"Andromeda!!!" Naalimpungatan sya sa lakas ng sigaw ni Blue. Sumampa pa ito sa higaan nya.
"Gago! Anong ginagawa mo dito?" Nagtalukbong sya ng kumot. Antok na antok pa sya.
Nagyaya si Lila at Kahel kagabi sa kanila kaya napaaga ang uwi nya. Pasado alas dos ng madaling araw na sila natapos uminom.
"Bumangon ka na nga dyan! Alas tres na ng hapon!" Hinila nito ang kumot nya.
"Eh ano naman ngayon? Antok pa nga ako di ba?" Angal nya.
"Mag bra ka nga! Ang liit ng boobs mo. Pang elementary!"
Sanay na syang ganito si Blue. Wala syang paki kung makita man nito buong katawan nya.
Ganun sya ka komportable sa best friend nyang tukmol.
"Paki mo ba? At least may boobs!"
"Bumangon ka na nga! Hapon na di ka pa kumakain!" Talo pa ang Mama nya mag sermon.
"Bakit ba kasi? Ano na namang trip mo sa buhay?" Napaupo na sya at hinagilap ang bra. Busangot pa ang mukha nya.
Saglit naman itong tumalikod sa kanya.
"Mamaya na yung amateur singing contest! Pati yung dance!"
"Eh ano naman? Kasali ka ba, ha? Epal 'to. Akala mo contestant din!"
Humarap na ito at naupo sa gilid ng kama. Hinagilap nya ang cellphone nya sa side table.
"Wala lang! Wala akong kasama manood. Tsaka ang alam ko isa sa panel of judges si Greyham."
"Sus! Yun lang pala eh!" Napairap pa sya dito.
"Kasama din si Oliver!"
Huh?
"Sigurado ka bang judge ang dalawang yun? Parang tanga!" Natatawa pa sya.
"Oo nga! Kaya manood tayo mamaya." Nahiga ito sa kama nya. Nag stretching pa.
She opened her phone. There's two messages. Both from Oliver.
Ulan: Good morning baby! Don't skip your breakfast.
Ulan: Are you free later? I want to talk about something.
Napangiti sya sa unang message nito. It's been four days since they last saw each other. Busy siguro sa work.
"Timang!" Blue snorted.
Nakatingin pala ito sa kanya.
"At least hindi tigang!" Sabay pa silang nagulat sa sinabi nya.
"Anong tigang? Don't tell me lumalandi ka na Andromeda! Hindi ako papayag!" Napatayo na ito sa kama at tinitigan sya.
"Bawal ba lumandi, ha?" Tinarayan nya ito.
"Hindi naman! Pero kung may balak ka lumandi, wag naman all out o all in."
"Daming alam talaga! Labas na nga! Maliligo pa ako." Tinulak nya ito palabas ng kwarto pero nahiga lang ulit sa kama.
Feel at home talaga.
Nag ring ang cellphone nya. Si Oliver ang tumatawag! Himala dahil bihira ito tumawag. Alanganin pa syang sagutin ito dahil nagdududa ang tingin ni Blue.
Lumayo sya ng konti at pumwesto sa may bintana ng kwarto nya. She answered the call.
"Hello?" Medyo mahina ang boses nya. Paos pa sya.
"How are you? Busy ka ba? Di ka nag reply. Kanina pa text ko." Maingay sa background ni Oliver. Mukhang nasa site.
"Uhm. Kagigising ko lang." Pasulyap sulyap sya kay Blue. Nanatili itong nakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake (COMPLETED)
General FictionRed Alcantara hates cheaters! Faithfulness is her number one rule when it comes to relationships. So, when her ex Oliver Villafuerte started flirting with her, she knows she's in danger. She broke her own rule! And she became the person she hates...