Iyak lang sya ng iyak habang yakap yakap ni Blue. Nadatnan pa sila ni Nanay Sita na ganun.
May bitbit itong bag na may damit nya at ilang personal na gamit. May dala din itong pagkain. Mabuti naman dahil gutom na ang pakiramdam nya. Alas onse na ang oras sa wall clock ng private room nya.
Kumalas sya sa pagkakayakap kay Blue at nagmano kay Nay Sita. Niyakap sya nito at tiningnan nang may pag-aalala.
"Ano bang nangyari sa'yong bata ka? Maryosep! Para akong aatakehin nang tawagan ako nitong si Godo! Yung Mama mo din taranta na kanina nang makausap ko sa telepono."
"Sorry po Nay. Di ko naman po kasi napansin yung kotse ni Bughaw." Pinunasan nya ang luhaang mata.
Naupo na ito sa sofa na nasa gilid ng pinto. Katabi si Blue na busy sa cellphone.
"Eh bakit umiiyak ka? Hindi naman galit ang Mama at Papa mo. Nag-aalala pa nga."
Nagkatinginan sila ni Blue. Matagal na sa kanila si Nanay Sita. Kaya kung ano man ang problema nya ngayon ay sigurado syang dadamayan sya nito at hindi huhushagan.
Kailangan nya ang payo nito. Dahil takot syang harapin ang mga magulang nya. Lalo na at wala naman syang maihaharap na tatay ng anak nya.
"Buntis yan Nay!" Balewalang sabi ni Blue.
Nahihiyang tumingin sya kay Nay Sita. Walang bakas ng gulat sa mukha nito.
"Alam ko." Nakangiting wika nito. Sabay kumunot ang noo nila ni Bughaw.
"Pa'no nyo po nalaman? Eh ngayon lang po sinabi ng doktor?" Si Blue na ang nagtanong.
"Eh madalas maraming ayaw sa pagkain. Yung mga paborito nya na niluluto ko, ayaw kainin. Walang gana. Tsaka pag may dysmenorrhea ka, lagi akong bumibili ng gamot mo. Hindi ka naman nagka dysmenorrhea nung nakaraang buwan. Basta. Hindi mo ba napapansin yun sa sarili mo? Ikaw talagang bata ka." Mahabang sabi ni Nay Sita.
"Sorry po Nay." Napayuko sya sa guilt na nararamdaman.
Napa buntong-hininga si Nay Sita. "Mapupusok na talaga kabataan ngayon. Pero andyan na yan. Biyaya yan Ria. Kaya huwag ka sanang mag-isip ng kung anu-ano na ikakasama mo o ng magiging anak mo. Mag-iingat ka na palagi."
"Hindi nyo po ba tatanungin kung sinong tatay ng anak ko?" Mahinang tanong nya.
Tumikhim ng makahulugan si Blue. Tiningnan ito ni Nay Sita.
"Wala ka namang pinapakilalang nobyo. Kaya nasa iyo ang desisyon kung sasabihin mo kung sino o hindi. Alam ko namang hindi si Godo. Dahil kahit maghubad ka pa sa harap nito, eh hindi ito papatol sa'yo." Napangiwi si Bughaw sa sinabi ni Nanay Sita.
"Nay, pa'no ko po sasabihin kay Mama at Papa? Natatakot po ako. Napaka bata ko pa para bigyan sila ng apo. Baka... itakwil ako ni Papa. O kaya... p-palayasin ako ni Mama." Napahikbi na sya habang nagsasalita.
Lumapit ulit si Nay Sita at niyakap sya ng marahan.
"Ria, mahal ka ng mga magulang mo. Alam ko, mauunawaan ka nila. Magsabi ka lang ng totoo. Huwag mo nang patagalin pa dahil lalo ka lang mahihirapan. Andito lang ako."
"N-nakakahiya po Nay. Wala pa nga akong... nararating sa buhay, h-halos kaka-graduate ko pa lang." Patuloy ang mahihinang hikbi nya.
"Mabuti nga at tapos ka na sa pag-aaral at ikaw na ang namamahala sa isang negosyo nyo. Kumpara naman doon sa mga menor de edad at high school pa lang. Naku. Mas problema ng mga magulang iyon." Marahang hinaplos haplos ni Nay Sita ang likod nya.
"Pa'no po pag... pag ayokong sabihin kung sinong t-tatay ng anak ko? Ano na lang ang sasabihin ng mga m-magulang ko? Isa akong dalagang ina."
Sumingit sa usapan si Bughaw. "Ano ka ba naman Andromeda! Mabuti na iyon kaysa putang ina! Sarap suntukin ng tatay ng anak mo! Tatanggalan ko yun ng itlog!" Bakas ang inis sa pagmumukha nito.
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake (COMPLETED)
Narrativa generaleRed Alcantara hates cheaters! Faithfulness is her number one rule when it comes to relationships. So, when her ex Oliver Villafuerte started flirting with her, she knows she's in danger. She broke her own rule! And she became the person she hates...