It's Independence Day!
Pero ang pakiramdam nya ay All Soul's Day! Para syang namatayan! Ngayong araw na ang kasal ni Oliver at Ara!
Kanina pa sya tulala sa harap ng salamin habang busy ang nag aayos sa buhok nya. Nag hire pa talaga sya ng hair stylist at taga make up na din.
"Ok lang kayo Madam? Para naman hong hindi kasal ang pupuntahan nyo!" Bakla ang na hire nyang stylist.
"Kasal ng ex ko." Pag amin nya sa stylist.
"Talaga Madam? In fairness, di lahat invited sa kasal ng ex! Eh bakit sad face kayo? Mahal mo pa ba?" Chikadora pala ang na hire nya.
"No." Tipid na sagot nya. Di na nag usisa ang bakla at pinagpatuloy lang ang pag aayos sa kanya.
Kanina pa text ng text si Oliver. May missed calls din ito. Ni isa ay hindi sya nag reply.
She fucking missed him! Simula kasi nung muntik silang mahuli ni Ara ay palagi na itong naka buntot kay Oliver.
She turned off her phone. Alas otso pa lang naman. May kumatok sa pinto ng kwarto nya. Paglingon nya ay pumasok si Blue. Looking good in a grey suit. Naka specs pa ito. Parang abogado.
"Matagal ka pa ba? Huwag ka na magpaganda. Di naman ikaw yung bride!"
Abogago pala! Inirapan nya ito.
"Wait a minute Sir. Patapos na si Madam. Konting kembot na lang."
Five minutes more and they're done. Napanganga sya nang makita ang sarili sa salamin!
She looked glowing in her red gown! She used a golden belt to match the wedding's motif. Nag suot din sya ng pearl earrings and necklace. Naka romantic updo ang buhok nya at bagay na bagay ang hair clips na may maliliit na bulaklak!
Tumagilid pa sya para tingnan ang likod nya. She saw her tattoo. May naalala tuloy syang quote na nabasa nya noon. Pero di naman related sa tattoo nya.
Married in white, you will have chosen alright.
Married in grey, you will go far away.
Married in black, you will wish yourself back.
Married in red, you'll wish yourself dead!Well, she felt dead at the moment.
"Pak! Ganda ni Madam! Dyosa!" Pagpuri ng bakla. "Nakaka in love Sir di ba?" Wika nito kay Blue.
Blue smirked. "Dyosa ng katangahan!"
Sinamaan nya ito ng tingin. Sarap na naman sakalin ng gagong pulis na 'to!
"Ay, pasmado si Sir! Go na Madam! Irampa mo na yang beautiful face mo!" Nag ligpit na ng gamit ang bakla. Inabot nya ang sobre na nasa golden pouch nya at binigay dito. Nagpasalamat ito at umalis na.
May pasobra pa ang bayad nya dahil nagustuhan nya ang hitsura. In fairness, gumanda talaga sya. Hindi halatang stressed sa pupuntahan.
"Let's go." Inalalayan sya ni Blue pababa ng hagdan. Four inches kasi ang sinuot nyang stilettos.
Mabuti at wala ang parents nya. Baka mag usisa pa ang mga ito kung bakit invited sya sa kasal ni Oliver at Ara.
"May oras ka pa para mag back out Andromeda." Seryosong wika ni Blue nang buksan nito ang pinto ng kotse.
"Sayang effort ko 'no! Lulubusin ko na yung sakit!" She faked a smile.
He raised a brow then shrugged. "Sabagay, baka sakaling matauhan ka." Umikot na ito sa driver's seat nang makaupo na sya.
Sinikap nyang pakalmahin ang sarili nag marating nila ang simbahan. Di na sya nagtaka nang makitang bongga ang decors. Parehas ba namang Engineer ang ikakasal!
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake (COMPLETED)
General FictionRed Alcantara hates cheaters! Faithfulness is her number one rule when it comes to relationships. So, when her ex Oliver Villafuerte started flirting with her, she knows she's in danger. She broke her own rule! And she became the person she hates...