50

22.7K 619 62
                                    

This is the last chapter of Tempted To Touch 2. 

Theon's POV is exclusive in Patreon and Ko-fi under Super Fan tier. It is also available in Facebook VIP Group. 

Check the story "How To Join Patreon and VIP Group" for more details. 

Leave a comment if you like the story. :)

☀️☀️☀️


Mabigat ang bawat paghinga ko habang nakaupo at nakasandal sa likod ng pinto. Kanina ko pa rin paulit-ulit na ikinukuyom ang kamay ko habang naghihintay.

Nakikita ko ang pregnancy test na inilagay ko sa ibabaw ng lababo pero hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang naghihintay sa resulta. Hindi ko na rin alam kung gaano na ba katagal akong naghihintay para malaman kung dalawang guhit na iyon o isa...

Tatlong klaseng pregnancy kit ang binili ni Theon kanina dahil na rin hindi rin ito mapakali dahil sa hinuha nitong baka buntis ako.

The thought occurred to me, but I was too stunned to speak.

Pareho kaming hindi pa nakakapag-almusal dahil nagising na lang akong naduduwal at nangangasim ang sikmura.

Iniisip ko na baka may nakain lang akong hindi okay, baka naman nalipasan lang ako ng gutom... I am making excused inside my mind.

Hindi dahil ayaw kong magkaroon muli ng anak, kung hindi dahil natatakot akong mawawala ulit sa akin ang anak ko...

Muli akong huminga ng malalim bago muling lumingon sa lababo.

"Lean?"

Napalingon ako sa pinto nang kumatok si Theon. Kanina pa rin ito naghihintay sa labas ng kwarto ko at alam ko naman na kinakabahan din ito...

"Is everything okay?" tanong nitong muli sa akin.

Maybe he's excited?

Pero paano kung madisappoint si Theon sa resulta?

I bit my lip hard. I cleared my throat and heaved a sigh.

"I'm fine... I will go out in a bit..." sagot ko naman dito bago marahang tumayo para tignan ang resulta sa mga pregnancy kit na naroon.

Kinakabahan kong tinignan ang tatlong kit na naroon at para akong hindi humihinga nang tignan ko ang mga resultang nakasaad doon.

"What..." natutop ko ang kamay sa bibig nang makita ang resulta.

Dalawang linya.

Positive.

Awtomatikong nabuo ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa mga resultang naroon. Sunod-sunod ang naging patak ng mga iyon nang damputin ko ang mga kits at tignan na mabuti. Hindi ko mapigilan ang paghikbi habang pinagmamasdan ang resultang nakasaad doon.

"Lean?" narinig kong muli ang tawag ni Theon sa akin. I looked at the door and unlocked it. Bumukas naman kaagad iyon at nakita ko si Theon na nakatingin sa akin.

"What happened...?" he asked me. Bakas din ang pag-aalala sa mukha ni Theon habang nakatingin sa akin. Bumaling din ang tingin niya sa hawak kong mga pregnancy kits.

Nanginginig ang mga kamay kong ipinakita sa kanya ang resulta ng mga iyon.

"P-positive..." halos bulong lang na sabi ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Theon na agad ding napalitan ng saya.

"Positive?" he asked me as he took the kits in my hands and looked at them. "You're pregnant, baby..."

Hindi ko napigilan ang mga luha sa pagpatak mula sa mga mata ko habang nakatingin kay Theon na masayang-masaya sa kaalaman na buntis ako. Ito ang isa sa mga bagay na hindi namin nagawa noon sa anak namin.

Tempted to Touch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon