Chapter 4

79 3 0
                                    

Midnight Coffee is full of customers.  Maliban kasi sa food and drinks ay may free WiFi din sila. Idagdag pa na peak season talaga pag summer.

Kahit pilay pa ay tumulong na din sya sa staff nila. Ayaw nya ng cashier lang. Sanay naman sya mag multitasking.

"Jay." Tinawag nya ang isa sa staff nila. Malapit na din mag lunch kaya magpapahinga muna sya sa mini office na nasa likod ng counter nila.

Lumapit naman ito. "Bakit po Ma'am?"

"Ikaw na muna sa kaha. Mamaya pa shift ni Maya."

"Ah sige po Ma'am." Tumango sya at tinungo ang office. Kailangan nya rin kasing icheck yung email na sinasabi ni Kahel. Buti na lang at may computer sa loob ng office.

Kakaupo nya lang nang kumatok si Jay. "May naghahanap po sa inyo Ma'am."

Sino naman kaya? "Papasukin mo na lang dito. Thank you."

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at nagulat sya nang makita si Oliver. Naka formal attire pa. Galing siguro sa office. Bigla tuloy syang na conscious sa outfit nya.

Naka maxi dress lang sya na kulay baby pink. Pasimple nyang hinagod ang mahabang buhok na kanina pa kailangan ng suklay.

"Hi. Am I disturbing you?" He flashed a smile. Nakapamulsa ito habang titig na titig sa kanya.

"Oo. Istorbo ka sa heartbeat ko." Kumunot noo nito.

Shit!

"I mean, hindi naman. Bakit ka napadpad dito?"

Itinaas nito ang hawak na paper bag na ngayon nya lang din napansin. "Just want to give you this." Nilapag nito ang paper bag sa desk nya. Na curious tuloy sya kung ano yun.

"Nakakain ba yan? Gutom na ako."

Tumawa si Oliver. "Sort of."

May logo ito pharmacy nila Kahel. She opened it. "What's this?"

"For your tongue."

Na-touch sya saglit. Naalala pala nito ang napaso nyang dila. Medyo masakit pa nga ngayon kaya di sya makakain ng maayos.

Napakaliit na bagay pero parang may humaplos sa puso nya. Kinikilig tuloy sya. Matagal na rin kasi simula nang may lalaking naging ganito ka-concern sa kanya maliban kay Blue.

"Uhm. Thanks. Nag-abala ka pa."

"Anything for you, Ada." Nag blush sya sa sinabi ni Oliver. Tanghaling tapat nilalandi na naman sya.

"Umalis ka na. Baka hanapin ka ng jowa mo." Sumimangot si Oliver sa sinabi nya. "What? Denying your girlfriend now, Engineer?"

He sighed deeply. "I'll go now." Tumalikod na ito at naiwan syang nga-nga.

He didn't confirmed nor denied it. Tapos ang lakas pa ng loob maglandi sa kanya. May ointment pang nalalaman!

Hay naku Andromeda!

Red flag alert!

Chineck nya na ang email na sinasabi ni Kahel. Friday and Saturday. Sa isang hotel sa Tagaytay ang venue.

Hmmm. Not bad at all.

Magpapaalam na lang sya sa magulang nya. Sigurado namang papayag ang mga ito.

***

"Ingat ka dun. Na transfer ko na yung allowance sa account mo. Withdraw mo na lang pagdating dun." Humagikhik pa si Kahel. Ito na mismo ang naghatid sa kanya sa airport.

May dala itong maliit na maleta. Ngayon din ang alis kasama yung jowa nito kung sino man yun.

"Ipagdasal mong makabingwit ako ng gwapo." Isang maliit na traveling bag ang dala nya at shoulder bag.

My Favorite Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon