pa siya ay iiwas siya dahil may kasintahan na ito.

"Sige kung iyan ang gusto mo, halika sabay na tayo." hawak kamay silang pumasok.

Habang sila lang dalawa ang naiwan ay naging malapit sila at pakiramdam ni Roxan ay nahulog na ang kanyang loob sa binata at pakiramdam niya ay maging ito man. Dahil sa ipinakita nitong pag aalaga sa kanya.

Halo pagka galing sa opisina ay direcho na siya ng uwi, at nakalimutan na niya halos ang kasintahan at mabuti nalang at busy din ito sa modeling career nito.

Hanggang isang gabi, galing sa isang party ang binata ay umuwi itong lasing, doon niy sinabi sa dalaga na mahal niya ito at handa nitong iwan ang kasintahan para sa kanya. Naniala naman ang dalaga at ng gabing iyon ay magkasintahan na sila.

Sinulit nila ang araw na silang dalawa lang sa mansion, paa silang bagong kasal at lalong lumalim ang damdamin ng dalaga para sa binata dahil iginalang siya nito, hindi ito lumalagpas sa kanilang limitasyon, at kapag umiinit na ang eksina ay ito na ang kusang titigil.

Sa araw-araw na magkasama sila ay makikita mo ang pagmamahalan at kapag nanunuod sila ng sine, kumakain sa labas, namamasyal ay nililingon sila ng mga tao dahil larawan sila ng isang masayang relasyon.

"Masaya ka ba hon?" ang tanong ng binata.

"Sobra, kaya nga natatakot ako sa maaaring kapalit nito."

"Huwag kang mag alala ako ang bahala sa lahat basta intindihinmo muna ako, kasi malamang magagalit si mama at lalong lalo na si ninang Girlie, kaya sa ngayon kuntento na muna tayo sa ganito, okay?"

"Sinabi mo e, halika ka na at kakain na tayo at bukas ay balik na naman tayo sa reality."

"Kaya nga susulitin natin habang wala pa sila." at papilyo nitong pinisil ang puwitan ng dalaga na ikina iktad nito at naghabulan sila hanngang napagod sila at itinuloy ang hapunan.

Kinabukasan ay maagang nagising ang dalaga nagulat siya sa kanyang nasaksihan si Daniel at Maricel ay natutulog sa sofa na parehong hubad at magkayakap, gusto na sana niyang sugurin ang dalawa pero ano ang isasagot niya, kapag tinanong siya ng dalaga? Kaya bumalik nalang siya sa kanyang quarters at doon umiyak ng todo, hindi pa nga talaga opisyal ang kanilang relasyon pero ito, lumabas na ang mga pagsubok, pero kakayanin niya dahil may tiwala iya sa binata at alam niyang mahal siya nito.

Pinilit na lamang niyang ignorahin ang sakit na kanyang nararamdaman. Tutal pinasok niya ang kasunduan nila ng binata kaya panindigan niya ito.

"Roxan pwedi ipagtimpla mo kami ng kape ni ma'am Maricel mo?" ang bungad sa kanya ng binata sa kusena.

"Pakidala dalang sa kwarto ko, kasi ngsa shower pa siya."

'Bakit ganon parang ang tabang ng pakikitungo nito sa kaya.' ang tanong dalaga sa isio niya pero kinunsula lamang niya ang sarili baka ayawa lang nitong mahala ng iba na may relasyon na sila.

Tanghali ng magsidatingan ang mga katulong mula sa kanilang bakasyon.
Maging si Lyn ay dumating din at hindi nakaiwas si Roxane sa matalas na pang amoy ng kaibigan. Agad siyang tinanong nito.

"Roxane, magtapat ka sa akin, may nangyari ba nung wala ako dito?"

"Bakit mo naman natanong 'yan?"

"H'wag ka ng magkaila, kilala kita ako pa nga ang taga palit ng diaper mo kaya alam ko kung masaya o malungkot ka at ngayon, masaya ka pero may inaalala ka."

"Kami na ni Daniel pero natatakot ako baka magagalit ang donya sa akin."

"Ano ba nag sabi niya sayo?"

"Maghintay lang daw ako, at hindi naman daw dapat madaliin ang lahat at natatakot ako, lalo pa at nayaman sila at ako ay napulot lang sa basurahan."

"H'wag na h'wag mong sasabihin 'yan, mahal na mahal ka namin lalong lalo na ang ate Ruthie kaya iwasan mo ang mag isip ng ganoon ha? Siya ito pinabigay ng nanay mo."

"Salamat, wow..! Mukhang masarap 'to ah!?"

"Naman! Sige, magpahinga ka na muna riyan at ako'y magliligpit lang ng gamit ko."

Dumating ang maglola at nagsimula na ang hindi niya maipaliwanag na kaba.

ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon