"Jovelyn, waa pa ba si Roxane?"
"Wala pa po. Pero kahit dumating man siya ay huli na ang lahat!"
Nagulat ang matanda sa sinasabi ng dalaga.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Simple lang. Hindi ka na niya maaabutan pang buhay. Tutal mawawala ka rin lang naman sa akin, kaya mabuti pang mawala ka rin sa kanya, para patas na kami!"
"Ano ba ang ginwa kong mali sayo? Pinalaki ktang maayos, binigay ko ang lahat na hindi ko naibigay kay Carla. Minahal kita bilang tunay na kadugo, sa kabila ng ginawa ng ina mo sa apo ko."
"Oo nga! Binigay niyo pero ngayon? Ano? Babawiin niyo para ibigay sa busabos na yon?! Hindi ako papayag!" sabay takip ng unan sa mukha ng matanda at nagkakawag ito. Mabuti nalang at dumating agad sina Daniel.
"Anong ginagawa mo Jovelyn? Papatayin mo ba si mama? Ipinapakidnap mo na nga si Carla tapos ngayon pinagtangkaan mong patayin si mama?"
Kahit nagulat si Jovelyn ay hindi ito natakot lalo lang nitong diniinan ang unan, mabuti nalang at napigilan n Daniel. Siyang dating mga guard at doktor agad na sinuri ang matanda at inatake ito dahil sa matagal nitong pagpigil hininga, nilipat ito s ICU upang maobserbahan kasi bawal dito ang atakihin ulit, dahil fatal na.
Dinala sa prisinto ng pulisya si Jovelyn upang imbistigahan at bago ito mailabas ng hospital ay nagbanta itong maghihiganti.
Nang makita ni Roxane na pinagtangkaang patayin ni Jovelyn ang matanda ay nakaramdam siya ng takot na baka hindi na niya mayakap ng buhay ang lola na ng api sa kanya, kahit anong pigil niya sa sarili na huwag maawa sa matanda ay bigo siya, hindi mawala sa isip niya ang mga mata ng lola niya na nakatingin at nakangiti pa ito bago mawalan ng malay.
Samantalang sa loob ng ICU ay nagtataka ang mga doktors kung bakit naging stable agad ang matanda at hindi nila alam, siguro dahil sa kagustuhan nito na mayakap ang apo na matagal na nawalay.
Pero nananatili pa itong tulog dahil sa epikto ng gamot na itinurok dito.
Sa himpilan ng pulisya ay parang baliw si Jovelyn na nagwawala ito. Dumating ang abogado na kinuha ng pulis at napiyansa agad at dinala sa hospital ang dalaga upang ipasuri ang.
At napag alaman na mayroon itong depression, kaya kinakailangang na i confine una ito.
Samantalang sa kinaroronan nila Roxane ay halos hindi na ito umaalis a labas ng ICU upang masilip ang lola niya at si Daniel ay hindi umaalis sa tabi niya.
Si Maricel narin ang nag sabi sa ina sa tunay na relasyon nila ng binata at naintindahan naman ito ng ina at napagkasunduan na bumalik na sa America ang mag ina, iiwan kina Susan at yaya Luring ang bahay nila Girlie at para walang hussle na ay ibininta na niya ito aa kaibigan.
Nagkasundo sila na kung gustong bumalik nina Girlie ay pwedi silang tumira doon. Hindi na sila nagpaalam pa kay Daniel at abala din ito sa pag aasikaso sa matanda katuwang si Roxane.
Halos isang linggong ding walang malay ang matanda at ng magising ito ay agad na hinanap si Roxane.
Dahil maayos naman na siya ay ibinalik na siya sa kanyang hospital room.
Kinakabahan si Roxane kung paano harapin ang matanda kung susumbatan ba niya ito, iparamdam na galit siya, samut saring emosyon ang namamahay sa puso niya ng tinawag siya ni Daniel dahil hinahanap daw siya ng lola niya."Huwag kang kabahan anak, basta hanapin mo sa puso mo ang pagpapatawad."
"Tama! Roxy, kaya huwag ng mag alinlangan pa. Okay? "
"Kinakabahan parin ako at ano ang sasabihin ko sa kanya?"
"Anak, hayaan mo na ang puso mo ang magpasya." sabay yakap sa anak.
Siya mismo ang nagtulak ng pinto, at ng nasa loob na siya ay pakiramdam niya ay nagtayuan ang kanyang mga balahibo, parang may yumakap sa kanya na malamig na hangin at kahit ganoon hindi iya nakaramdam ng takot, bagkus gusto niya ang pakiramdam na parang yakap ng ina.
Nakita niya ang matanda na naka upo na sa kama at bukas ang dalawang braso nito na bakas ang mga tusok ng mga aparato.
