"Desmond says to Molly girl I like your face and..."
Lakas ng kanta ni Blue. Rinig pa ata sa kabilang purok. Baka ma report pa sila sa sobrang ingay sa rooftop.
Nasa kaliwang side teammates ni Blue. Sa kanan old friends nya at sa gitna naman silang magpipinsan.
Nagsimula nang uminom ang mga ito. Isa isa nyang binati ang mga kaibigan bago naupo sa table nila.
Umakyat na din sa rooftop si Lila. Bitbit nito ang ibang pulutan at nilapag sa mesa nila.
Bumabaha ng alak at pulutan. Lumapit ito sa speakers at pinatay muna.
Napasimangot si Blue. "Basag trip na naman si Labandera. Papansin!"
"Pwede kang makulong sa pangit ng boses mo Police Officer Gordon Blue."
"Pwede kitang ikulong sa puso ko."
Natameme si Lila.
"Ayiiee. Kinilig."
"Kilig pala ha. Gusto mong hampasin kita?"
"Hampas ng pagmamahal?" Tukso ni Blue.
"Can I shower first? Nanlalagkit na kasi ako." Singit nya sa bangayan ng dalawa.
"Yumakap ka siguro kay Engineer." Kantiyaw ni Blue.
"Paki mo naman kung na BLUEtooth sa kanya yung pawis ni Oliver?" Mataray na sagot ni Lila.
Kelan kaya magkakasundo 'tong mga premature na 'to? Hays. "I'll shower na muna. San nga pala si Kuya Grey?"
"Sinundo si Kahel at Greynald. Malapit na din yun bumalik."
Tumango sya at bumaba na para maligo. Sa guest room sya dumiretso. Buti na lang naihatid nya na dito mga damit nya kaninang umaga. Less hassle na.
Kinuha nya ang paper bag na may lamang damit pampalit para sa walwalan at may pajama pantulog mamaya.
Di na sya nag abalang mag blower dahil mahangin naman sa taas.
Naka blue shirt lang sya at black shorts. Pag balik nya sa rooftop ay andun na si Kahel at Green. Patakbong lumapit sa kanya si Kahel at yumakap.
"I missed you Red! Dalagang dalaga ka na!" Kumalas din sya sa pagkakayakap. Lumapit naman si Green at tinapik sya sa balikat. Mas serious type kasi ito kesa kay Greyham.
"Good to see you." Yun lang at tinalikuran na sya.
"Di man lang nagsabi si Lila na nakauwi ka na. Napakadaya. Sinundo sana kita."
"Well, surprise!" Sabay na silang pumunta sa table nila. Pag upo nya ay shot agad ng alak. Maingay na sa table nila Blue.
Binuksan ulit ni Lila ang speaker. Reggae songs na ang pinatugtog. Sakto lang ang lakas.
Ayaw naman nya sa sobrang lakas tulad kanina. Di marinig pinag uusapan sa paligid.
"So, what's your plan Red? Where do you want to work?" Tanong ni Kahel.
"Work agad? Di ba pwedeng tambay muna? Nakakapagod kaya mag aral sa college. Nakakaubos ng ganda! Gusto ko muna lasapin ang buhay tambay."
"You can work in our boutique. Pwede kang mannequin dun." Heto na naman si Lila.
Sumingit sa usapan si Blue at umupo sa tabi nya. "Pwede ka din sa police station. Naghahanap kami ng kriminal." Napangiwi sya sa sinabi nito at hinampas sa braso.
"Kriminal ba kamo? Manalamin ka din paminsan minsan! Makikita mo kriminal na hinahanap mo!" Nabuga ni Blue ang nilagok na alak. Tawang tawa naman sila sa hirit ni Lila.
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake (COMPLETED)
General FictionRed Alcantara hates cheaters! Faithfulness is her number one rule when it comes to relationships. So, when her ex Oliver Villafuerte started flirting with her, she knows she's in danger. She broke her own rule! And she became the person she hates...