22

10.5K 427 16
                                    


This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story! I would really appreciate it.

☀️☀️☀️


I went out of the room as soon as I finished washing up. Namili na rin ako ng mas mahabang damit ni Alyanna para magamit ko. Mabuti na lang din at may nakita ako dahil malapit na akong magpaalam kay Cherinna at Airi.

Kanina ko pa rin iniisip habang naliligo kung ano nga ba ang sitwasyon namin ni Theon kung sakaling buhay ang anak ko... namin...

Pero hanggang doon lang naman ang magagawa ko dahil hindi naman magbabago ang katotohanan na wala na ang anak namin.

Hindi ko lang alam kung paano ko ba sasabihin iyon kay Theon... hindi ko alam kung paano kong sisimulan na sabihin sa kanya ang mga nangyari...

Pinagmamasdan ko ang paligid habang naglalakad ako. Maganda talaga ang pagkakagawa ng bahay at maging ang interior nito. Maswerte si Keij na si Tito Hunter at Tita Zyline ang mga magulang nito.

"Ma'am, nasa likod po si Sir," sabi sa akin ng isang kasambahay nang makasalubong ako. Kumunot naman ang noo ko rito dahil hindi naman ako nagtatanong dito.

"Uhm, pinapasabi niya po sa amin kung sakaling maasalubong ka raw po ng sinuman sa amin," nahihiyang sagot nito na nakayuko.

"Ah..." I nodded my head a little. "Okay, thank you," sabi ko na lang sa babae bago nagpatuloy na rin sa pagbaba. Hindi ko alam kung hanggang kailan ba kami mananatili roon ni Theon, pero natitiyak kong hindi kami pwedeng magtagal doon.

I'll go back to New York in no time...

I felt dejected with that thought. Hindi naman ako dapat na malungkot dahil iyon naman talaga ang plano noong bumalik ako ng Pilipinas... babalik din ako sa New York...

Babalik ako sa buhay ko roon...

I just heaved a sigh to let out the thought and the heavy feeling inside me.

"Ma'am, nasa likod po si Sir Theon," sabi naman sa akin ng isang babaeng nakasalubong ko.

"Uh... yeah, nabanggit na sa akin," sabi ko rito.

Napailing na lang ako dahil mukhang sinabihan ni Theon ang lahat ng tao roon na sabihin sa akin kung nasaan siya para hindi na ako mahirapan pa na magtanong pagtapos kong mag-wash up.

Naglakad na lang ako papalabas ng bahay at hindi naman ako nahirapan na hanapin si Theon dahil na rin naririnig ko ang boses nito na may kausap sa likod ng bahay.

Idagdag pa ang usok na nagmumula sa mga iniihaw ng mga ito.

"Ma'am, andito na pala kayo," bati ng isang lalaki sa akin na hindi ko na maalala ang pangalan. Lumingon naman din sa akin si Theon at ngumiti sa akin.

"Hi!" bati ni Theon sa akin.

"Uhm, hi?" I replied. "Did you ask them to tell me where you are?" I asked him as I walked towards him.

He gave me a boyish grin and nodded his head. "Baka hindi mo ako mahanap, e," sabi niya sa akin.

Naupo na lang ako sa may tabi habang pinagmamasdan ang mga ito. May kasama si Theon na isang binatilyo na siyang bumati sa akin kanina.

Pinapanuod ko lang si Theon habang abala ito sa pag-iihaw ng liempo. Mabuti na lang din at hindi naman ganoon kainit kaya kahit na nasa labas kami ay walang kaso. Bukod sa liempo ay may nag-iihaw rin ng bangus at manok.

Tempted to Touch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon