Hindi na namalayan ni Roxane na nakatulog na pala siya at nagising siya dahil sa tapik sa kanyang pisngi.
"Roxane... Wake-up."
Naalimpungatan pa ang dalaga dahil sa mahinak tapik sa pisngi niya na nakasiksik sa dibdib ng binata, at dahil bagong gising ay wala pa siya sa tamang wesyo ay ninamnam niya muna, pero ng mahimasmasan na at ng makita niyang nakatayo sa harap nila si Jovelyn, na ang talim ng tingin sa kanya, napabigla siyang tayo na muntik na niyang ikatumba mabuti na lang at nasalo siya ng binata, at nagkatitigan sila, at pipikit na sana si Roxane upang tanggapin ang halik ng binata pero, nagulat siya sa ibinulong sa kanya.
"Mamaya na lang kita hahalikan."
Dahil sa narinig ay tuloyan ng natauhan ang dalaga at nag ayos na ito, at sinulyapan lang niya ang binata na naksunod sa kanya pababa ng eroplano.
"Ang landi mo talaga." ang may diing sabi ni Jovelyn sa kanya.
Dahil sa hang over sa pagkakasandal niya sa dibdib ng binata at muntikang halikanay hindi na lamang niya pinatulan ang dalaga sa halip sinuklian na lamang niya ito ng isang napakatamis na ngiti, na siyang lalong ikina irita ng dalagang amo.
"Bilisan mo na nga ang bagal bagal mo!" ang bulyaw ng pa nito sa kanya.
Samantalang si Daniel ay busy din sa pakikipag-usap sa kasintahan sa telepono.
"Honey, nasaan ka na ba? Di ba ang sabi mo susunod ka?" ang medyo nairitang binata a kausap.
"Sana susunod ako pero, may pictorial pa ako, pero sige tutal 3 days pa naman kayo riyan kaya pilitin kong makahabol, okay?" ang paliwanag ng kasintahan sa kabilang linya.
"Okay... May magagawa pa ba ako?" ang matamlay na tanong ng binata.
"Sige na hon, at tinatawag na ako, bye... love you." at binaba na ang phone.
Nagtuloy na ang binata sa cottage nila, hindi na sila nag hotel para mas ramdam nila ang dagat.
Habang nagpapahinga ang binata ay biglang pumasok sa isip niya si Roxane.
'Ang niya pala, kahit simple lang at ang katawan parang guitara, ang labi na mapula kahit walang bahid ng lipstick.
At ang kanyang mga mata, na parang kinakausap ako..' biglang napaupo ang binata sa kama ng maalala na parang nakita na niya ang mga matang iyon, na kapag tumitig ay tagos sa puso na parang nagsasabing andito lang ako.... Kanino ko ba nakita ang mga ganong pares na mga mata.? Ang tanong niya sa sarili.
Sumakit na ang ulo ng binata sa kakaisip pero talagang, ayaw pumasok sa utak niya. Hanggang sa nakatulogan na lamang niya.
"Ate, bakit po tayo aalis dito sa bahay? " ang tanong limang taong batang lalaki sa kinikilalang kapatid.
"Hindi na kasi tayo nakabayad sa may ari, kaya kailangang lisanin na natin itong lugar na ito. Bakit ayaw mo bang umalis dito?
"Opo... Baka bumalik si mommy at hanapin tayo, at hindi niya tayo makita."
"Daniel, kung hahanapin niya talaga tayo dapat noon pa, at sana hindi tayo nagtitiis dito.
"Ganon ba 'yon ate?"
"Oo... Kaya ayusin mo na ang importante mong gamit at aalis na tayo bukas ng umaga."
"Doon po ba sa pupuntahan natin may mga magiging kaibigan din ako?"
"Oo... Naman!"
"Ate, saan po tayo titira?""Doon sa ninang mo, kaya magpakabait ka ha, kasi makikitira lang tayo sa kanya."
"Opo... Ate."
"Ano ba Daniel, humawak ka nga sa akin at baka masagasaan ka.?"
"Pasensiya na po."
"Siya halika na at tanghali na."
"Mare, mabuti at dumating na kayo, paalis na ako, kaya kayo nalang ang bahala dito sa bahay ha?"
"Walang problema, salamat at dito mo kami pinatira."
"Wala iyon, basta kung may problema tawagan niyo lang ako, at ikaw na bata magpakabait ka sa ate mo ha?"
"Opo... Ninang."
"Ate... Makita pa kaya natin ang mommy ko?"
"Hindi ko alam basta andito lang ako."
"Ate ano ang nangyari saiyo?"
"Hindi ako makahinga, ang gamot ko, pakikuha."
"Ito na po, inumin niyo na."
Nagising ang binata dahil sa katok sa pinto.
"Daniel...! Anak...! Ano nagyari sayo, buksan mo ang pinto."
"Ma? Ano po ang nangyari?"
"Ikaw ang tinatanong ko, ano ang nangyari sayo, bakit ka umuongol?"
"Wala ma, napanaginipan ko ulit si Ate..." angsagot ng binata ba maiiyak.
"Na mis mo na siya?"
"Opo... Pwedi kaya tayong magpa misa, para sa kanya?""Sige, mamaya punta tayong chapel diyan na lang muna."
"Salamat ma..."
"Sige., matulog ka na rin ulit at babalik na rin ako sa kwarto ko." nagpaalam na ang ina at pumasok na rin ang binata sa kwarto niya at nahiga na rin upang ituloy ang naputol na tulog.
BINABASA MO ANG
ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)
RomansaSiya si Roxan Marco, lumaki siya na ang nakamulatan ay ang pagsisikap ng ina, upang maitaguyod siya sa araw-araw. Pero dumating ang araw na ang inakala nilang maayos na sila ay saka naman dumating ang sang pagsubok. Pero pipilitin nilang bumangon na...