40

11.1K 493 21
                                    


This story has advanced chapters in Patreon and Ko-fi.

Be a patron and supporter for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon and Ko-fi account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story! I would really appreciate it.

☀️☀️☀️


Hindi ko na rin alam kung gaano na ba ako katagal nakatingin sa may screen ng cellphone ko, naghihintay ng kahit na ano mula kay Theon. I am not even sure what I was waiting for.

Message?

Call?

Kahit nga yata tuldok lang na text message mula rito ay magiging maayos na ako, e.

Pero wala...

It has been 2 days already...

Simula noong huli ko siyang nakita.

Simula noong nalaman nito ang nangyari.

Hindi pa rin kami nagkakausap tungkol sa bagay na iyon. Hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag ko.

I know... I know I need to give him space. Kahit naman ako ay iyon ang sinasabi sa sarili ko pero hindi ko mapigilan na hindi magpadala ng mensahe kay Theon, subukang tawagan ito para makausap ko ito... marinig ko ang boses nito...

Alam ko naman na ako mismo ang kumakain sa sinabi ko na hayaan muna si Theon na mag-isip at mapag-isa dahil hindi naman talaga madali ang nalaman nito mula sa akin.

Pero hindi ko rin mapigilan na mag-isip... hindi ko mapigilan ang sarili ko na kumustahin si Theon.

I stared at my messages...

Hindi pa nababasa ni Theon ang lahat ng iyon dahil wala pang nakalagay na indikasyon doon na nabasa ni Theon ang mga iyon.

Nagriring naman ang telepono nito pero hindi pa rin ako nito sinasagot.

I heaved a sigh and leaned on my couch. Hindi rin ako lumalabas ng bahay nitong nakalipas na araw. Nasa bahay lang ako at nagpapahinga... kung nakakapahinga nga ba ako.

Alyanna visited me yesterday. Alam na nito ang nangyari at kahit na hindi nito sabihin sa akin, alam kong naaawa siya sa akin. She tried her best not to show it, but I guess she's the same old Alyanna. Hindi naman big deal sa akin kung nakaramdam ito ng awa.

Nakakaawa naman talaga ang nangyari sa akin.

She stayed with me until evening. Mabuti na rin iyon dahil may nakasama ako... kahit papaano ay hindi ko nagawang guluhin si Theon.

Mom and Dad already set a meeting with Tito Thunder and Tita Rain. Hindi ko tiyak kung sasama ba si Theon sa mga ito sa pagkikita namin pero umaasa ako na sana sumama siya...

Mom invited them for dinner so we can talk about what happened. Gaya ng sinabi ko, may karapatan din ang mga ito na malaman ang nangyari. After all, my baby was their grandchild.

Mabilis akong napatingin sa phone ko nang makatanggap ako ng mensahe.

I sighed frustratedly and shook my head. It was Keij.

Saglit akong natigilan at muling tumingin sa phone ko.

It was Keij.

Maybe he got some news about Theon.

Mabilis kong binuksan ang mensahe nito sa akin at nangangamusta ito. Hindi ko pa ulit nakita ang group simula nang may nangyari. Wala rin namang naglalakas ng loob na mag-aya na magkita-kita kami dahil sa nangyari.

Tempted to Touch 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon