This story is already completed Patreon and Ko-fi.
Theon's POV is exclusive in Patreon and Ko-fi under Super Fan tier.
Be a patron and supporter for only 50 pesos per month.
Visit my Patreon and Ko-fi account, @vampiremims.
Leave a comment if you like the story! I would really appreciate it.
☀️☀️☀️
Tahimik lang kaming kumakain ng almusal habang ang mga kasambahay naman namin ay ibinababa na ang mga maletang dadalhin namin papuntang New York. Ipinababa na rin ni Mommy ang mga dadalhin nito para wala na kaming makalimutan.
Si Enzo na rin ang nag-ensure na walang naiwan at lahat ay nasa sasakyan na. Gabi pa ang flight namin nila Mommy pero pagtapos namin magtanghalian mamaya ay aalis na rin kami ng bahay para makasigurado na walang magiging problema pa. Nakapag-usap na rin kami nila Daddy at dahil pumayag ito na sumama sa akin si Mommy, nagsabi naman ito na susunod ito at si Enzo sa amin doon. Ihahatid na rin kami ng mga ito at hindi na rin ako nakatanggi sa gusto ng mga ito.
They might stay there for a month. Bakasyon na rin daw nila kaya naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. I even told Enzo to bring Alyanna, he said he's planning on doing that already.
"Theon still hasn't talked to you?" Dad asked me before he sipped on his coffee.
I looked at her and gave him a dry smile. "It's fine. I understand him, Dad," depensa ko naman dahil alam ko na sumasama rin ang loob ni Daddy sa ginagawa ni Theon, pinipili lang nito na huwag magsalita dahil alam niya na masasaktan ako.
"Thunder said he's still off the grid. Daniel is helping Thunder," sabi nito bago nagpatuloy sa pagkain.
I nodded my head and looked down a little.
I cried a lot already. Gustuhin ko mang umiyak nang umiyak, hindi naman mababago ang realidad na nasaktan ko si Theon at kailangan nitong huminga, kailangan nitong mag-isip nang malayo sa akin.
I know also that whenever I am crying, I am hurting them, too. Nakikita nilang nasasaktan ako at sinisisi nila ang mga sarili nila. Sinasabi nilang naging failed parents sila, na sinasabi ko rin naman na hindi totoo.
Hindi naman sila nagkulang ng pangaral sa akin, ako ang naging problema.
"Keij is still trying to contact him," si Enzo ang nagsalita. Naglalagay ito ng butter sa toast nito na inilapag nito kaagad bago tumingin sa akin. "Will you be okay?" he asked me again. Alam kong nag-aalala ito sa akin.
Aalis akong hindi ko man lang nakausap si Theon. Aalis akong hindi man lang kami nagkaayos. Hindi ko nga alam kung kami pa ba o hindi na. Is it safe to say that we're over? Or is this just a pause?
Muli akong pilit na ngumiti kay Enzo. "I'll be fine, Enzo," sagot ko naman dito. Ayoko na silang labis na mag-alala sa akin dahil sa nangyayari. Hindi pwedeng ganito, hindi pwedeng laging ako ang iisipin nila.
I already sent Theon a message.
Walang reply o kahit na ano mula kay Theon.
Gustung-gusto ko siyang paulit-ulit na tawagan, padalahan ng mensahe pero alam kong hindi makakatulong iyon kay Theon. That's not what he needs right now...
Time. Space... hindi ko alam kung ano pa. Pero sa ngayon, nagiging malinaw na hindi ako kasama roon. Hindi ako kasama sa mga kailangan niya ngayon.
Matapos kumain ay tumulong na lang din muna ako sa paglilipit ng pinagkainan namin habang sina Mommy naman ay umakyat na sa kwarto nito para magtingin pa kung may dadalhin pa ba ito.
BINABASA MO ANG
Tempted to Touch 2
RomansaThey had everything set already, their parents agreed on their relationship, their families are supportive of them, all seems to be working well for them... but what if in the midst of everything, they will realize they want something else and the...