48

11.3K 463 21
                                    

This story is already completed Patreon and Ko-fi.

Theon's POV is exclusive in Patreon and Ko-fi under Super Fan tier.

Be a patron and supporter for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon and Ko-fi account, @vampiremims.

You can now also join my VIP Group on Facebook! Visit my wall for more details! :)

Leave a comment if you like the story! I would really appreciate it.

☀️☀️☀️


Hawak ko ang kamay ni Theon habang naglalakad kami papunta sa hotel room na kinuha ni Mommy para sa aming apat nila Daddy at ni Enzo. It was actually Theon's idea to talk to them again...

He talked to my dad before they went here in New York, but that was a different situation. Hindi alam ni Theon noon kung magiging okay ba kami, kung tatanggapin ko siya ulit, kaya siya na rin mismo ang nagsabi sa akin na gusto niyang makausap muli ang mga ito.

"Are you sure about this?" I asked him again as we stood in front of the door. Hindi na muna ako kumatok o ano, gusto ko lang din malaman na sigurado si Theon sa plano nito. Sa unit ko kami nagpalipas ng gabi at una naming ginawang magpunta rito kina Mommy dahil gusto silang makausap ni Theon.

Ilang beses kong tinanong si Theon kung sigurado ba siya sa plano niya.

I mean, he mentioned that Enzo punched him...

He smiled a little and nodded his head. "Of course, I am sure, baby," sabi niya sa akin bago hinalikan ang noo ko at mahinang pinisil ang kamay kong nakahawak sa kanya.

Tumango na lang din ako sa kanya dahil mukha naman ding hindi ko mapipigilan si Theon sa plano nitong gawin. Ito na rin ang kumatok sa pinto habang hawak pa rin ang kamay ko.

Maybe he's nervous?

But I know my parents... they will understand Theon. Noon, naiintindihan ko rin naman sila Mommy at Daddy kung bakit ganoon ang naging reaksyon nila sa amin ni Theon. They were scared and they wanted to protect me...

Napatunayan naman na rin namin ni Theon na mahal namin ang isa't isa sa kanila at alam ko naman din na walang ibang hinahangad ang mga magulang ko kung hindi maging masaya ako, kaming dalawa ni Enzo... though they don't have much problem with Enzo.

"Lean, Theon," Mommy acknowledged us when she saw us. Nilakihan din nito ang bukas ng pinto upang papasukin kami.

"Hon, they're here," tawag naman nito kay Daddy.

Malaki ang kinuhang kwarto ni Mommy, tatlo ang kwarto para tig-isa kami ni Enzo. Simula naman din nang nagsimula ang period ko noon, hiniwalay na kami ni Mommy ng kwarto ni Enzo, sa palagay ko nga ay pinagpapasalamat pa ni Enzo ang bagay na iyon.

Kumunot din ang noo ko nang makita ko si Enzo na lumabas mula sa isang kwarto, sumunod naman dito si Alyanna.

"Hi! Sorry, I wasn't able to watch your show!" nakasimangot na sabi ni Alyanna bago lumapit sa akin at niyakap din ako ng mahigpit. "Enzo said you're great!" she smiled at me before looking back at Enzo.

"I didn't say that," Enzo said.

Napangiti na lang ako bago niyakap din si Alyanna. "Thanks, Alyanna. I didn't know you're here..." sabi ko sa kanya bago ito nagkibit-balikat. "Surprise!" she chuckled before looking at Theon.

"And you! You talked to Duke but you didn't talk to us!" inirapan nito si Theon.

"You don't know how to keep secrets, Alyanna," sagot naman ni Theon dito.

Tempted to Touch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon