This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my Patreon account, @vampiremims.
Leave a comment if you like the story! I would really appreciate it.
☀️☀️☀️
"Are you mad?"
He snorted again when I asked him. Kanina pang umaga ito tahimik, actually... mula nang sabihin ko sa kanya na kailangan naming bumalik sa Manila, hindi na ako masyadong kinikibo ni Theon.
May plano kaming mamasyal ngayong araw pero kinailangan naming umuwi ngayon kaya sa palagay ko ay masama talaga ang loob ni Theon sa akin.
We've been together there for the past 4 days. Sa isang araw pa dapat kami babalik ng Manila pero napaaga dahil na rin sa hindi ko naman inaasahan na bagay.
"Theon."
"Oh?" tanong naman nito sa akin. Nakasuot ito ng shades habang nagmamaneho.
"Why are you mad?" I asked him again and he just replied with a shrug. Tumaas ang kilay ko sa lalaki habang nakatingin dito.
Hindi ko naman inaasahan na magpupunta si Karl at Tita Becky sa bahay namin, kung tutuusin. Ang alam ko ay magbabakasyon ang lalaki pero hindi ko alam at wala naman akong ideya na pupunta ang mga ito sa Pilipinas.
He scoffed again as he continued to drive.
I just shook my head and rolled my eyes. Tumingin na lang din ako sa labas habang binabagtas namin ang daan pabalik sa Maynila.
I trust Tita Becky, but I am afraid she will say something to my parents. Hindi naman iisang beses lang ako nitong pinipilit na sabihin sa mga magulang ko ang nangyari sa akin pero ako lang ang hindi pumapayag dahil na rin ayokong malaman nila ang nangyari.
Wala namang magbabago kung malalaman nila...
They will just get hurt because I didn't tell them what happened.
Muli akong napalingon kay Theon at hindi pa rin ito nagsasalita habang nagmamaneho. It was as if I was not here and he's alone driving...
"You can just drop me off in a terminal. I can just go home on my own," sabi ko rito bago muling tumingin sa labas.
"What?" I heard him ask me.
I looked at him and I saw him facing me.
"Ibaba mo na lang ako sa terminal tapos ako na lang uuwi mag-isa para hindi ka na magmaneho pabalik ng Manila," dagdag na sabi ko pa rito habang nakatingin kay Theon.
Nangunot ang noo nito bago inalis ang salamin sa mata at tinignan ako. "What are you talking about?" tanong nito. Sumusulyap ito sa daan at muling ibinabalik sa akin ang tingin. Mabuti na lang din at maluwag ang kalsada kaya nakakalingon sa akin si Theon.
"Mukhang labag na labag sa loob mo na bumalik na sa Manila kaya ako na lang ang uuwi mag-isa."
Mas nangunot pa ang noo nito habang nakatingin sa akin na para bang hindi naiintindihan ang sinasabi ko. "Yes, I am against the decision to go back now, but driving back to Manila with you is fine with me, Lean. Anong pinagsasabi mo d'yan?" tanong nito sa akin. "I am just pissed that you just know that... that model is here and you're fucking rushing to go back home. Ganoon ba kaimportante 'yon?" he added even before I could answer.
"What?" ako naman ang nagtaka sa sinabi nito.
"Hindi ba? Tumawag si Enzo sa'yo para sabihin na dumating 'yung kung sinuman na 'yon, ngayon nagmamadali kang bumalik ng Manila. Sino bang hindi mapipikon 'dun?" sabi ni Theon habang hawak ng mahigpit ang manibela.
BINABASA MO ANG
Tempted to Touch 2
RomanceThey had everything set already, their parents agreed on their relationship, their families are supportive of them, all seems to be working well for them... but what if in the midst of everything, they will realize they want something else and the...