Hindi niya maitindihan ang dating emosyon na nagugulohan ngayon ay napalitan ito ng galak at pagkasabik. Hindi siya nag alinlangan agad niya ibinuka ang
niyakap ang matanda, ang dating hinanakit a napawi ito, dahil sa mainit na yakap at haplos ng kanyang lola, at pakiramdam niya niya hindi lang ang kanyang lola ang nakayakap sa kanya at masayan masaya ang ang kanyang puso.Hindi na sila nag uusap ng lola niya sapat na ang mainit na yakap at halik nila sa isat isa.
Ngunit sina Ruthie at mga kasama ay umiiyak sa nasaksihang eksina maging ang doktor at nurse.
Para magkaroon pa ng privacy ang maglola ay lumabas silang lahat.
"Apo, masayang masaya na ako dahil andito kana at natupad ko ang pangako ko sa papa Alejandro mo na hanapin kita."
"Ako din po..."
"Alam mo apo masaya na akong lilisan kasi nakita na kita, hindi na ako mahihiyang humarap sa mga magulang mo, sana maging masaya kayo ni Daniel at alam kong mahal na mahal niyo ang isat isa, kaya huwag kang mag alala naiayos ko na ang lahat. Ang hiling ko lang huwag mo akong kalimutan at ipakilala mo ako sa mga magiging anak at apo mo, iyan lang hiling ko."
"Lola, gusto ko pa po kayong makasama kaya magpagaling po kayo."
"Salamat sa pag alala apo. Pwedi ka bang tumabi sa akin apo, malaki naman itong kama, katulad noong baby ka pa, ayaw mong matulog kapag hindi mo ako katabi." ang naluluhang matanda.
"Sige..! para po mayakap kitang mabuti."
Magkayakap nga silang nahiga. Hinahaplos ng lola niya ang kanyang buhok, at nakulog siya. Ang sarap ng tulog niya at wala na siyang malay kung ano na ang nangyari sa paligid niya. Hanggang ginising siya ng ina.
"Roxane.., anak, gising na at.." hindi na natapos ni Ruthie ang sasabihin sa anak dahil pumiyok na ang boses nito.
Agad na bumangon si Roxane at iginala sa paligid ang kanyang paningin at nagulat siya bakit nasa couch na siya e, magkatabi sila ng lola niya sa kama at ng tumingin siya doon ay isang nakatakip ng puti na katawan ang andon.
Tiningnan nya ang bawat isa at tumigil ang tingin niya kay Daniel na nakayuko habag yumuyogyog ang baliat halatang pinipigilang huwag maiyak.
Pero sadyang doon nalang ang buhay ng lola niya at nagpasalamat siya at hindi
pa nahuli ang lahat kahit papaano ay nabanyan niya ang kanyang lola at nayakap ito.Hindi na nila pinatagal ang burol at inilibing agad ito.
Si Jovelyn ay tuloyan ng nabaliw at nakatakas ito sa hospital at sa mismong araw ng kasal nila Daniel at Roxane ay pumunta ito upang patayin si Roxane, pero naunahan ito ng pulis at napatay si Jovelyn.
Itinuloy nila ang kasiyahan na parang walang nangyari at sa reception.
"Masaya ka ba mahal ko?" ang lambing ni Daniel sa asawa.
"Oo naman, tama si lola inaayos na nga niya ang lahat, pinawalang bisa ang pag ampon sayo para hindi magkaproblema sa ating apilyedo."
Hindi pa nga sila tapos mag usap ay lumapit ang kanyang ina at nanay Delia.
"Ang saya saya ng anak ko.. Payakap nga." nag iyakan pa sila.
Sumabad si nanay Delia, ang aking si Lyn kailan kaya ikakasal.?"
"Ano iyon nay may sinasabi kayo?" ang biglang sulpot ni Silincer.
"Ano ka ba Homer 'Silincer' Nolasco! Bakit mo ako ginugulat!! Ang batang ito o!"
"Nanay naman, bago ikasal si Lyn, ako muna, ako kaya ang kuya."
Nagkatawanan sila. Napakasaya nila si Roxane o Carla, kahit ano ang itawag sa kanya basta may mga tao na tunay na nagmamahal sa kanya, kahit isa siyang 'ANAK SA BASURAHAN'.
WAKAS:
Sana na magustuhan niyo ang ending.
-TO GOD BE THE GLORY-
BINABASA MO ANG
ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)
Любовные романыSiya si Roxan Marco, lumaki siya na ang nakamulatan ay ang pagsisikap ng ina, upang maitaguyod siya sa araw-araw. Pero dumating ang araw na ang inakala nilang maayos na sila ay saka naman dumating ang sang pagsubok. Pero pipilitin nilang bumangon na...