Chapter 24

56 1 0
                                    

Wala na sa tabi nya si Bughaw nang magising sya. Pag tingin nya sa cellphone ay alas sais pa lang naman ng umaga.

Napangiti sya nang makita ang isang basong gatas sa bedside table nya. Swerte nya din talaga kay Blue. Napaka caring na tao kahit pasmado ang bunganga.

Napaupo sya at ininom agad ang kalahati ng gatas. Kumakalam na kasi ang sikmura nya. Tuloy-tuloy ang tulog nya kagabi. Dala siguro ng pagod sa byahe at sa pag go-grocery.

Hindi na nga nya namalayan ang pagtabi sa kanya ni Bughaw. Ramdam lang nya na may nakayakap sa kanya magdamag kaya siguro payapa syang nakatulog.

She took a photo of the milk and posted it on her IG story. She tagged Blue at nilagyan nya ng super liit na caption "Thanks Baby Blue!" at may kasama pang heart emoji.

She's still friends with Oliver. Hindi naman sila nag unfollow sa isa't isa pero never na itong nag message sa kanya. Wala rin syang balak i-message ito.

Tamang stalk na lang siguro sya pag may time. Ganun naman karamihan sa mga naghihiwalay. Yung iba nga naka block pa. She's not that immature para i-block or unfollow pa si Oliver.

Nagulat sya nang pumasok si Blue na pawisan. Nagpupunas pa ito ng towel sa leeg at noo.

"Sa'n ka naman galing? Ang aga aga mo gumising. Baka naghanap ka na naman ng chicks ah." Pinagpatuloy nya ang pag-inom ng gatas.

"Nag jogging lang." Agap nito at naghalungkat ng sando sa backpack. Nagpalit lang ito ng sando at niyaya na syang mag-almusal.

Mabilis syang naghilamos ng mukha sa banyo at ipinusod ang buhok. Naka dolphin shorts sya at oversized t-shirt.

Pagpunta nya sa kusina ay nagkakape na si Bughaw at Ella. Naupo sya sa tabi ni Blue.

"Good morning Madam. Kumusta po beauty rest nyo? Masarap po ba matulog pag may katabing pogi?"

She smiled at Ella. Pangiti ngiti naman ang feeling pogi sa tabi nya. "Medyo okay naman. Di naman kasi sobrang pogi. Tsaka ang lakas humilik."

"Ay, turn off Sir." Kunwari ay nadismaya si Ella.

"Excuse me Andromeda. I don't snore." Tinapunan sya ng masamang tingin ni Blue.

"Eh ano pala yun? Utot mo?" Kumuha sya ng pandesal at pinalaman ang pritong itlog. Kumagat sya at ninamnam ang pandesal. Iba talaga ang pandesal ng Manila.

"Ungol ko siguro narinig mo." Kumuha din ng pandesal si Bughaw.

Sumingit sa usapan si Ella. "Pa'no yung ungol mo Sir?"

Napaawang ang bibig ni Blue at umiling na lang. "Nevermind. What's your schedule today? Five pm pa naman ang alis ko."

Inubos nya ang kinakain na pandesal bago sumagot. "Shopping. I need to shop some maternity clothes. Malamang sisikip na mga damit ko dito."

Kumuha naman sya ng longganisa. Ayaw nya mag kanin.

"Eh kasi pang elementary mga damit mo. Mga babae talaga. Ang hihilig sa masikip na damit. Tss."

Umismid sya at sinipat ang mukha ni Blue. "Mga lalaki nga mahilig din sa masikip eh... pero hindi damit."

"Ano pong masikip yun Madam?" Inosenteng tanong ni Ella.

Natawa tuloy sila ni Blue. "Wala. Magbihis na kayo. Aalis tayo. Itetext ko lang si Manong Jeff."

Tumalima naman si Ella. Niligpit nito ang pinagkainan nila bago tinungo ang sariling kwarto.

Una syang naligo. Madalian lang dahil baka traffic na naman at abutin pa sila ng maghapon sa pag-iikot.

Pink na sundress ang isinuot nya at black sandals. Naka high ponytail na naman ang buhok nya. Black shoulder bag din ang kinuha nya at nilagay ang cellphone, wallet, kikay kit at isang bar ng chocolate na nasa kwarto nya pero hindi nya naman kinain.

My Favorite Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon