Chapter 13

3.7K 102 2
                                    

"Huh!" nagulat si Fia ng mabitawan ang baso at nabasag ito.

'Bakit? Kaya ako kinakabahan at si papa ang pumasok sa isip ko. O, Diyos ko, ano ang dapat kong gawin.'

Agad nagbihis si Fia at puminta sa opisina ni Susan. 'Kailangang mkausap ko siya ngayon.' habang luan siya sa taxi ay hindi mawala wala ang kanyang kaba. Pagdating sa kanilang building sa Makati ay diri-direcho siyang pumasok at hindi naman siya pinigilan ng mga guards.

"Miss! Nariyan ba si Susan?"

"Wala po ma'am, nagmamadali iyon kanina ng may tunawag na taga hispital."

Dahil sa narinig na hospital ay lalo siyang inatake ng kaba.

"Saang hospital miss?"

"Sa Philippines Heart Center po ma'am." kahit nagtataka ang sekritarya ay sinabi nalang niya sa babae ang hospital. 'Sino kaya iyon' ang tanong nalang niya sa isip.

Nang marinig ni Fia ay agad siyang lumabas ng gusali at pumara ng taxi at abot-abot ang dasal niya, kasi may pakiramdam siya na ang ama ay nasa panganib na kasi alam niyang Pagdating ng hospital ay dumirecho na siya ng information desk.

"Excuse me, miss saan ang room ni Mr. Gregorio Marco?"

"Ma'am, nasa ICU pa xa. Puntahan niyo nalang po."

Pagkatapos maring ang sinabi ng nurse ay tinungo niya kaagad ang kinaroroonan ng ama. Malayo pa lang siya ay kita na niya si Susan at ang ina nito na kanyang dating yaya.

"Ano ang nangyari sa kanya at kumusta na siya?" ang tanong niya sa mag ina.

Luimingon si Susan at nagulat ito sa kanyang nakita si Fia, ang payat at tumanda ito, kung sino man ang kakilala nito na makakakita sa kanya ay malamang na hindi siya makikilala.

"Fia? Ikaw ba yan sis?" at agad niyakap ni Susan ang dating kaibigan at hindi rin nag atubili si Fia gumanti siya ng yakap at nagkaiyakan pa sila. Maging ang ina ni Susan ay umiiyak din. Nang mahimasmasan na sila ay saka sila nag usap.

"Kumusta kana sis, bakit ang payat mo at ang hitsura mo! Matanda ka pa ngang tingnan sa akin."

"Sa hirap ng buhay." at yumuko si Fia.

Agad na ginagap ng yaya niya ang kanyang kamay.

"Anak, patawarin mo ako kung hindi kita natulongang noong pinalayas ka ng iyong ama."

Hindi na si Fia, sumagot basta umiyak nalang siya sa kandungan ng kanyang yaya Luring, habang hinahaplos naman ni Susan ang kanyang likod.

"Tahan na sis, basta babawi kami sa iyo."

"Salamat sa inyo. Ano ba talaga ang nangyari kay papa?"

"Mula nang huli kang kumuntak sa kanya, lagi na siyang malungkutin, at lagi niyang tinatanong kung tumawag ka na ba daw? Hanggang nawalan na siya ng pag-asa na magkikita pa kayo, lalo pa at patay na rin ang kuya Jay mo." ang habang paliwanag ng matanda.

"Ano po? Patay na si kuya?"

"Oo sis, mga 10 taon na ang nakalipas, hinanap ka namin, iyong agency mo pinuntahan namin, pati iyong number na iniwan mo, pero hindi ka namin natagpuan."

"Nagkasakit din kasi ako sa baga at naoperahan kaya, hindi na rin ako tumawag pa, kasi ayaw ko ng maranasan ulit ang ipagtabuyan."

"Naintindihan kita anak, kaya ka pala nagmukhang matanda dahil sa hirap din ng pinagdaanan mo."

"Opo yaya, pero masay ako na ipinaglaban ko ang ang batang iyon, kasi napakabait niya, at masunurin." ang pagbibida niya sa anak.

Biglang nalungkot si Susan.

"Mabuti ka pa sis, kahit hindi mo siya tunay na anak, nakasama mo siya samantalang ako! Ito, nangungulila sa aking anak, hindi ko alan kung nasaan na sila ng kaibigan ko ngayon."

"Huwag mag alala may awa ang Diyos."

Naputol ang kanilang pagkukwentuhan ng lumabas ang doktor.

"Sino ang pamilya ng pasyente?"

"Kami po dok!"

"Kung ganoon hindi na ako magpaligoy ligoy pa, hindi na siya magtatagal, misming ang pasyente na ang aya lumaban, kaya wala na kaming magagawa pa. Sige may iba a akong pasyente."

"Lahat sila ay umiyak, peri mas higit na nasasaktan si Fia, kung kailan magkikita na silang mag ama ay saka naman ito, mawawala.

"Sino po si Ruthie?" ag tanong ng nurse.

"Ako ho si Ruthie."

"Hinahanap po kayo ng pasyente."

Agad na nagbihis si Fia ng damit at pumasok sa ER. At nanlumo siya sa kanyang nakita. Ang kanyang ama, ay napakapayat.

"Ruhtie, ikaw na ba iyan anak?"

Hindi na sumagot si Fia, niyakap na lang niya ang ama at umiyak siya.

"My princess, patawarin mo si papa ha, kung bakit ka naghihirap ngayon. Sana naniwala ako sa iyo my princess." at hinaplos niya ang ulo ni Fia na nakayokod sa kanya.

"Baby, huwag mo na akong iwan ha, isama mo ang anak mo sa bahay at oon na kayo mamumuhay, iniwanan ko sa iyo lahat ng ari-arian natin."

"Papa, hindi ko po iyon ang mahalaga, kayo po ang importante, lumaban po kayo para sa akin papa."

"Patawad anak pero, sinusundo na ako ng mama at kuya mo."

Lalong pumalahaw ng iyak si Fia ng marinig ang sinabi ng ama. Kung kailan napatawad na siya ng ama ay saka naman ito mawawala.

Hinawakan ang Don ang kamay ng anak, hanggang unti-unting lumuluwag ang kapit nito. "Mahal na mahal kita, at patawarin mo ako anak."

Niyakap ni Fia ang ama at huling pagkakataon ay ramdam niya ang pagmamahal ng ama.

Pumanaw ang kanyang ama at napagkasunduan nila na hindi na ito iburol ng matagal. Pinalibing nila kaagad ito. Hindi na nga pina alam ni Fia sa anak.

Pagkatapos mailibing ang ama, ay binsa ng abugado ang last will testament ng ama.

Nagulat siya sa nilalaman nito, kasi iba sa sinasabi ng ama binigyan lamang siya ng ama ng limang milyon at ang halos lahat ng ari-arian nila ay napunta sa mag inang Susan at hindi nalang siya nagtanong pa.

Pero may duda siya na may ginawa si Susan na hakbang upang mabago ang lahat, at aalamin niya ito.

Sa ngayon tulad ng unang niyang ginawa noon ang magpaubaya pero, sisiguraduhin niya na ibabalik ng mag ina ang bawat kusing na ninakaw sa kanya.

ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon